pinalutang niya na yung apat niyang blade at pumaligid sakanya
gumawa naman ako nang blade at ibinato ko sakanya pero hinarangan lang yun nung apat niyang blade at bigla na lang lumipad yung mga yun papunta sakin kaya agad akong umilag pero bumabalik nanaman yun papunta sakin paulit ulit lang akong umilag sa mga tira niya at minsan hindi ko maiwasang masugatan
nakatayo lang sya roon at pinapanuod ako at halatang kampanteng kampante siya na siya ang mananalo
bumalik na lang bigla yung mga blade papunta sakanya
"ano ba yan hiro, wala na bang ikagaganda tong laban, pasensya ka na pero kailangan ko na tong tapusin"
bigla na lang lumipad nang napakabilis yung isa niyang blade papunta sakin at natamaan ako sa kanang balikat sumunod naman yung tatlo at inilagan ko na lang ulit yung mga yun at nakita kong papalapit na siya sakin kaya gumawa ako nang knife at tinangkang saksakin sya, pero napatigil ako nung natamaan nanaman ang braso ko kaya nasuntok niya ko nang malakas dahilan para mapalayo nang kaunti sakanya
at di ko na lang namalayan na papunta na sakin ang isa sa mga blade niya at nang papunta na mismo sa dibdib ko yung isang blade at para bang hindi na ko makagalaw at makaalis sa pwesto ko
bigla na lang nahulog lahat nang blade niya sa sahig at mismong siya ay nagtataka,
hindi ko alam kung anong nangyari pero agad akong nagbato nang tatlong blade papunta sakanya at umilag naman sya
sumugod na ko at muli akong nagbato nang sampung blade at nailagan niya ulit yun, pero nasuntok ko naman mukha niya at sinundan ko pa yun nang isa pang suntok dahilan para mapaupo siya at walang tigil na pinagsusuntok yung mukha niya habang umaapoy ang kamay ko
duguan na yung mukha niya pero hindi ko pa rin mapigilan, naaalala ko kung ano yung ginawa niya kay taki, at kulang pa tong ginagawa ko para ipaghiganti siya
"ding..ding...DING..DIIING"
tumayo na ko at iniwan ko na sya sa sahig
"and the winner isssss DRAGON"
lumabas na ko sa arena at bumalik na kina taki samantalang paika-ika namang lumabas si blake at sinalubong siya nang mga kagrupo niya
"are you okay blake" rinig ko pang sabi ni faith
"wag mo kong hawakan claire, alam ko kung ano yung ginawa mo kanina, traydor... pwee"
padabog namang lumabas si blake at sumunod sakanya yung tatlo"anong meron sainyo ni claire" nabigla na lang ako nung nagsalita si gael habang ginagamot ako ni taki
"wala naman. bakit?"
"kuya hiro, yung nangyari po kanina na biglang nawala yung ability ni kuya blake ay parang kagagawan po ni ate claire, remember isa po sa ability niya ay ang pahinain ang ability nang ibang higen"
"pero bakit naman gagawin ni claire yun, eh si blake yung kagroup niya kaya kung gagamitin niya man yung ability dapat sakin"
"baka naman ibang higen yun, hindi lang naman si claire ang kayang gumawa nun" paniningit naman ni ezekiel
"andddd nowwwww ang atingg FINAL MATCH.. sa aking kanan DRAGON"
"pasok na ko dun, maya na ulit"
pumasok na ko at kalaban ko ngayon yung lalaking may pakpak nang agila at sa pagkakaalam ko ay may ability rin nang superblow
"sa aking kaliwa, NIGHTINGALE"
"3.. 2.. 1.. fight"
gumawa ko nang knife at lumilipad sya ngayon at bigla na lang sumugod saakin, sasalubungin ko sana nang knife pero bigla na lang sya naglabas nang minisword, buti na lang nakailag ako pero nadaplisan niya pa rin yung kanan kung balikat,
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...