higen taki

190 32 0
                                    

hindi ako makapaniwalang andito siya. parang kahapon lang siya lagi yung iniisip ko ah tas ngayon andito na siya ibig sabihin higen din siya katulad ko?

"baka matunaw ako kabsat ah..ganun ba talaga ko kaganda?" saka siya ngumiti at nagbeautiful eyes

hindi ko magawang magbiro o patulan man lang yung sinasabi niya. hindi pa rin kasi ako makapaniwalang makakasama ko siya rito

"toll!!!! ikaw na tapos na ko!"

tumayo na ko at pumasok na sa kwarto para maligo na rin pero hanggang sa pagligo lutang pa rin ako

kumakain na kaming lahat kasi naligo na nang maaga si amythest bago magluto. grabe ang takaw talaga ni taki kahit anong pagkain nilalamon pero hindi naman tumataba

"hindi ka ba kakain? malalate na tayo bilisan mo naman nang kaunti"

bigla kong napasubo nong nagsalita si gael..hindi niya ba kayang magsalita nang may pagkajolly man lang nang kahit kunti

pagtapos namin kumain ahy
lumabas na kaming dorm, sumabay naman sa paglalakad si ezekiel kasi ayaw niya mauna at okay na rin raw ang kunting exercise

"kabsat oh" iniabot sakin ni taki yung isang papel "yan yung schedule mo"

pumunta na kami sa kabilang panig nung campus bale kung yung alpha beta delta at omega building ay nasa kanan nung malaking building nasa kaliwa naman yung dalawang building kung saan kami magaaral

pagdating namin sa building, nawala na si ezekiel at tsaka na kami nagkahiwahiwalay

science ang first subject ko 8:00-10:00 sa second floor pa yun at room 55

kaklase ko pala si gael sa subject na to, naghanap na ko nang upuan at sakto namang dumating yung teacher namin

"good morning sir mendez"

"good morning class, bale alam nyo naman siguro na magkakaroon kayo nang mga bagong kaklase diba... mr.gonzales and ms.mcbright please introduce yourself"

tumayo naman ako at kasabay kung pumunta yung babae sa harapan pero pinauna ko siya magsalita

"hello guys i'm angelfaith mcbright 17 years old and my ability is ice-make" yumuko siya pagkatapos at bumalik na sa upuan

"hello.. i'm akihiro gonzales 18 years old" uupo na sana ko at naririnig ko silang nagbubulungan at may biglang sumigaw

"ano ability mo?"

medyo netense ako sa tanong na yan at lahat sila ay nakatingin sakin at si gael lang yung hindi. sa totoo lang nagpapanic ako baka maging outcast ako pag sinabi kong di ko alam at ayaw ko naman magsinungaling

"fire manipulation including fire-make...yun ang ability niya" sabi nung isang babae at sabay ayos nang salamin niya

umupo na ko pagkatapos niya sabihin yun

natapos na yung klase namin at tinignan ko na ulit yung papel. may breaktime kaming 30 mins pero mas pinili kung pumunta na sa susunod na class. math na ang susunod at sa second floor din lang to room 51 mismong building rin kaya di na ko natagalan

pagdating ko run ay andun ulit yung babaeng nakasalamin, andun rin si amythest at taki pero di ko na kaklase si gael. sakanila na ko tumabi at nung exact 10:30 na ay nagsalita na yung teacher sa harapan

"guys you have a new classmate and please allow them to introduce theirselves"

pumunta na ulit ako sa harapan at 3 kaming nandito pero this time ako naman yung nauna

"hi guys i'm akihiro gonzales 18 years old..." titigil na sana ko pero kailangan ko pala banggitin yung ability ko pero di ko maalala yung sinabi nang babae

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon