CHAPTER 18 "Promise"

29 5 0
                                    

True to himself, ginawa nya gaya nang sabi nya.

Sa tuwing nag kakasalubong kaming tatlo sa loob nang school; mapa library man, canteen o hallway...sya ang unang umiiwas. Sya ang unang liliko o aatras pabalik.

I don't want to see him like that pero kung yun ang way nya para maka move on, I'm fine with that. Sa room naman hindi ko na sya nakikita pang tumitingin sa akin. He treat me like a wind, like I'm not existing. Masakit man, but its fine with me.

Nag focus nalang ako sa pag aaral at kay babe. Kung noong unang buwan ko dito sa past ay 'come what may' lang ang motto ko dahil akala ko panandalian lang ang pananatili ko dito sa past. Nag iba na ngayon. I need to study hard to get a good grades in my transcript.

Naalala ko noong nag enroll ako for college. Sobrang big deal nang final grades bago mo makuha ang gusto mong kurso. So I know better now.

Medyo nababagalan man ako sa panahon dahil alam mo na, dapat college na ako. Pero wala akong magagawa kung hindi sumabay sa panahon. Inienjoy ko ang kabataan ko, ang bunso naming si Cherry, ang kabataan ng mga magulang ko, ang mga usong tugtog sa panahong ito na makakalimutan na sa pag tagal nang panahon. Yung kasimplehan nang buhay. Marami akong dapat ienjoy.

At syempre mas mahaba ang panahon na gagawa kami nang maraming memories ni Marlo. Kung noon first year college ako nung naging kami, ngayon advanced na nang four years. Mas mahabang panahon, mas maraming memories, mas masaya.

Sya talaga ang naging malaking tulong para maka cope up ako sa pagka stuck ko dito sa nakaraan. He made me feel na I'm home. Kaya nga walang kasing saya na lagi kaming mag kasama.

Tuwing monthsarry namin pumupunta kami sa mall para mag celebrate. Manood nang sine at mag laro sa Worlds Of Fun.

Hindi naman mayaman sila Marlo pero magaling lang talaga sya mag ipon ng pera lalo na sa mga bagay na gusto nya. Ganyan ko sya nakilala noon pa man sa kasalukuyan. We do basic things as couple; holding hands while walking, hugging, kissing sometimes. Medyo wholesome pa si babe sa panahon ngayon unlike sa present na sobrang dami nang kalokohan. Though sometimes I miss his naughtiness pero naisip ko na bata pa sya dito kaya ako ang nag aadjust.

Mabilis lumipas ang panahon. Malungkot ako dahil malapit na syang grumaduate. Nakakainis, bakit ba kasi ahead sya sa akin nang two years.

"Bakit malungkot ang babe ko?" Tanong nya sakin habang kumakain kami sa canteen. Sinisilip nya ang aking mukha habang ako ay naka yuko sa kinakain kong spaghetti.

"Babe, pansinin mo naman ako."

Umiling lang ako. Hindi masabi ang gustong sabihin.

Mabuti nalang wala dito ang mga kagrupo nya. Kundi baka isipin ng mga yun ang drama ko.

"Mauna na akong umalis. Babalik na ako sa room." Paalam ko dahil any time soon babagsak na yung luha ko.

Tumayo na agad ako at nag lakad palabas ng canteen. Pero pababa palang ako nang hagdan ay naabutan nya na ako.

Hinila nya ako sa likod nang malaking ppuno at doon kinorner.

"Maddie, ano bang problema?" Naka kunot ang noo nya.

Tiningala ko sya dahil matangkad talaga sya. Isa-isa nang tumulo ang mga luha ko kaya bigla syang nataranta.

"Shit. Ano bang problema babe? Bakit umiiyak ka? May nagawa ba akong mali?" Natataranta na sya sa pag buhos nang luha ko.

Mabuti nalang at dito nya ako dinala sa likod nang puno. Dahil siguradong eksena tong ginagawa namin. And besides ma gaguidance kami pag nahuli kaming ganito. Bawal ang PDA dito sa loob ng school.

Umiling lang ako saka yumuko. Nahihiya sa inaasal. Para akong bata.

He lift up my face using his index fingers.  Napa tingin ako uli sa mukha nya. Lalo akong nalungkot. Ilang buwan nalang gagraduate na sya at hindi ko na sya madalas makakasama.

"Sige na babe. Anong problema? Paano natin maaayos to kung hindi mo sasabihin sakin?" Masuyo nyang sabi.

"Eh kasi gagraduate kana." Panimula ko.

Kumunot muna ang noo nya na parang di nya naiintindihan ang ibig kong sabihin.

"Okay...?" Patanong nyang sabi. Hinihintay na ipaliwanag kung anong ibig sabihin ng sinabi ko na mas kinainis ko.

Gusto pa talaga ipa elaborate eh!

"Syempre...!" Umpisa ko. "Pagka graduate mo college ka na sa susunod at maiiwan ako dito." Naka nguso kong paliwanag.

Lumiwanag naman ang mukha nya habang naka ngiti pa na tila tuwang-tuwa sa ikinaka topak ko.

Kusang tumila ang luha ko sa pag patak dahil sa inis.

Bumaba ang kamay nya sa balikat ko. Magkasabay na nilakbay ng kanyang mga palad ang aking braso pababa sa aking kamay.

"Yun ba ang inaalala mo?" Tanong nya habang pilit na sinisilip ang aking mukha dahil naka yuko ako. Inangat nya ang aking mukha sa pamamagitan ng pag hawak nya sa aking baba. "Wag ka mag alala babe, lagi parin naman kitang pupuntahan dito. Susunduin kita kapag maaga ang makuha kong schedule. At syempre mag dedate parin tayo ng regular. Kaya wag ka ng malungkot dyan."

"Sure ba yan?"  Hindi ko mapigilang hindi mag duda.

Syempre alam ko ang college life. Maraming magaganda at sexing babae sa college. Baka ipag palit nya ako. Di ko kaya. Lalo pa at bata pa sya sa panahon ngayon. Mahilig mag eksperemento. Unlike sa future na well experienced na sya at sawa na sa pang chichicks.

"Oo naman." Sigurado nyang sagot.

Hindi ko mapigilang hindi sya ismiran. "Siguraduhan mo lang. Iba ang college life. Maraming magaganda at sexing babae dun."

Sumilay ang nakakalokong ngiti nya. "Ang cute-cute naman ng girlfriend ko mag selos." Saka nya pinisil ang mag kabila kong pisngi kaya napa nguso naman ako. "For your info, nag iisa lang ang maganda at sexy sa paningin ko. At ikaw lang yun babe."

Natuwa ako sa narinig ko pero hindi parin mawala ang pangamba ko. "Nasasabi mo lang yan kasi wala ka pa sa college life. Marami kang makikila. Dun masusukat ang loyalty mo sakin."

Agad syang umiling na tila sinisigurado sakin na mali ang sinasabi ko. "Hindi mang yayari yun babe. Ikaw nga ang inaalala ko pag wala na ako dito. I'm sure maraming aaligid sayo. Tatlong taon pa ang hihintayin ko para maka sama ka ulit sa iisang campus."

"Hindi ako mapupunta sa iba kung hindi mo hahayaang mangyari yun." Warning ko sa kanya.

Natigilan sya sa sinabi ko saka tumingin sakin ng matalim. "Malamang. Pero hindi ka rin mapupunta sa iba kung hindi ka mag papakuha sa iba." Madiin nyang sabi.

"Kaya nga wag na wag kang gagawa ng kalokohan pag college kana kung ayaw mo akong mapunta sa iba." Banta ko muli.

Gusto kong matawa nang napa padyak pa sya sa inis. "Babe naman eh. Tinatakot mo ako." Saka nya ako hinila para mayakap ng mahigpit.

"Hindi kita tinatakot, pinapaalalahanan lang kita."

"Syempre hindi ko hahayaan yun. Mahal na mahal kita Maddie." Madamdamin nyang bulong sakin habang mas humihigpit ang yakap nya na tila mawawala ako anytime.

Napa ngiti ako ng matamis at sinuklian ang mahigpit nyang yakap. "I hold onto your promises Marlo."

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon