"hi" pambasag ko nang katahimikan at biglang sumulpot yung isang lalaki sa harapan ko kasing tangkaran ko lang siya mga nasa 5'2, kalbo siya at medyo maskulado parang may hawig siya kay saitama
"upo ka tol" sabi niya sakin at nagbigay nang isang malaking ngiti at biglang katabi niya na yung lalaking parang bakal at makintab
dahan-dahan naman akong umupo dun sa bakanteng upuan at nakaupo ako nang tuwid, nakakatense kasi yung mamang bakal na nakatitig sakin siguro mga 6'0 ang height niya at sobrang laki nang mga muscle niya
"ako nga po pala si amythest kaya kung kausapin ang mga hayop at halaman through mind and kaya ko rin silang kontrolin if iaallow nila kong gawin yun, siya naman si kuya ezekiel kaya niyang magteleport at ienhance o patigilin ang 5 senses niya at ito si kuya gael, as you can see isa siyang metal at meron siyang superstrength"
"ikaw ano ability mo?"
nagulat ako nang magsalita si gael yung taong bakal "di ko pa alam" pagkasabi ko nun ahy napanganga yung dalawa at nakatingin lang sakin si gael
"dibale malalaman mo rin yan tol, nga pala pasok mo na lang gamit mo sa room, sa dulo si gael at ako sa gitna kaya diyan ka na lang sa unahan
patayo na sana ako non pero may bigla akong naalala "diba lima tayo dito sa room? nasan yung isa?"
"bukas pa raw po siya darating sabi ni ms.thana"
pagkasabing yun ni amythest ay pumasok na kong kwarto naming mga lalaki may tatlong kama sa kanan nung pinto, nakahorizontal sila pag andito ka sa pinto at magkakahiwalay, isa dun sa dulo nang kwarto, isa sa gitna at isa dito sa mismong tabi nang pinto, at may tig-isang cabinet sa mga bandang kanan nila at sa mismong harapan nitong pinto ay ang CR. nilagay ko na mga gamit ko sa cabinet, iilan lang naman damit ko kaya hindi na ko natagalan
"grr-grrrrr" grabe ngayon ko lang namalayan na wala pa pala kung matinong tulog at di pa ko nag-aalmusal. 7:00 na at sa pagkakaalala ko nagising ako sa bahay nila taki nang 2:00napaisip lang ako kung sino kaya yung mga magulang ko at kung bakit iniwan nila ko sa gubat at bigla ko na lang naalala si taki
"kamusta na kaya si taki....wait baka naghihintay na yun sa labas nang bahay ngayon" hindi man lang ako nagpaalam sakanya, bigla na lang ako pumunta dito nang hindi nag-iisip.
*******
10:00 na nang umaga hindi ko namalayang nakatulog ako kakaisip kay taki.lumabas ako nang kwarto at wala na yung mga roommates ko pumunta naman akong kusina para maghanap nang makakain tsaka ko napansin yung sticky note sa ref....
papasok na kami kuya, hindi ka muna namin ginising kasi mukha ka pong pagod
-amythestkumain na ko tapos ay hinugasan ko yung mga pinagkainan namin, nilinisan ko na rin yung buong bahay maliban sa kwarto ni amythest tsaka na ko nagpahinga sa kwarto
bandang alasais na, kanina pa ko nakahiga. lalabas sana ko para uminom pero may nagsalita sa likod ko
"hindi mo ba talaga alam kung anong ability mo?"
si ezekiel lang pala yun kaya niya nga palang magteleport at siguro uwian na kaya andito na siya.
"oo eh ang sabi ni ms.thana ilang beses ko na daw yung nagamit pero wala naman akong maalalang ginawa ko na kakaiba"
narinig kong bumukas yung pinto nang dorm namin kaya lumabas ako at nakaupo naman na sa couch si ezekiel at gusto ko sanang tulungan si gael sa pagbubuhat nang mga pinamili nila pero mukhang yakang-yaka naman niya yun.
"pasensiya ka na kuya akihiro namili pa kasi kami sa city nang mga kakainin natin kaya late na kami umuwi"
"okay lang, tsaka hiro na lang itawag mo sakin"
"okay kuya hiro" ngumiti naman siya sakin at dumiretso na siya kusina
pagkatapos niya magluto ay sabay sabay na kaming kumain
"matagal na ba kayo dito?" tanong ko sa kanila para naman magkaroon ako kahit kunting idea
"kami ni kuya gael ay dito na lumaki at kasama namin yung isa pang babae na darating bukas si kuya ezekiel naman ay 5 years na dito"
"bat pala wala yung isa nating kasama"
"pumunta po siya sa mundo nang mga pureblood pero hindi niya po sinabi yung dahilan pero ang alam ko dun nakatira parents niya kaya dun na rin po siya muna pansamantala"
"pureblood?"
"yun ang tawag sa mga normal na tao. yung mga taong walang special ability. at ang tawag satin ay higen"
"anong mangyayari satin pag grumaduate tayo rito?"
"nakadepende na sayo yung desisyon..maaari kang manatili dito sa nōryuko city pero pwede ka rin namang mamuhay sa mundo nang mga pureblood basta wag mong ipapaalam na higen ka kahit kanino at bawal gumamit nang ability sa labas nang nōryuko maliban na lang kung kinakailangan talaga"
pagkatapos namin magkwentuhan at kumain ay nagboluntaryo si ezekiel na maghugas nang pinggan kaya pumasok na kami ni gael sa kwarto
kamusta na kaya si taki, namimiss niya rin kaya ako, naaalala niya rin kaya ko ngayon
**********
nagising ako 7:00 na matutulog sana ulit ako pero sinabihan ako ni ezekiel na 8:00 pasok namin kaya tumayo na ko.nagluluto na ulit si amythest nang pagkain at naliligo na si ezekiel kasi kakatapos lang ni gael maligo kaya umupo muna ko sa couch para hintayin ring matapos si ezekiel.
bumukas yung pinto nang kwarto ni amythest at may lumabas na isang babae at nagulat ako sa nakita ko, halatang bagong ligo lang siya kasi basa pa nung kunti yung buhok niya,
"goodmorning kabsat"
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...