CHAPTER 11 "Princess"

37 5 0
                                    

Dalawang araw nalang ang natitira sa amin ni Charlem kaya todo practice kami.

Gusto kong manalo ang section namin this time. Gusto kong maranasang manalo sa ganitong klaseng activity sa school since hindi ko naman iyon naranasaan noon dahil nga hindi naman ako pansinin at lagi lang akong laman ng library.

Every after class dumiderecho kami ni Charlem sa bahay nila para makapag practice. But this time, kami nalang ang pumupunta sa kanila dahil hindi na pwede sila Irish at mga boys.

Kahit na naiilang, nag coconcentrate nalang ako sa pag papractice. Kahit na wala nang ginawa yung partner ko kundi titigan ako buong practice namin.

Huminto ako sa pag gigitara at pag kanta. Saka bumuntong hininga. Napa hilot ako sa sintido ko. Bakit ba ako nag papa apekto sa batang to?

"Hey, may problema ba?" Nag aalalang tanong nya saka iniwan ang keyboard at akmang lalapit sakin pero pinigilan ko na agad.

"Stay there." Tinaas ko ang palad ko at hinarap sa kanya.

Napa hinto sya habang naka kunot ang noo. Nag tataka.

"Why? Masakit ba ang ulo mo?"

Pumikit ako saglit.

Oo sumasakit ang ulo ko sayong bata ka.

Bulong ko sa sarili ko.

"Ah medyo." Sagot ko nalang.

"Mag pahinga nalang muna tayo siguro." Suhestyon nya habang nag aalalang naka tingin sakin.

Tumango ako saka tumayo. Binalik ko muna sa lagayan ang gitara saka sumunod kay Charlem palabas ng studio room nila.

Mas maigi pa ngang mag merienda muna kami. Kesa naman matunaw ako sa mga titig nya. Ewan ko ba! Dapat hindi ako nag papa apekto sa maganda nyang mata.

Pag dating ko sa sala ay prenteng naka upo si Charlem sa long sitter sofa nila na kulay maroon habang hawak ang remote at nililipat sa magandang channel ang TV.

"Upo ka Maddie." Saka bahagyang tinapik ang tabi ng inuupuan nya.

Nag isip muna ako. Kung sa single sofa ako uupo na katapat ng inuupuan nya, may chance na matitigan nya nanaman ako. Pero kung sa tabi nya ako uupo, wala syang chance na matitigan ako.

Kaya agad akong tumango sa kanya. Umupo sa tabi nya pero nag bigay ng tamang space.

"Hintayin lang natin si mommy. Gumagawa na sya ng merienda natin." Naka ngiti nyang sabi habang medyo naka harap sakin.

"Ah. Okay." Pilit hindi tinitignan ang maganda nyang ngiti.

Seriously, what's my problem today? Masyado akong naaapektuhan sa tingin at ngiti ng batang 'to.

Tsss. Bata-bata ka dyan pero affected ka naman.

Hindi maganda 'to.

Maya-maya pa ay dumating na ang mama nya na may bitbit na tray.

"Gutom na ba kayo?" Masuyo nitong tanong habang nilalapag ang juice at buko pie sa center table.

Si Charlem na ang sumagot.

"Medyo mom. Sumakit din kasi ang ulo ng prinsesa ko kaya mag papahinga muna kami." Kampante nyang sabi habang ako ay nang lalaki ang mata sa narinig.

Anong prinsesa pinag sasabi nya?

Tinignan ko sya ng masama pero mukhang wala lang sa kanya yun. Pero kita ko ang pag lingon sa akin ng mommy nya.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon