CHAPTER 34 "Finally"

36 5 0
                                    

Iniwan ko mag isa doon si Bernadette dahil sa inis ko sa kanya. Mabilis kong narating ang class room namin pero hindi ko nagawang pumasok sa loob ng pinto nang may humatak sa braso ko. Gaalit na mukha ni Maddie ang bumungad sakin.

Hinila nya ako sa dulo ng hallway kung saan bihirang may dumaan. Padarag nyang binitawan ang braso ko saka humarap sakin ng naka halukipkip at naka taas ang kilay. Kitang-kita ko ang angas sa mukha nya gaya noong sinipa nya si Marlo. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Maddie...what's  wrong?" Nag tataka kong tanong.

"Mag usap nga tayo." Matalas nyang sabi.

Napa "okay" nalang ako.

"Ganyan ba ang tinatawag mong pag respeto sa desisyon ko?"

Naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"What are you trying to say Maddie?"

"Stop calling my name if you're  with somebody!"

Nagulat ako sa ginawa nyang pag sigaw. Namumula na ang mukha nya sa galit.

Ano bang ginawa ko na ikinagalit nya ng ganyan?

Nilapitan ko sya at akmang hahawakan pero mabilis syang umatras.

"Wag mong ihawak sakin yang kamay mo kung naihawak mo na sa ibang babae yan."

Lalo akong naguluhan. Ano bang sinasabi nya?

"Okay. I'm sorry. Kung may nagawa man ako na ikinagalit mo ng ganyan...I'm sorry."

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Pag tapos mong umiwas sakin ng isang linggo at may balak ka pa atang patagalin. Akala ko ba kaya mong mag hintay? Eh bakit may Bernadette na sa eksena?"

Nanlaki ang mata ko nang sunod-sunod na may tumulong luha sa mata nya.

Mabilis ko syang nilapitan at hinila pakabig para mayakap.

"Shit. Why you're crying princess? May nagawa ba ako?" Sobrang nag aalala ako. Bakit sya umiiyak?

"Wag mo kong hawakan." Nag pupumiglas sya. Pero lalo ko syang ginapos sa bisig  ko para di maka wala. "I hate you. Sabi mo mag hihintay ka. Tapos ngayon may iba ka na." Humihikbi nyang sabi.

Inangat ko ang mukha nya paharap sakin. "Ano bang sinasabi mo princess?" Nag aalala kong tanong.

"Bakit girlfriend mo na si Bernadette." May panunumbat sa boses nya. "Ang sabi mo hihintayin mong maging ready ako. Pero bakit may iba ka na agad?"

Napa kurap-kurap ako. Is she thinking na may relasyon kami ni Bernadette? But why she's acting like this?

Don't tell me...

"Nag seselos ka ba princess?" Tinapangan ko ang sarili sa tanong na yun.

Malakas na hampas sa dibdib ang natanggap ko.

"King ina! Selos na selos na ako Charlem kung alam mo lang." Gigil na gigil nyang sabi.

Pero automatic akong napa ngiti dahil sa narinig. Hindi ininda ang lakas ng hampas nya.

Shit! Totoo ba tong naririnig ko?

Isang hampas pa ulit ang natanggap ko mula sa kanya.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon