Chapter 10Third Person Pov
"Anong nangyari sa pag salakay sa tower of elders? nakakuha ba kayo ng dugo nila?"
wika ng matandang lalaki sa mga tauhan nitong dampyr, sinindihan niya ang kangyang sigarilyo at sinimulan itong gamitin. Kahit madilim sa kanyang pwesto makikita naman ang mata nitong nasa dilim, ang boses nito ay puno ng awtoridad at kung susuwayin ay maari kang mamatau ng wala sa oras.
"nakakuha po kami ng dugo mula sa nag mamay ari ng sandata ng langit ang sword of light, nanasa pangangalaga ni Aeron mula sa division ng mga redblood "
"magaling at ang silver snake ?"
wika nito bago pumangalumbaba sa kanyang mesa samantala bumukas ang pintuan ng silid na iyon at pumasok ang silver snake kagaya ng dati napaka ganda parin nito at kaakit akit bilang isang Grey na babubuhay sa kanilang angkan.
"Ako ba ang hinahanap mo tanda!"
"kahit kailan ay wala ka talagang galang sa taong tumulong sayo para mabuhay"
sabi ng lalaki tska nito kinuha ang baril at mabilis itong kinasa kasabasy ng putok ng baril ang pag tayo nito.
Nagulat ang lahat sa pangyayaring iyon nataman sa tiyan si nathalia at umagos ang dugo nito sa sahig hinawakan niya ang kanyang tyan dahil sa sakit.
"w-walangya ka!"
"kulang pa yan sa kalapastanganan mo baka nakakalimutan mong ako ang mas nakakataas sayo ngayon nathalia"
Gumuhit ang ngiti ng matandang lalaki sa kanyang mga labi ngiti na mY nag babadyang panganib,nakagat ng silver snake ang kanyang labi ngayon ay pulang pula na ang kanyang mata dahil sa galit mula sa lalaking may kagagawan ng pagdurugo ng kanyang tiyan kung normal
siyang tao malamang na patay na siya ngayon, mabutu nalamang at bampira siya madaling napapagaling ng kanyang abilidad ang sugat nanatamo niya. Agad niyang dinukot ang bala sa kanyang tiyan at pinilit niya itong makuha kahit namimilipit na siya sa sakit."tandaan mong may usapan tayo dito kailangang makumpleto ang eksperimento para sa bagong henerasyon.. nakakuha na ako ng dugo mula sayo kaya naman para sa akin wala kanang kwenta!"
Sigaw ng matandang lalaki at agad niyang inutusan ang mga dampyr na bumalik sa laboratoryo upang isama ang dugo ni nathalia sa formula dahil doon mabilis na nag process ang machine at nabago ang kulay ng likido na nasa test tube sa loob ng laboratoryo ay may mahigit na sampong test subject para sa sinasabing bagong henerasyon ng kaharap ni nathalia kanina ang mga test subject ay tuturukan ng mga dugo ng bawat bampira mula sa ibat ibang blood line o mula sa mga taong naging bampira na may matinong pag iisip.
Nakagawa sila ng mga trancendent vampires mula dito at dahil doon lumaki ang bilang ng mga ito nanasa loob ng laboratoryo.
May ilan ding kasapi ang organisasyong ito mula sa red blood,na syang naging espiya nila. Ang organisasyong ito ay tinawag na Accent of Saint mula sa pamumuno ng pinaka maimpluwensyang tao sa kasaysayan ng mga vampire hunter.
Mula sa labas ng laboratoryo ay muling nakuha ni nathalia ang kanyang lakas para tumayo ilang minuto din ang pag papagaling niya sa kanyang sarili naikuyom niya ang kanyang kamao at matalim na tinitigan ang pintong pinag labasan ng matandang kaharap niya kanina. Hindi niya inaasahan na mas magaling pala ito sa inaakala niya dumura siya ng dugo at inalis ang nakabaong pilak sa tiyan niya at humugot siya ng malalim na hininga naisip niyang hindi maganda kung mananatili siya doon alam din niya na mali ang taong kinakampihan niya. Batid ni nathalia na magiging mapanganib na makipag transakyon siya sa lalaking iyon gayong nakuha nanaman niya ang kanyang gusto ang makakuha ng sapat na enerhiya sa katawan sa tulong ng mga dampyr nito ang mga kalhating tao at bampira na nag sisilbi sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
He's Sweet Kiss II
VampirosHORIZON yan ang lugar na tinatawag sa aking pinag mulan at sinilangan isang lugar na pinamamahayan ng mga kilalang bampira at mga tao, matapos maganap ang sagupaan tatlong taon na nakakaraan ,walang naiwang bakas ang vampire lord maging ang digmaan...