CHAPTER 21 "Hurt"

40 7 0
                                    

Napa yakap nalang ako sa tuhod ko habang umiiyak.

It's all my fault. At wala na akong magawa. Wala na sa akin lahat. Wala na sa akin ang lalakeng mahal ko. Wala na yung best friend ko. Wala na lahat.

Sa pag dadalamhati ko sa nangyari ay may mainit at malaking katawan ang yumakap sakin.

Lalo akong napa iyak.

He's still here to comfort me. Kahit na parang magulo ang nangyayari, kahit na para na akong nababaliw sa mga sinabi ko sa kanya kanina, pero nandito parin sya.

Niyakap nya ako hanggang sa tumahan ako.

Inalalayan nya ako palabas ng library.  Naabutan namin si manong sa front desk. Tinanguan lang sya ni Charlem at nag lakad na kami palabas. Ngunit napa hinto kami nang mag salita ito.

"Sa buhay, marami tayong matututunan. Pero lahat nang nangyayari sa buhay natin may dahilan. Malay mo nasa mas mabuti kang kamay ngayon."

Napa hinto ako sa sinabi ni manong, ang lalake sa front desk. Sa sinasabi nya parang may alam sya. Pero inakay na ako nang tuluyan ni Charlem palabas.

"Saan mo gusto pumunta?" Malambing nyang tanong.

Umiling lang ako.

"Gusto kong mapag isa. Salamat nalang." Matamlay kong sagot.

Bumalatay ang sakit sa mukha nya pero wala ako sa wisyo para pansinin yun.

"Honey..."

Mabilis ko syang tinalikuran at nag lakad papalayo. Laking pasasalamt ko nang hindi nya na ako sinundan pa.

I'm sorry Charlem.

Inubos ko ang oras ko kakalakad. Halos maikot ko ang buong Marikina. Pero nag tagal ako sa river park. Umupo ako sa damuhan habang naka harap sa ilog.

Walang humpay ang pag tulo ng mga luha ko. Wala akong paki alam sa mga nakakakita at tumitingin sakin. Ang mahalaga ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Masaya pa kaming dalawa nung bago ako mahilo at bumalik dito sa present. Kaya anong nangyari at nag kaganito?

Napa yuko ako sa mag kabila kong braso na naka patong sa tuhod ko saka hindi napigilan ang mapa hikbi.

"Babe.....!" Impit kong sigaw sa kabila ng mga hikbi ko.

Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ganoong ayos hanggang sa di ko na namalayan ang oras.

Nag kukulay kahel na ang langit nang mag angat ako ng mukha. Kaya walang gana na naman akong nag lakad papunta sa sakayan.

Nasa jeep na ako pauwi nang may naramdaman akong nag vibrate sa bulsa ng palda ko.

From Honey 💚 💙 💜
I'll wait until you get okay.
I love you honey.

Walang gana kong binalik sa bulsa ang aking cellphone. Sana nga maging okay pa ako.

Gulat na gulat si mama nang makita nya ang namumugto kong mata. Hindi na si mama na nasa thirties ang nasa harap ko ngayon kundi ang mama ko na may mga uban na sa buhok at marami nang wrinkles sa mukha.

Imbes na mag paliwanag ay sinunggaban ko nalang sya ng mahigpit na yakap saka sya binulungan kung gaano ko sya kamahal.

Nag aalala ang mukha nyang pakawalan nya ako at ihatid sa kwarto ko. Wala akong lakas mag paliwanag. Hindi din nya maiintindihan dahil magulo. Magulo ang nangyari sakin. Hindi ko alam kung nasa isang pantaseryeng palabas ba ako o ano.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon