CHAPTER 32 "Videoke"

35 4 0
                                    

NANG mag uwian na ay nagka yayaan na mag merienda muna. Kumpleto na kami sa quadrangle pero wala parin si Maddie.

Kaya nga presinta na ako na puntahan sya sa room nya. Nasa kabilang building kasi sya.

"Puntahan ko na." Mabilis kong sabi saka tumalikod.

"Asus talaga naman ang pagibig." Narinig ko pang pang aalaska ni Cedrick.

Di ko na yun pinansin pa at nag derecho na ako sa building kung saan ang room ni Maddie. Pag dating ko doon ay sya nalang ang tao sa loob ng room nila. Dahan-dahan nyang nilalagay ang notebook at ballpen sa loob ng bag nya.

Naka tayo lang ako sa may pinto at pinapanood sya. Nag handa na ako nang tumayo sya bitbit ang bag pero hindi sya humakbang paalis. Nanatili syang naka tayo doon at naka tulala sa sahig na parang may malalim na iniisip.

Ano pang hinihintay nya?

Nag taka ako nang dahan-dahan syang umupo pabalik sa upuan at yumukyok sa mga braso nyang naka patong sa desk. Kitang-kita ko kung paano yumugyog ang balikat nya.

Umiiyak sya.

Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan sya. Hinila ko ang upuan sa harap nya at inikot paharap sa kanya at umupo doon. Nag likha yun ng ingay kaya nag angat sya ng mukha. Basang-basa na ito ng luha. Nag tagpo ang aming paningin.

"Cha..." sya lang ang nakaka tawag sakin ng ganito. It sounds so special into my ears.

Kumunot ang noo ko. Nag tataka bakit sya umiiyak. Matagal ko na syang di nakikitang ganito, broken.

"Why?" Kumakawala ang pag aalala at pag tataka sa boses ko.

Mapait syang ngumiti habang umiiling, patuloy parin ang pag patak ng luha sa pisngi.

"May naalala lang ako."

"Ano yun? I'm hear to listen." Seryoso ko syang tinitignan. Iniisip kung ano ang naalala nya bakit kailangan pa nyang umiyak ng ganito?

Naka pako ang kanyang tingin sa mga kamay na nag lalaro sa ibabaw ng desk. "Today should be our sixteenth monthsarry."

Natigilan ako sa narinig. So si Marlo ang naalala nya.

"Napanaginipan ko lahat ng happy memories namin kagabi kaya medyo off ako today. Sa loob ng tatlong linggo after ng break up namin hindi ko sya inisip o inalala. Pero..." mapait na naman syang ngumiti. "Isang panaginip lang, ibinalik sakin ang lahat-lahat. Pang hihinayang, yung sakit. Lahat yun bumalik sa isang iglap. I thought I can escape this pain by being strong and tough. By going back to my old self, friendly and approachable. Pero mali pala ako. I should undergo to the right process. Get in love, be broken, feel the pain then have time to move on."

Hindi ko magawang mag salita. Dahil ayaw kong ienterrupt ang kung ano man ang sasabihin nya. Ngayon ko lang nalalaman ang nasa isip nya after namin puntahan si Marlo sa school nila. All I thought ay okay na sya dahil hindi ko na sya nakitang malungkot o umiyak after ng incedent na yun. Pero nasagot na ang tanong ko ngayon. Kaya pala all of a sudden ay okay na sya kung umasta.

"Ganun pala dapat. Hindi dapat ako nag tago sa maskarang nag papakita na okay na ako, na wala na sakin lahat. Because it just stopping me from the proper way to move on."

Patuloy ang pag patak ng luha sa pisngi nya habang nag sasalita. Ang it's telling me to wipe all those tears na hindi ko namalayang ginagawa ko na.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon