CHAPTER 5 "Peace Offering"

70 4 0
                                    

      Second week na ng pasukan kaya regular classes na. At may problema ako. I already know the lessons. Kaya manghang-mangha ang mga kaklase ko dahil lagi akong perfect sa mga quizzes at laging nakaka sagot sa recitation. Ako din ang ginawa nilang leader sa halos lahat ng subject dahil matalino daw ako. Jusko po! Grabing stress ito. Kung noon stress na ako sa pagiging class secretary eh parang mas mai-stress ako ngayon ah.

     Hinpdi ako maka tanggi dahil pati mga teachers namin pinapaki usapan ako. Napa kamot nalang ako sa noo ko nang ako nanaman ang napili nila bilang leader sa last subject namin.

Tawa ng tawa si Irish habang ako naman ay naka busangot at inaayos lahat ng index card ng mga members ko.

Parang nag sisi ulit ako na nadito ako sa past ah. Tapos na ako sa ganitong problema eh. Naalala ko noon, hanggang fourth year hindi pwedeng hindi ako maging leader. Lagi tuloy akong busy. No time to enjoy. Masyado din kasi akong subsob sa pag aaral noon. Kaya masasabi ko talagang di ko na-enjoy ang high school life ko noon. I thought I came back here to enjoy my high school life? But why is it happening? Kainis!

     Naka hinga ako ng maluwag nang break na namin dahil sa wakas ay makakapag pahinga yung utak at kamay ko sa pag i-encode ng mga scores sa quizzes ng mga members ko. Umiinom ako ng C2 kasama si Irish sa canteen at namataan ko ang mga paparating. Grupo ito ni Marlo. Sila yung grupo na nililingon dahil silang lahat ay matatangkad, mapuporma at may mga itsura.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Masaya syang tumatawa habang nakikipag tawanan sa mga kaibigan nya. Namiss ko bigla si babe sa kasalukuyan. He really smile the same way with my babe. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin.

     "Hoy Maddie! Problema mo? Tulala ka dyan?" Saway sakin ni Irish.

     Hindi ko parin sya pinapansin kaya sinundan nya na yung dereksyon ng tinitignan ko.

     "Sino yang tinitgnan mo? Yang grupo ni Marlo ba? Naku' mga bully daw yan sabi ng pinsan ko na nasa fourth year."

     Napa lingon ako kay Irish.

     "Bully?" Kunot noong tanong ko. So toto pala talagang kilala sya noon sa school. Kahit mga first year kilala sya. Ganyan sya kasikat sa pagiging bully nya. At sa pag kaka alala ko ay dancer din sya noon eh.

     "Oo kilalang bully yang grupo nya. Pero sikat sila dahil dancer sila dito sa school."

Tumango-tango lang ako. At binalingan ulit ng tingin ang grupo nya. May kausap na silang mga babae ngayon.

Chickboy!

Nagulat ako ng sinuklian nya ako ng tingin. Naka tingin na din sya sakin ngayon.

Pinigilan kong hindi ngumiti pero kusang nag curve ang labi ko. Kumunot ang noo nya sa pag ngiti ko.

You really don't know me ah. Well then, just wait and I will introduce to you your future.

Binawi ko na ang aking tingin at pinag tuunan ng pansin ang aking pagkain.

     "Oh nandyan na yung crush mo." Bulong nya sakin.

Pag lingon ko ay parating na sila Cedrick, Kenneth, Michael at Charlem. Agad silang kumaway samin.

     "Hi girls." Bati ni Cedrick habang naka ngiti.

     "Hi guys." Bati pabalik ni Irish habang akoý nginitian sila.

     "Tapos na kayo kumain?" Tanong ni Kenneth.

     Umiling ako habang naka ngiti.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon