CHAPTER 22 "Wait"

30 7 0
                                    

Ilang linggo pa ang lumipas at hindi parin nag babago ang routine ng buhay ko kagaya ng sakit na nararamdaman ko.

Walang kabuhay-buhay akong gumigising sa umaga at pumapasok sa school. Malaking himala na nakaka sabay na ako sa mga lessons dahil pinag iigihan ko talaga. Third year na ako at kailangan kong grumaduate on time.

Umiyak ako buong gabi nang minsan ay tanungin ko si mama kung kilala nya si Marlo. Kwinento nya sakin na ex ko nga daw yun. Pero di nya alam kung bakit kami nag break. Bagay na itinanong nya pa sakin. Hindi ko naman sya nasagot dahil di ko din alam kung bakit. Nang gabing iyon ay punong-puno ako ng mga tanong sa kung ano nga ba ang nangyari sa amin.

Sa mga linggong lumipas ay hindi nag sawa si Charlem na lapitan ako kapag kailangan.

Mukhang alam din ng buong campus na boyfriend ko sya nang minsan ay may nang harang sakin at nagtanong.

"Hey. Wala na ba kayo ni Charlem?"

Isang maganda at matangkad na babae na HRM ang course ang humarang sakin.

Tinignan ko lang sya at di sinagot. Dahil di ko rin naman alam ang isasagot ko. Lalagpasan ko na sana sya nang pigilan nya ako.

"Wag mo nga akong talikuran. Im just asking kasi hindi ko na kayo nakikitang mag kasama. Kung break na nga kayo, that's better. Kasi hindi naman kayo bagay."

"At sinong bagay? Kayo?" Wala sa sarili kong sagot. Natawa ako sa kanya. "Para ka namang timang miss. Kung may gusto ka sa kanya wag ako ang abalahin mo. Sa  sobrang gulo ng buhay ko ngayon makaka sapak talaga ako."

Nakaka nganga sya nang tumalikod ako na parang di maka paniwala sa sinabi ko.

Parang timang.

Kay Charlem may gusto ako ang ginugulo.

Malamang ikaw ang girlfriend. Biglang sigaw ng isip ko.

Hay ewan! Napa iling nalang ako saka nagpatuloy sa pag lalakad.

Ilang beses ko ring nahuli si Charlem na sinusundan ako kapag nag wawalk trip ako. Naka sunod lang sya pero hindi ako nilalapitan. Sinusunod nya yung  sinabi nya na bibigyan nya ako ng space.

Pero nagiguilty ako tuwing makaka salubong ko sya sa hallway ng school.

Automatic syang mapapa hinto sa pag lalakad habang ako naman ay simple lang syang tatanguan saka lalagpasan.

Madalas ko din syang mahuli na malungkot na naka tanaw sakin mula sa malayo. Hindi din sya nag sasawang mag good morning at mag good night sa text araw-araw kahit wala syang natatangap na reply mula sakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang katotohanang sya ang boyfriend ko.

Alam kong nasasaktan ko na sya pero hindi ko alam ang gagawin.

Maagang natapos ang klase ko sa araw na ito kaya napag pasyahan kong pumunta sa river park. Gustong-gusto ko ang lugar na ito. Payapa kahit maraming taong namamasyal. I can find peace in this place.

Naka upo ako sa ilalim ng malaking puno habang naka sandal sa malaking katawan nito at nakapikit ang mga mata. May naka suksok na earphone sa tenga.

Maya-maya pa ay may naramdam akong umupo sa likod ng puno na sinasandalan ko.

"Dito ka sa tabi ko. Mag usap tayo." Sabi ko matapos alisin ang earphone sa aking tenga.

Ilang segundo ang lumipas pero wala paring sumasagot.

"Alam ko Charlem ikaw yan. Dito ka." Malumanay kong sabi.

Naka rinig ako ng kaluskos saka sya nahihiyang umupo sa tabi ko habang kumakamot pa sa pisngi nya, tila napapahiya.

"Sorry kung sinundan kita. Paano mo pala nalamang ako yun?"

"Your scent." Simple kong sagot na ikinagulat nya.

Mabilis nyang inamoy ang sarili nya. Gusto ko pang matawa dahil nag papanic sya.

"Mabaho ba ako?" Problemado nyang tanong.

Hindi ko na napigilan ang mapa ngisi. "Sira, hindi. Yung pabango mo."

"Naaalala mo ang pabango ko?" Hindi sya maka paniwala.

"Mm." Simple kong sagot.

"Paano? Di ba wala kang maalala tungkol sa atin?" Nahihirapan nyang tanong.

"Oo nga. Pero hindi ka naman nag bago ng pabango. Yan parin yung gamit mo simula pa nung high school diba?" Sigurado kong sagot.

Nanlaki ang mata nya sa gulat. "Naalala mo pa yun?"

"I told you. I just came from the past kaya medyo fresh pa sakin." Mapakla kong tugon na ikinatahimik naman nya.

"I'm sorry."

"Don't say sorry Cha. Ako dapat ang mag sabi nyan. Dahil alam kong nasasaktan na kita. Pwede mo naman akong iwanan. Wala kang obligasyon sakin."

Marahas syang napa lingon sakin saka ako kinunutan ng noo. "No. Don't say that. Hindi kita iiwan. Oo nasasaktan ako sa nangyayari sa atin ngayon pero never pumasok sa utak ko ang iwan ka. I told you I can wait princess."

"Ayaw ko lang maging unfair sayo. Dapat masaya ka ngayon hindi ang nag durusa kagaya ko."

"Hindi ka nagiging unfair. Okay lang ako. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko mahirap yang pinag dadaanan mo kaya nga naiintindihan kita." Hindi sya mag kanda mayaw sa pag eexplain.

"Sure ka ba dyan? Kasi sa totoo lang wala akong maipapangako sayo. Broken hearted ako ngayon. Wala akong maalala tungkol sa ating dalawa. Maging ang nararamdaman ko para sayo ay hindi ko alam."

Napa yuko sya sa sinabi ko. Alam kong nasasaktan ko sya.

"Masasaktan lang kita Cha. Gaya ngayon." Pilit kong pinapaintindi sa kanya ang sitwasyon ko.

Pero mabilis ang naging pag iling nya saka tumitig sa mga mata ko.

"No Maddie. Kahit anong sabihin mo, I'll stay. I don't care kung wala kang maalala tungkol sa atin. I am willing to go back to zero and spend my whole life just to let you remember how much we love each other. Hindi kita susukuan."

Kita ko ang katapangan sa mga mata nya habang naka tutok ito sakin. Hindi ako maka sagot. Hindi ko alam ang isasagot.

"Kahit bumalik tayo sa pag kakaibigan tatanggapin ko. Wag ka lang mawala, please princess. I'm begging you."

Rinig ko ang pagka basag ng boses nya kasabay ng pagyakap nya sakin mula sa gilid. Sa sobrang tangkad nya ay naka patong ang baba nya sa bunbunan ko habang mahigpit akong yakap.

"Honey I can't lose you. I can't. Please."

Parang binabasag ang puso ko habang pinapakinggan ang pag iyak nya.

I made this guy cry. I'm so bad.

Gusto ko syang aluin kaya niyakap ko sya pabalik. I didn't know that he loves me this much kahit na sinabi kong hindi ko maalala ang pagmamahal ko sa kanya.

"I'm sorry Cha." Paulit-ulit kong bulong sa kanya.

"No. No. Don't say that." Sumisinghot nyang sagot.

"Ang sama ko. Pinaiyak kita."

Umuga ako nang bahagya syang natawa. "Ikaw lang naman ang nakakapag paiyak sakin eh. But its fine. You have all the rights."

"Sira." Natatawa ko ring sagot.

"I love you honey." Madamdamin nyang bulong sa tenga ko saka ako hinalikan sa noo.

Pero napa yuko ako dahil hindi ko kayang sagutin ang sinabi nya. Sa ngayon.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon