CHAPTER 1 "Babe"

150 7 2
                                    

Nandito kami ngayon ni bebe Jean sa bench. Hinihitay namin ang next class nya. Yung klase ko tapos na. Hinihintay ko lang talaga sya na makapasok sa last class nya. Ganun ako ka-sweet. Alam mo na best friend eh.

         Napa lingon ako kay Jenny nang mabasa ang text ng boyfriend ko.

         "Bebe Jenny..." Nangangamba kong tawag sa kanya.

         Nilingon nya ako.

          Napa ngiti ako ng hilaw  dahil sa tingin nya. Mag susungit nanaman 'to.

         "Oh bakit? Nag text na boyfriend mo?" Mataray nyang tanong?

          Dahan-dahan akong tumango.  "Oo bebe eh. Nandyan na daw sya sa labas."

         "Ganyan ka naman. Pag dating sa boyfriend mo wala akong laban. Kayang-kaya mo 'kong iwan." Pag dadrama nya na may kasama pang irap.

           "Ito naman, nag drama pa. Sige na, wag ka na mag tampo. Rest day nya kasi ngayon kaya nag yaya mag sine."

           "Oo na, sige na, kayo na may date. Chupi ka na nga!"

             Grabe tinaboy nya 'ko pero natawa nalang ako sa katarayan nya.

             Agad akong tumayo at inayos ang pag sukbit ng shoulder bag ko sa aking balikat.

              "Ba-bye bebe. Labyu!" Ni-yakap ko sya saka takbo palayo sa kanya dahil sigurado akong hahaklitin nya ang mahaba kong buhok dahil sa inis nya sakin sa pag iwan ko sa kanya. Bayolente talaga kung minsan ang isang yun at maldita pero mabuti syang kaibigan para sakin.

           Nag mamadali akong lumabas ng campus dahil alam kong mainipin ang boyfriend ko. Pag labas ko ng gate ay agad ko syang namataan sa may tawid. Naka tayo habang may kinakalikot sa cellphone nya.

            Naka jeans sya at gray na sando na rinegalo ko last monthsarry namin tapos isang maong na polo na naka unbutton. Suot nya rin ang paborito nyang bonet.

            Maingat akong tumawid at nahagip pa ng paningin ko ang mga beking ka-schoolmate ko na malagkit ang tingin sa kanya.

            Ang benta talaga ng boyfriend ko sa mga beki.

             Naka lapit na ako sa kanya pero di nya parin alam dahil nakatuon parin ang atensyon nya sa cellphone.

            "Hi pogi. Waiting for someone?"

            Nag angat sya ng tingin para makita ako. Nakita ko ang maganda nyang ngiti.

             "Yes, I'm waiting for my girl na hindi marunong mag reply." Madrama nyang sabi.

              Agad akong kumapit sa braso nya.     

                  "Sorry na babe. Nag paalam pa ako kay bebe Jenny eh. Ayun, sinungitan muna ako bago ako pinakawalan. Alam mo naman yun, masungit." Natatawa kong paliwanag.

              "Well, dahil mahal kita. Apology accepted." Saka nya ako kinintilan ng halik sa ulo saka inakbayan.

               Agad ko syang niyakap patagilid. Namiss ko 'tong lalakeng 'to eh.

                "I miss you po." Bulong ko sa kanya.

                 "Hindi lang kita namiss, mahal pa kita."

           Napa kagat ako sa labi ko dahil sa kilig. Matagal na kami pero heto parin ako, kinikilig sa mga simpleng banat nya.

                  "Hmmm...cheessy ah!"

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon