CHAPTER 19 "Consequence"

30 4 0
                                    

Kaya matapos ng pag uusap namin na yun ay mas sinulit pa namin ang nalalabing oras na mag kasama kami sa school. Mas naging extra sweet kami sa isa't-isa. Mas naging maalaga naman ako sa sarili ko. Hanggat maari ay gusto kong maganda ako sa paningin nya para hindi na sya lilingon pa sa iba.

Isang buwan nalang at bakasyon na at gagraduate na rin sya. Friday na, uwian na namin. Gaya ng nakagawian ay mag kasabay kaming uuwi. Pero ang bilin nya sakin sa araw na ito ay sa quadrangle ko nalang sya hintayin para hindi na daw ako mapagod umakyat.

It's our seventh monthsary. Idi-date nya daw ako.

Tahimik akong naka tayo sa gitna nang quadrangle habang dinadaanan ako ng ibang estudayante na pauwi na.

Five minutes na akong nag hihintay sa kanya nang bigla akong nahilo. Umiikot ang paningin ko kaya napa hawak ako sa ulo ko. Pamilyar sakin ang uri ng hilo na ito. Parang naramdaman ko na ito noon.

Nang hindi ko na maramdaman ang hilo ay dahan-dahan akong dumilat.

Ngunit sa pag dilat ko ay nasa ibang lugar na ako. Nawala ang mga estudyante sa paligid ko dahil ako nalang ang mag isa ngayon sa lugar kung saan marami akong librong nakikita.

Napa kurapkurap ako.

Anong nangyari?

Ginala ko ang aking paningin at napa singhap ako nang marealize kung nasaan ako ngayon.

Nasa lumang library ako!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napa tingin ako sa suot ko. Hindi na ito uniform na pang high school kung hindi ay ang uniform ko sa college.

Don't tell me...

Nag mamadali ako sa pag labas nang library nang may pumigil sa akin.

"Ijah. Ijah. Mag time out ka muna sa log book." Tawag ng matandang lalake sa akin. Tandang tanda ko na sya din yung matanda noong pumunta ako dito bago ko pa makita ang mahiwagang libro.

Dahan-dahan kong tinignan ang log book. Napa takip ako ng bibig nang makita ang naka sulat.

---------------------------------------------------------
Name      |  Date    |Time In|Time Out
Maddie   |9/2/14  |3:00 pm|               
Guerero  |               |              |
---------------------------------------------------------

2014?

Nasa present na nga ba ako?

Anong nang yayari?!

Hindi ko alam kung maayos ba yung pagka sulat ko ng time out sa log book dahil nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha.

Walang sabi-sabi akong lumabas ng library habang tumatakbo. Tinakbo ko lang ang distansya ng school ko nung college .

Gusto kong maka siguro kung totoo bang naka balik na ako sa present. Pero naka lagay sa log book kanina yung date kung kaylan ako napunta sa past.

Nasa tapat na ako ng school namin nang mapa hinto ako sa pagtakbo. May nakita akong isang napaka pamilyar na lalake. Naka reaped jeans sya at itim na T-shirt. Suot nya rin ang paborito nyang bonet. Napa ngiti ako. Sobrang namiss ko ang lalakeng 'to.

Malaki talaga ang nilaki ng katawan nya kesa nung high school pa sya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako dahil naka balik na ako sa kasalukuyan o nalulungkot dahil sa mga naiwan ko sa past.

Paano na ang high school na Marlo? Ang gulo!

Seeing babe here feels like Marlo in past and babe in present are totally different person.

Talagang nandito na nga ako sa present. Mamaya ko na iisipin ang mga bagay-bagay. All I want to do now is to hug this guy in front of me.

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya dahil mukhang hinihintay nya ako nang may lumapit sa kanyang pamilyar na babae. Nginitian nya ito gaya nang ngiti na tanging binibigay nya lang sa akin.

Kumunot ang noo ko. Paanong?

Sumikip ang dibdib ko kasabay nang pag kirot ng puso ko nang hapitin nya ito sa bewang at halikan sa noo na sa akin nya lang ginagawa.

Anong nang yayari?

Lumipat ang tingin ko sa babaeng maganda.

"Bebe Jean." Naibulong ko nalang kasabay nang pag patak ng luha ko habang pinapanuod sila.

"Princess." May nag salita sa likod ko kasabay nang pag hawak nya sa kamay ko. It's a familiar touch.

Humakbang sya paharap sa akin at kita ko ang gulat sa mukha nya nang makita akong umiiyak.

"Honey what's wrong?" Nag tataka nyang tanong saka nag papanic na pinunasan ang mukha kong basa nang luha.

Madami man akong katanungan pero hindi ko kayang mag tanong dahil tuluyan na akong humagulhol.

Mabilis akong niyakap ni Charlem.

"Princess...honey what's wrong? Bakit ka umiiyak nang ganyan? Sinong nag paiyak sayo?" Nag aalala nyang tanong.

Hindi ako maka sagot. Hinahayaan ko lang syang yakapin ako nang mahigpit dahil kung hindi kanina pa ko napa upo dahil sa panghihina nang tuhod ko dahil sa mga nangyayari.

"Naku pare ano na namang ginawa mo kay Maddie. Pinaiyak mo nanaman." Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napa angat ako nang tingin.

Marlo.

Babe.

Hawak-hawak nya ang kamay ng best friend kong si Jean. Paanong naging sila?

"Shut up dude. I have no idea why she's crying." Depensa ni Charlem sa sarili na natutuliro parin dahil sa pag iyak ko.

Habang ako naman ay naka titig lang sa lalakeng mahal ko na may  ibang kasama ngayon.

"Oy ikaw Maddie," Baling nya sakin.  "Kaylan ka pa naging iyakin? Tumahan kana. Mababaliw na naman yang boyfriend mo." Natatawa nyang sabi sakin.

Paano nya akong nabibiro ng ganito? Paano babe?

Pero ako seryoso lang na naka tingin sa kanya habang tumutulo ang luha.

Nawala ang ngisi nya nang hindi ako nag react sa sinabi nya.

"Siguro masama ang pakiramdam nya dude. Pag pahingahin mo na. Mauna na kami ni Jean. May date pa kami."

Naka ngiti silang dalawa na kumaway sa amin bago umalis.

"Kilala mo si Marlo at Jean?" Nangangamba kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa na palayo sa amin.

Kinuha ni Charlem ang mukha ko gamit ang dalawa nyang palad saka ako dinungaw.

"Seriously princess. Are you okay? Of course kilala ko si Marlo. Minsan ko na syang naging kaagaw sa'yo way back in high school while her girlfriend Jean is your classmate in your minor subject. Ikaw pa nga ang nag kwento sa akin. How come you don't remember?" Nag aalala at the same time naguguluhan na sya.

Teka, ano yung sinabi ni Marlo? Si Charlem ang boyfriend ko?

"I-ikaw ang boyfriend ko? Paano?" Hindi ko napigilan ang itanong ang bagay na yun.

Kitang-kita ko naman ang sakit at pagka lito na bumalatay sa mukha nya.

"Ano bang klaseng tanong yan Maddie!?"

Napa kurap ako sa diin ng pag kakatanong nya na tila may nasabi akong mali.

"I'm sorry. N-naguguluhan lang ako. M-mauna na ako sayo." Nang hihina kong paalam. Saka tumalikod at nag lakad palayo sa kanya.

Napa yuko ako habang nag lalakad saka bumuntong hininga nalang para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Ano ba ang nangyari? Bakit ganito na ngayon? Anong nagawa ko?

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon