Chapter 22

83 6 2
                                    

Aeron pov




Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayon sa mga nangyare. Ang dakilang si faux magiging kalaban namin? Seryosohan na ba ito, naguguluhan parin ako sa mga nangyayare lalo na ngayon.

Yung kaso nang kay jake ay hindi din basta nangyare nalang maari bang pinag planuhan nila ito?. Panlunas ang ibinigay namin sa kanya ngunit kabaliktaran ang naging epekto nito sakanya.

Huminga ako ng malalim at naisabunot ang kanang kamay ko sa aking buhok.
Panibagong gulo nanaman ang mangyayare nararamdaman kong hindi lang ito basta digmaan kagaya noong nakaraang tatlong taon, hindi pa nga masyadong nakakabangon ang horizon ay panibagong gulo naman.

Nilingon ko ang babaeng kakarating lamang nakasuot ito ng kulay puting yuniporme at may hawak hawak itong mga papel. Ibinigay nito ang mga papel kay france bago huminga ng malalim.

"Sir, na suri na po namin ang katawan niya at ayon sa laboratory test hindi pangkaraniwan ang gamot na ibinigay sakanya. Sakatunayan ay wala dito ang mga gamot na nakuha sa apartment ng subject, isa pa ang mga nag bigay ng gamot kay amber para ibigay kay jake ay pinaslang nito lang umaga."

Sapag kakataong iyon para akong natigilan.

"anong ibig mong sabihin pinasok ba ang headquarters?"

Nakita ko ang pag aalala kay france nilingon din niya ako at mukang alam ko na ang ibig sabihin ng pag titig niya saakin.

"hindi sir, sa bahay sila pinaslang at ayon sa ibang vampire hunters nakita ang mga samples sa basement, na katugmang katugma sa mga pills na ibinigay kay jake hindi aksidente ang nangyare,dahil nakita namin na masuri ang pag aaral nila sa basement nandoon pa ang ilang mga papel at dokumento sa pag gawa ng gamot pero kulang ang mga ito may hinala ang elders na may balak pag eksperimentuhan ang mga ito at yun ay ang pag lalagay ng genes ng isang taong lobo kay jake, dahil narin sa pangyayare nito lang nakaraan."

Naikuyom ko ang kamao sa mga narinig ko, una bampira ngayon. Naman werewolves ano banamang mundo to?.

Nang makaalis yung researcher ay nilapitan ko kaagad si france.

"ano sa tingin mo may kinalaman ba ito sa accent of saint na si faux ang namununo?"

Sambit ko tska nag labas ng malalim na hininga si france.

"ayoko mang tanggapin ang mga ideyang yan, para bang sinasampal naman ako ng katotohanan na kalaban na nga natin siyang talaga at nag aalala ako hindi lang sa horizon kundi para kay sheril."

Tama siya siguro kung hindi dumating si jake kanina malamang na sumama na siya sa lolo niyang nag pi-feeling bata dahil sa mahaba nitong buhok.

Tsk.

Sumasakit ang ulo ko.

---

Samantala habang nag uusap kami ni France ay dumating naman sina george na kasama ang silver snake at si lucreacia.

Matalim kong tinitigan ang silver snake at alam kong napansin niya iyon.

Ngunit isang nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay niya sa amin, kasabay niyang pumasok si geo sa elevator at si lucreacia naman ay dumiretso sa lugar namin.

"maayos na ang open field at mukang wla namang nasaktang civillian, yung kanina isa paring malaking katanungan kung bakit gustong isama ni faux si sheril mas maganda kung palagi nalamang niyang kasama ang vampire lord ngayon."

"baka nakakalimutan mong si alexander ang dahilan kung bakit nag karoon nanaman ng gulo dito."

Sambit ko na may pag uuyam,

He's Sweet Kiss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon