CHAPTER 15 "Can I Hug You?"

36 5 0
                                    

Simula nang manalo kami ni Charlem sa Mr. and Miss United Nation ay sobrang laki ng pinag bago ng buhay ko. Halos lahat ng studyante sa school ay binabati kami simula sa first year hanggang sa fourth year.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Matutuwa dahil sa atensyon na binibigay nila sakin. Maiinis dahil kahit saan ako mag punta sa loob ng campus ay babatiin nila ako, syempre obligado akong sumagot pabalik. Kaya minsan imbis na nag mamadali ako, napapa tagal pa.

Kagaya nalang ngayon.

"Hi Maddie. Nasaan si Charlem?" Tanong ng isang third year na studyanteng babae sa akin.

Papunta kami ngayon ni Irish sa canteen pero sa hagdan palang ay may naka abang nang mga admirer ni Charlem.

Huminto ako para harapin sya.

"Nauna akong lumabas ng room. Pero ang alam ko palabas narin sya para kumain." Maayos kong sagot.

Tumango sya sa sagot ko. Kaya tatalikuran ko na sana sya dahil akala ko tapos na syang mag tanong nang nag salita nanaman sya.

"Teka." Pigil nya sa akin.

Nilingon ko sya.

"Nililigawan ka ba talaga ni Marlo at ni Charlem? Kasi nakakapag taka lang, wala namang espesyal sayo." Mapanuya ang pagka sabi nya habang naka cross arm.

Nakita ko ang pag hakbang pa abante ni Irish, handang sumugod. Alam kong nainis sya sa sinabi ng babaeng 'to.

"Anong sinasabi mo?" Angil nya sa third year. Kaya pinigilan ko sya sa braso.

"Let me handle this." Bulong ko sa kanya.

Humakbang ako paharap saka ko
nginisihan ang babae sa harap ko.

"Alam mo miss, whether I answer you are not hindi ka rin naman maniniwala. Kaya sa kanila mo nalang itanong. If you'll excuse us." Tuloy tuloy kong sagot. Tatalikuran ko na sana sya nang may umakbay sa akin.

"Anong problema dito my queen?"

Hindi ko na kaylangan pang alamin kung sino sya. Sa boses a endearment palang kilala ko na.

"Wala naman. May nag tatanong lang." Sagot ko. Saka pasimpleng tinapik ang kamay nya sa blikat ko kaya agad nya rin itong inalis.

"Anong tinatanong mo sa kanya Bernadette?" Tanong ni Marlo sa mukhang natatakot na babae sa harap namin. Eh kanina akala mo kung sinong matapang.

"A-ah wala M-marlo." Nauutal na sagot nito.

"Hindi may itatanong ka di ba? Tinanong mo sakin kanina." Singit ko. Gusto ko lang isupalpal sa kanya yung mga pinag sasabi nya sa akin kanina.

"H-ha? Wa-wala yun." Takot na takot na tanggi nito.

Napa ismid ako.

"Kanina sabi mo imposibleng nililigawan ako ni Marlo at Charlem kasi wala namang espesyal sakin. Kaya nga sabi ko sayo diba sya ang tanungin mo. Oh andito na sya ngayon." Taas kilay kong sabi.

"Oo nililigawan ko sya. Ano namang problema mo dun? Matagal na tayong wala. Kaya kung nag eexpect ka pang mag kakabalikan pa tayo, I'm sorry, I can't."

So ex nya pala ang babaeng 'to. Kaya pala mainit ang ulo sakin.

"A-alam ko naman yun Marlo. Kaya nga si Charlem na ang gusto ko."

Napa taas ang kilay ko sa sinabi nya. So dahil tapos na sya kay Marlo, si Charlem naman ang gusto nya ngayon? Iba din.

Pero nagulat ako sa sagot nitong katabi ko.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon