ignored

78 25 0
                                    

"TRUTH OR DARE!!""

bumalik naman ako sa katinuan nang sumigaw yung mga studyante sa kabilang table, halos mag-iisang linggo na rin nang naging sila Taki at Desmond dahil dun sa larong truth or dare na yun

sa dami-rami kasi nang pwedeng itanong ni Desmond kay Taki eh naisipan niyang itanong kung pwede ba maging sila at tulad nang inaasahan at pinag-paalam sakin ni Taki ahy hindi na siya tatanggi sa alok na yun

"kabsat tara punta na tayo sa next class" pag-aaya sakin ni Taki

History ang susunod na subject namin, Isa sa mga gusto ko pero parang tinatamad akong makinig this past few days 

pagdating namin sa room ahy umupo kami ni Taki sa pangalawang row, at sinandal ko ang kamay ko sa bintana sa kaliwa at tumingin sa malawak na field

thankful ako na okay pa rin kami ni Taki, na kahit na may boyfriend na siya eh close pa rin kami, di nga lang ganun sa dati pero di na yun importante, ang mahalaga andyan pa rin siya at andito pa rin ako para sakanya

tuloy tuloy lang ang pagsasalita ni maam sa harapan at ang iba sa mga kaklase ko ay natutulog na lang, yung iba kumakain pa pero may mga ilan pa ring nakikinig sakanya

kanina pa ko nakatingin pero hindi talaga ko nakikinig, nagpapanggap lang ako para isipin niyang interesado ako sa pinagsasabi niya,
nilibot ko pa sa huling pagkakataon ang ulo ko para tignan ang pinaggagawa nang iba tsaka ko lang napansin na natutulog na rin pala si Taki habang nakatayo sa bandang ulo niya ang makapal na libro nang history na nagkukubli sakanya sa mga mata nang aming guro ,napakainosente nang mukha at bahagyang nakangiti, hinawi ko ang mga buhok na bahagyang hinaharangan ang kanyang mukha at humarap na ulit ako kay maam, una naririnig ko pa yung maganda niyang tinig hanggang sa parang yung paggalaw na lang nang labi niya ang nakikita ko at ilang saglit lang ay nilamon na rin ako nang kaantukan

nagising ako sa ingay nagagawa nang usapan at tinignan si Taki

2:03 na nang hapon kaya siguro parang mga hayop na nakawala sa hawla ang mga ibang studyante

tumayo ako at pumunta sa harapan ni Taki

"Taki......Taki..!" panggising ko kay taki na may kasamang pag-alog sa balikat niya, dahan dahan namang namulat yung mga magaganda niyang mata at bahagya yung kinusot nang kanyang kamao "PE na natin, tayo ka na diyan" kinuha ko naman yung bag niya at tumayo na rin siya

habang naglalakad kami ay bigla siyang kumapit sa balikat ko

"ayos ka lang?"

"oo, medyo nahihilo lang ako"

"kung di mo kaya, pahinga ka na muna sa dorm"

"ayslang, kagigising ko lang kasi kaya ganto" tugon niya at sakto namang bumukas ang elevator kaya sumakay na kami

pagdating namin sa field ay naroon na rin yung tatlo

"attention"

agad ko namang nilapag ang bag namin at tumayo na rin sa pwesto ko

"this is vintageCX, kayang tumakbo sa bilis na 50kph, he had a wing that helps him to swim,fly and dig but he cannot fly 15feet above the ground, cannot last 5 minutes underwater and underground and lastly he fights back when its necessary. i need it —dead or alive — before 3:30" tugon ni ms.thana at binuksan ang glassbox kung saan nakalagay ang isang parang salagubang pero sinlaki nang tennis ball

agad yung bumaba sa lupa at nag-umpisang tumakbo kaya nag-umpisa na rin si ezekiel magteleport kung saan-saan, nakakabangga pa siya nang ilang higen dahil sa sobrang likot nang robot

tumakbo si Taki patungo sa robot ngunit bigla yung lumangoy sa lake sa gitna pero makalipas ang ilang segundo ay umahon rin agad

lumipad to patungo sa kinatatayuan ko

gumawa ko nang dagger at inabangan ang pagdating niya, ilan metro na lang ang layo niya at tinangka ko yung saksakin pero nakailag lang siya at tumakbo nang mabilis, muntik pa siyang madurog nang batuhin siya ni gael nang bato na dumiretso pa sa ilalim nang lupa ngunit nailagan niya yun

lumipad si vintageCX patungo kay amythest na may kasamang nagwawalang mga ugat sa paligid ngunit parang wala lang yun sakanya

naramdaman ko pang nilagpasan ako ni Taki habang tumatakbo nang bigla na lang siyang madapa, agad akong tumakbo patungo sakanya tsaka ko napansin si desmond na ilang metro lang ang layo kay taki, at napatingin pa siya saglit bago bumalik sa mission niya

what the! pfft

"ayos ka lang" sambit ko at tinulungan siyang tumayo nang biglang halos mapaluhod ulit siya "pahinga ka na" binuhat ko siya at naglakad pabalik kay ms.thana

"ayos lang—"

"sabi ko magpahinga ka" tugon ko sakanya sa seryosong tono habang nakatingin sakin yung tatlo at tila nakalimutan na ang tungkol kay vintageCX samantalang si desmond ay patuloy pa rin sa ginagawa niya

"hatid ko lang po siya sa dorm ms."

"you can go"

binaba ko saglit si Taki at kinuha ang bag namin bago siya buhatin ulit

"kaya ko maglakad kabsat" sambit niya na halatang nanghihina "kabsat baba mo na'ko"

"manahimik ka at matulog na lang"

thankful ako at walang galos na natamo si Taki, dahil na rin siguro sa damuhan naman tong field

dumating kami sa dorm at inihiga ko siya sa couch, pumunta kong kusina para kumuha nang maligamgam na tubig at pinainom sakanya

"ano bang nangyayari sayo?"

"pagod lang siguro"

"gusto mo kumain?"

"wala kong gana.."

"magpahinga ka na lang muna sa kwarto" tugon ko at binuksan ang kwarto nila

akma ko na siyang bubuhatin pero tumayo na siya, kaya inalalayan ko na lang papasok sa kwarto,

dahan dahan siyang umupo at humiga sa kama, hinawakan ko pa nang nang bahagya ang noo niya pero mukhang wala naman siyang sakit

"sabihan mo lang ako ah kung may kailangan ka, dito lang ako sa couch"

"uhmm" tugon niya at mukhang pagod na pagod na niyakap pa ang isang unan

sinarado ko yung pinto at umupo sa couch

"langya yung desmond na yun, inuna pa yung mission kaysa kay Taki" bulong ko at pumasok nang kwarto para magpalit saglit

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon