CHAPTER 25 "Heartbreak"

30 6 0
                                    

Nag bihis lang si Charlem ng cotton shorts at white sando.

Tinitignan ko sya habang may kinukuha sa walk in closet nya.

Malaki na ang pinag bago ng katawan nya. Kung matangkad sya noon ay mas tumangkad sya ngayon.
Kung gwapo sya noon, mas gumwapo pa sya ngayon. Hindi na sya payat. May laman na ang katawan nya. Kung di ako nag kakamali nag gigym sya dahil may nakikita akong muscles lalo na sa biceps nya.

"Don't look at me like that princess. Baka matunaw ako." Biglang nyang sabi. Nang aasar.

Napansin nya  palang naka tingin ako sa kanya.

"Excuse me ah. Napapa isip lang ako kung paano kita naging boyfriend. Eh hindi naman kita type." Pang aasar ko din sa kanya.

Mabilis nya akong nilingon. Pero may bahid ng ngiti sa labi.

"Woah...look whose talking here. Sino kaya yung todo selos noong kasama ko lagi si Bernadette."

Nginiwian ko sya. Bernadette? Paanong nasali sa usapan ang babaeng yun?

Yun ba yung may gusto kay Marlo ngayon tapos kinabukasan si Charlem naman? Oh yeah, I remember that girl.

"Seryoso? Baka nag iilusyon ka lang?"

"Definitely not honey." Proud nyang sabi.
"You know, I think dapat ko nang ikwento sayo lahat. Para di kana nagugulat nang ganyan."

"Oo na. Basta walang dagdag sa kwento mo ah." Banta ko sa kanya.

Pero kinakabahan ako at the same time ay excited. Simula ng bumalik ako dito sa present ay yan ang pinaka malaki kong tanong.

Why I end up with him? What happened?

Naka ngiti syang umupo sa harap ko.



-Flash Back-

Charlem's P.O.V

"Sila na daw ni Marlo at Maddie."

Napa sulyap ako sa tatlong babae na nasa harapan ko habang nag lalakad ako pabalik sa room.

"Talaga? Hindi pa ba sila nun eh lagi naman silang mag kasama."

"Eh ang narinig ko kasi kanina lang sila naging official eh."

Hindi ko napigilan ang pag kuyom ng kamay ko.

I know it will happen. Bakit ba magugulat pa ako. But hearing that they're already official stung in me.

I really don't know what happened. Masaya naman sya nung kami ang kasama nya. Until one day, she's drifting away from us, from me.

Hindi ko napigilan, wala akong nagawa.

Nag madali akong nag lakad lampas sa mga babaeng nag uusap sa harap ko. I can't bear to hear more. It's painful in my ears.

"Shocks! Si Charlem pala yung nasa likod natin. Ang pogi pogi nya talaga."

"At ang bango-bango pa!"

Lalo akong nag madali sa pag lalakad hanggang sa marating ko ang room.

Binati ako nila Cedrick, Kenneth at Michael pero tumango lang ako at dumerecho sa upuan ko.

Luminga ako sa upuan nya pero wala pa sya. I'm sure kasama nya nanaman si Marlo.

Maya-maya pa ay pumasok na sya na masaya. Hindi ko maiwasan na di masaktan.

Can't I make you happy like that princess?

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon