Chapter 3 "The Book"

57 6 1
                                    


"Nakakinis talaga yung prof na yun. Kung maka bigay ng project kala mo major subject yung hawak nya. Kainis!"

"Hayaan mo na. Wala tayong laban. Sya parin mag bibigay ng grades satin kaya wala tayong magagawa kun'di ang gawin yung pinapagawa nya."

"Yun na nga eh. Wala tayong magagawa sa bagay na yan!"

Nag mamaktol nanaman 'tong isang 'to. Kakatapos lang ng subject namin sa Psycho. Nandito kami ngayon sa paborito naming bench ng school.

"Hayaan mo na bebe. Di bale sisimulan ko na para hindi ka na mahirapan. Mauuna na ako sa public library dito sa bayan."

"Sure ka?" Humarap sya sakin kahit na nag lalagay sya ng face powder sa muka.

Tumango ako. Nag papaganda nanaman 'to kasi may crush sya dun sa susunod na subject nya.

"Okay basta mag iingat ka. Susunod nalang ako pag katapos ng klase ko."

"Okay!" Saka ako bumeso sa kanya.

"Bye."

"Bye."

Nilakad ko nalang papunta dun sa public library. Medyo malapit lang naman pag labas ng school namin. Saka para exercise narin.

Pag dating ko sa labas ng library isang lumang istraktura ang bumungad sakin. Sabi ng marami talagang luma na daw itong library na 'to. Inaalagaan talaga ng husto ng gobyerno 'to dahil sabi nila may mga mahahalagang libro daw kasi dito.

Pumasok ako sa loob at isang matandang lalake ang bungad sakin na naka tayo sa register area. Siguro nasa sixty years old na sya. Lumapit ako sa kanya.

"Hi sir, good afternoon po." Bati ko.

Nginitian nya ako.

"Magandang hapon din sayo ijah."

"Titingin po sana ako ng mga libro nyo dito para sa project namin."

"Naku ijah sige pumasok ka na sa loob pero ilagay mo muna ang pangalan mo dito sa log book."

Fi-ni-ll up-an ko kaagad ang mga hinihingi sa log book. Complete name, age, time in, time out. Pero di ko muna nilagyan yung time out.

"Tapos na po sir."

"Okay. Enjoy reading." Masiglang sabi sakin nung matanda.

Dumerecho na ako sa loob at napansin ko agad na wala masyadong pumupunta dito dahil wala akong nakitang tao maliban sakin.

Malaki ang public library na ito. At malamang sa malamang nandito na ang lahat ng librong kailangan mo. But no wonder bakit wala masyadong nag pupunta sa mga ganitong lugar. Syempre masyado nang high-tech ngayon. You can read books on your devices kaya iilan nalang talaga ang makikita mo sa mga lugar na kagaya nito.

Nag simula akong mag hanap sa unang book shelf na nakita ako. Nakaka tuwa, sobrang dami ng mga libro dito. Mahilig ako mag basa ng mga libro, mostly romance novel. Kaya nga madalas akong okrayin ni bebe Jean pag nakikita nya akong subsob sa pag babasa. Nerd daw ako. Pag mahilig mag basa nerd agad? May pagka judgmental din yung isang yun eh.

Nawili ako sa kaka tingin ng mga libro kaya hindi ko namalayan na nasa pinaka dulong part na pala ako ng library. Medyo sulok na 'to at halos lahat ng libro dito ay mga luma na. Siguro dito naka lagay yung mga mahahalagang libro na sinasabi nila. May nakita akong libro kung saan naka lagay ang buong history ng bayan ng Marikina. Ang galing nakaka tuwa. Ang sarap talaga mag halungkat ng ganitong libro. Nang mag sawa na ay binalik ko na ang libro sa book shelf. Pero sa tabi nito ay may napansin akong isang napaka lumang libro. Kinuha at binuksan ko ito saka binasa ang title.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon