CHAPTER 14 "The Winner Is..."

34 5 1
                                    

Lahat ng contestants bawat section ay tinawag at naka hilera sa stage para sa announcement kung sino ang mananalo. Mga naka gown ang mga girls at coat and tie naman ang mga boys.

I'm wearing champagne tube long gown habang si Charlem naman ay naka coat and tie. Ang tie nya ay kulay champagne din kaya terno ang suot namin.

"I know everybody are very excited to know who will be our winner for our Ms. and Mr. United Nation 2007. But before that, let us have intermission from our well known dance troup here in our campus."

May intermission pala? Kakaiba naman ata at nasa dulo ang intermission. O baka nasanay lang ako sa present na laging nasa unahan ang intermission.

"So let us call our very own... The Destroyer Boys!!!" Sigaw ng emcee kasabay ng palakpakan at tilian ng lahat.

Isa-isa kong tinignan ang mga lumabas sa back stage. Mga naka reaped jeans at checkered long sleeve sila.

Napa kurap ako ng mata nang makita ko kung sino ang huling lumabas mula sa back stage.

Magana silang pumunta sa harapan saka pumwesto. Biglang tumugtog ang music nila kaya nanuod ako ng maigi.

Hindi ko maiwasang hindi tignan si Marlo. First time ko syang mapanuod na sumayaw. Oo alam kong magaling syang sumayaw pero puro pabitin lang ang napapakita nya sakin noon sa present hindi gaya ngayon na entire performance nya ang napapanuod ko.

Remix ang music nila. Naaalala ko pa na ito ang mga sikat na kanta sa panahong ito. Nasa past talaga ako.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa galing sumayaw ng lalakeng pinapanuod ko. Payat sya sa panahon ngayon pero bagay na bagay sa kanya. Medyo tumaba na kasi sya sa present though okay lang din naman.

Narinig ko ang pag buntong hininga ng katabi ko kaya tiningala ko sya. Seryoso syang naka tingin sa harap at pinapanuod sila Marlo.

Hindi ko man sya nakitang naka tingin sakin pero alam kong nakita nya akong napapangiti.

Naiipit na ako sa sitwasyong meron ako dito sa past. Dalawang lalake ang nag kakagusto sakin. Isang mahal ko sa present at isang naging crush ko noon. Kahit na alam kong wala akong pipiliin sa kanila, mahirap parin na nakaka salamuha ko sila at naiipit ako sa gitna.

Bumalik ako sa wisyo nang biglang nag iba ang tempo ng tugtog nila. Napalitan ang nakaka indayog na tugtog nang malumanay na instrumental. Intro palang ay alam ko na.

Gumilid ang mga kagrupo ni Marlon habang sya ay naiwan sa gitna. Napa kunot ang noo ko nang abutan sya ng mic ng isa nyang kagrupo.

Pag tapos ng intro ay nag simula na syang kumanta.

🎤 Matagal ko nang itinatago mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sayo

Bakit di mo pansin itong aking pag tingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin 🎤

Buo ang boses nya. Pero malumanay. Alam kong maganda talaga ang boses nya dahil madalas kaming mag jamming sa present kapag nasa bahay nila kami. Marunong din sya mag gitara.

Pero nakaka aliw lang na may ganito pa silang pakulo. Sumayaw tapos may pag kanta pa.

Ngunit nawala ang nakaka aliw na iniisip ko nang pumihit sya patalikod sa audience at humarap sa aming mga contestant. Hindi naman sana ako mag papanic sa kalooban ko kung sa iba sya naka tingin.

Pero anak ng tupa! He's looking straight in my eyes.

Naka ngiti sya habang dahan-dahang lumapit sa akin. Tila walang paki alam sa mga tao sa paligid.

Kinanta nya ang chorus habang naka tingin sa akin.

🎤Kung ako ba sya,mapapansin mo🎤

Kinuha nya ang kamay ko kaya nag tilian na ang mga nakaka kita. Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Charlem sa likod ko. Tila ayaw akong payagan sa ano mang nais gawin ni Marlo sa akin.

Masyado akong nalalasing sa nangyayari at sa lakas ng sigawan ng mga tao. Kaya nang hilain ako ni Marlo papunta sa gitna ng stage ay wala na akong nagawa pa. Para akong isang robot na sumunod nalang.

🎤Kung ako ba sya,mamahalin mo🎤

Humarap sya sa akin habang hawak parin ang kamay ko. Naka titig sya sakin ng mataman na parang hinihipnotismo ako kaya naka tingin din ako sa kanya ng mataman.

🎤 Ano ba ang meron sya na wala ako
Kung ako ba sya, iibigin mo🎤

Kinakanta nya ang bawat lyrics na parang sinasabi nya ito ng derekta sakin.

Nang mag intro para sa third stanza ay nag salita sya na walang mic.

"Nasasaktan akong makita na kaya ka nyang hawakan at makasama. Pero lumalaban ako ng patas. Kung pang babusted man yung sinabi mo sa akin noong nakaraan, gusto ko lang sabihin sayo na hindi parin ako titigil. Liligawan parin kita."

Mag rereact pa sana ako sa sinabi nya pero kumanta na ulit sya.

Hanggang sa matapos ang kanta ay naka tingin at naka hawak lang sya sakin. Nang matapos ay nag hiyawan muli ang mga tao.

May ibang sumisigaw nang "Ang ganda mo teh!"

Ang iba naman ay "Haba ng hair! Daladalawa ang nanliligaw!"

Awkward na ngiti nalang ang binigay ko. Hindi lang nila alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Hinatid nya ako pabalik sa pwesto ko.

"You are so beautiful today Maddie. Good luck." Masuyo nyang sabi saka hinalikan ang ibabaw ng kamay ko saka bumalik sa harap ng stage at nag bow kasama ang mga kagrupo nya.

Nilingon ko si Charlem, napa yuko ako nang makitang hindi maipinta ang muka nya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Woah! That was a romantic song Mr. Juarez." Sabi ng emcee habang pumupunta sa gitna ng stage.

"At iba din ang haba ng hair ng Miss Russia natin. May Charlem na, may Marlo pa. Kainggit!"

Gusto ko sanang matawa sa sinabi ng baklang emcee pero di ko magawa. Nababaliw ako sa nang yayari.

"Anyway, lets go back to the announcing of the winner."

Yung kakaiba kong nararamdaman ay biglang napalitan ng kaba. Matinding kaba. Sino kaya ang mananalo?

Naramdaman ko ang kamay ni Charlem na humawak sa kamay ko.

"Are you okay?" Bulong nya sa akin.

"Kinakabahan ako Cha."

Pinisil nya ng bahagya ang aking kamay.

"Wag kang kabahan, mananalo tayo. Ang galing kaya ng partner ko."

Natawa ako habang umiiling. Pinapagaan nya lang ang pakiramdam ko.

Nag simula sa announcing ng mga special awards. Nakaka tuwa na nakuha namin ang best in talent at best in national costume. Kaya di na ako nag assume na mananalo pa kami as title holder.

Pero literal na nanlaki ang mata ko nang kami ni Charlem ang tinawag bilang Mr. and Miss. United Nation 2007!!!!

Halos mag tatalon ako sa narinig kahit na naka heels ako.

Kita ko rin ang saya sa mukha ni Charlem nang lumapit sya sa akin at kinabig ako para sa isang mahigpit na yakap.

"Congrats sa atin my princess." Bulong nya.

"Congrats din Cha." Naka ngiti kong sagot saka humiwalay sa yakap nya. Nahagip pa ng mata ko si Marlo sa baba ng stage na naka kunot ang noong naka tingin sa amin ni Charlem. Kaya napa ayos ako ng tayo.

Nabusy narin ako sa pag tanggap ng sash at korona.

Masaya akong ngumiti sa buong crowd habang kumakaway.

Magka hawak kamay kami ni Charlem na nag bow.

What a great experience!!!

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon