Chapter 4--
Sheril
Ilang oras din akong nag libot sa bayan ng cerin pag katapos kong dumaan sa cake shop ay masasabi kong napaka laki na ng pinag bago ng cerin city ang capital ng horizon iba nadin ang mga tulay at gusali mas pinatibay at mas pinaganda ang alam ko nag karoon ng bagong barrier sa capital alam kong hindi ito ganung kalakas para maprotektahan muli ang horizon sa panibagong balakid ngunit kahit nasira pa ang unang barrier sa horizon alam kong magagawa parin naming makaligtas kung sakaliman na umatake ang silver snake nasi nathalia.
Isa pa nasaaming mga red blood parin ang pang anim na holy weapon na ginagamit upang gumana ang barrier sa capital.
Nag lalakad ako nga yon sa kalsada at napag disisyonan kong bumalik sa lugar kung saan ko unang nakita ang vampire lord alam kong napaka panganib pumunta sa abandonadong lugar gaya ng area eleven pero...
iyon pa ba ang iisipin ko kung ang kapalit naman noon ay ang kasiguraduhan kung naandon ba siya o wala?.
Huminga ako ng malalim at sumakay sa kotse na naka park malapit sa cake shop na kinainan ko kay tita agatha ang kotse na ito naisip niya kasing magagamit ko ito kaya ibinigay nalamang niya sakin dahil may kotse naman daw ang tito france ko.
napatigil ako ng mga sandaling nasa loob na ako ng kotse dahil pakiramdam ko para bang may nakamasid na mata sa bawat pag kilos ko. Ayoko sanang mag isip ng kung ano ngunit mas dumoble ang kabog ng dibdib ko at pag tingin ko sa side mirror ng kotse dun na ako na bigla dahil nakatayo sa likuran ng kotse ang babaeng pamilyar saakin
*DUG*DUG*
anong k-kailangan niya sakin?
*Dug*Dug*
napahawak ako sa baril na lagi kong dala hanggang sa bigla nalamang nitong hinampas ang salamin ng kotse ko!
nagulat pa ako ng mga sandaling iyon nakangiti siya saakin at pulang pula ang mga mata pilit niyang binabasag ang salamin ng kotse !
nalintikan na..
Agad kong pina start ang makina at pinaharurot ito ng napaka bilis, kahit pa over drive na ako patuloy parin ako sa patakbo at dahil sa tensyon ko hindi ko napansin na tatama na pala sa poste ang minamaneho ko!
*BUUGS*
*********
unti unti kong iminulat ang aking mga mata at ramdam ko ang pag agos ng dugo sa noo ko at pag tingin ko sa paligid nasa arko na pala ako ng area eleven.
Nanlaki ang mata ko at inayos ang sarili ko masama ito malamang na may mga pasaway na bampira dito at kapag naamoy nila ang dugo siguradong katapusan ko na.
Kinuha ko ang pang benda at agad binendahan ang braso ko na may sugat tumama ito sa bintana inalis ko pa ang malaking basag na salamin na nakasaksak sa braso ko kahit pa masakit pinilit ko itong alisin.
Good thing dahil palagi akong may dalang medicine kit o kaya naman ay mga gamot sa loob ng bag ko. Pag katapos kong ayusin ang sarili ko napagdisyunan kong bumaba ng sasakakyan nilibot ko ang buong paningin ko at halos walang nabago sa kabuuan ng area mag sira sirang bahay at building parin ang nandoon ang naiba nga lamang ay tinubuan na ng mga halamang ligaw ang mga gusali at ibang parte ng lupa nanakatumpok kung saan. Isang taon din akong hindi na gawi dito matapos akong makapag trabaho bilang isa sa mga compromiser sa capital kaya naman ngayon naging maluwag na ang schedule ko nag babakasakali akong pumunta at mahanap siya kahit pa nanginginig ako pinilit kong humakbang papasok sa area na iyon.
Umiihip ang hangin at hindi ko nagugustuhan ang prisensya ng hangin na tumatama sa pisngi at katawan ko parabang may naamoy akong malansa kung saan .
Nakakapag taka naman kung tatlong taon na diba dapat na decompose na ang lahat ng bangkay nanaririto?.
*gulp*
hindi kaya--
may mga bangkay pa nga nanandito.
Hinawakan ko ang baril nanasa bulsa ko at inilabas ito ikinasa ko ito at ipinag patuloy ang pag lalakad hanggang sa makapasok ako sa kalagitnaan kung saan makikita ang poste at ng upuan pati na ang waiting shed na tinigilan ko noon ang waiting shed na ito ang space at lugar na nakausap ko si aldrich ang presidente ng kunseho mula sa blackblood naalala ko pa na nilagyan niya ako ng curse mark.
Ilang sandali pa nakarinig ako ng mga yabag at alam kong palapit ito saakin!
at dahil alerto ako nakita ko kaagad ang direksyon nito!
ISANG INSANE!
ipuputok ko pasana ang baril ko ngunit agad nitong hinampas ang kamay ko at natumba ako sa lakas ng pag kabagsak ko namilipit ang bewang ko at dumugo nanaman ang sugat ko!
Hindi pwede to bakit ngayon pa !
mabilis akong gumulong at kinuha ang baril ko kasabay ng pag putok nito ang pag talon niya saakin pinatamaan ko ang ulo nito at nag laho ito na para bang abo.
Ngunit ang akala kong tapos na ay hindi papala ilang mga insane vampires pa ang tumatakbo sa harapan ko napailing nalang ako at pinag babaril sila ngunit dumadaplis lamang iyon hanggang sa sinakal na ako ng isa sakanila at ng makita ko ang pangil nito para akong nanghina!
ipinikit ko ang mata ko kasabay ng malakas nga putok ng baril ang narinig ko sunod sunod ito at natumba ang lahat ng bampirang nasa harapan ko.
"sheril!!.. ayos kalang ba anong nangyari dito ? tska s-saan nanggaling ang mga insane na ito?"
sunod sunod na tanong ni jake samantalang ako napaupo nalamang salupa dahil sa sakit ng kalmot ng bampirang sumakal sa akin kanina.
"hindi ko din alam, walang nababalita saatin na may insane papalang gumagala dito ngunit napaka imposible naman dahil pinatay na ng.vampire.m lord ang lahat ng insane noon"
sabi ko tska kinuha ni jake ang panyo niyo at inilagay sa sugat ko.
"we need to go were not safe here.."
"sandali...ano nga palang ginagawa mo dito ?"
nilingon ako ni jake at nabigla dahil sa pag tutok niya ng baril sa akin mag sasalita pasana ako ng paputukin na nita ito at halos mahimatay na ako satakot akala ko talaga may tumama nang bala sa katawan ko!!
Nang lingunin ko ang likuran ko isang hangin na may kasang alikabok lang ang naabutan ko.
"nakita kong na bangga ang kotse mo, and your tito want me to investigate this area we have reports, sinasabing may namataang kahinahinala dito to think na bampira sila and thats why im here now collecting some datas and speculations kung totoo ang nirepory sa amin ng mga ibang black blood na nakapasok dito"
"so your saying is may ibang black blood na nandirito parin?"
tumango si jake at para bang nabuhayan ako hindi dahil sa alam kong may panibagong problema kundi panibagong pag asa na makikita ko siya dito , kaya naman tumayo ako at nag tatakbo papunta sa mansyon naming mag martinez kahit pa naririnig ko ang pag tawag ni jake hindi ako huminto sa pag takbo.
Makikita naba kita?
xander?..
BINABASA MO ANG
He's Sweet Kiss II
VampireHORIZON yan ang lugar na tinatawag sa aking pinag mulan at sinilangan isang lugar na pinamamahayan ng mga kilalang bampira at mga tao, matapos maganap ang sagupaan tatlong taon na nakakaraan ,walang naiwang bakas ang vampire lord maging ang digmaan...