CHAPTER 10 "Busted"

50 5 0
                                    

Inabot kami ng hanggang alas sinco sa pag papractice. Hinatid kami ni Charlem sa may kanto nila. Gusto pa nya akong ihatid sa bahay pero todo ang tanggi ko. Baka kasi makita nanaman sya ni mama. Panibagong pang aasar na naman ang aabutin ko.

Napa hiwalay ako kila Irish at sa mga boys sa pag sakay ng jeep dahil magka iba kami ng way.

Nang maka sakay ako ng jeep ay tinignan ko ang bag ko kung may mga naiwan ba akong gamit kila Charlem. Mukang wala naman dahil kompleto ang gamit ko. Naka ugalian ko na to tuwing pumupunta ako sa kung saang lugar. Na trauma na kasi ako noong naiwan ko yung wallet ko sa bahay ng classmate ko sa college. Tapos naka sakay na ako ng jeep, at dahil nga wala sakin yung wallet ko...pinababa ako nung driver dahil wala akong pang bayad sa pamasahe. Kaya ganun.

Kumuha ako ng barya sa wallet ko at nag bayad. Pero nag taka ako ng ibinalik yung bayad ko sakin. Lumingon ako sa driver. Pero naagaw ng katabi ko ang aking tingin. Naka ngiti sya sakin.

"Bayad ka na."

Saan kaya galing 'to? Alas sinco na ah.

"Salamat." Wala na akong magagawa kaya nag pasalamat nalang ako. "San ka pala galing?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Hinintay ka."

Napa 'ha?' nalang ako sa sagot nya. Paanong hinihintay nya ako?

"Sasabay sana ako pauwi sa'yo kaya lang nakita kong kasama mo yung bampira at mga kaklase mo. Kaya nag pasya akong hintayin ka nalang hanggang sa matapos ka. Ano ba ang ginagawa mo sa bahay ng bampirang yun?" Nahihimigan ko ang inis sa boses nya pero halatang pinipigilan nya lang.

"May practice kami para sa United Nation. At saka sino ba ang tinatawag mong bampira?"

"Sino pa ba edi yung karibal ko!"

Kusang umikot ang mata ko. San nya naman kaya nakuha ang bampira na yan?

"Eh sino bang may sabing mag hintay ka?" Angil ko sa kanya. Feel na feel ko talagang sungitan sya dito sa past. Sa present kasi magaling na syang mang lambing kapag nag gagalit galitan ako. Unlike dito, medyo hindi pa sya maalam sa ganitong bagay.

"Yung puso ko." Bulong nya malapit sa tenga ko na nag hatid ng kiliti sa buo kong katawan.

Parang tumigil ang mundo ko. Narinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Kinikilig ako.

Nakaka gulat isipin na parehas parin pala ang epekto ng Marlo sa past at Marlo sa present sa akin.

Tumikhim ako saka tumingin sa labas ng bintana ng jeep. Hindi ako maka hanap ng maisasagot.

"Bakit di ka naka sagot?" Pangungulit nya habang pilit hinuhuli ang aking mata.

"Namumula ka." Namamangha nyang sabi at pilit sinisilip ang mukha ko na pinipilit ko namang tinatago.

"Just shut up!" Mariin kong sabi na nag patigil sa kanya.

Parehas nyang tinaas ang kamay na parang sumusuko.

"Okay. Okay. Ini-english mo na ko eh."

Inirapan ko sya bago ibalik sa labas ng bintana ang tingin. Nang masiguradong hindi na sya naka tingin ay pinakawalan ko na ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.

Ang lupit mo talaga mag pakilig babe!

                                ~*~

Tahimik na rin sya sa wakas buong byahe. Pag baba ng jeep ay inalalayan nya ako na parang isang prinsesa. Kulang na nga lang ay buhatin nya ako pababa ng jeep.

Agad kaming tumabi sa may side walk.

Nakita kong hahakbang na sya papasok sa kanto namin kaya agad ko syang pinigilan.

"Marlo."

Nilingon nya ako.

"Bakit?"

"Hindi kita nakita kahapon."

Kumunot ang noo nya pero napalitan din agad ng nakakalokong ngisi.

"Sinasabi mo bang hinihintay mo ko kahapon?" Nakaka loko nyang tanong.

Pina ningkitan ko sya ng mata.

Kahit napapa kilig mo ko, I still need to do this.

"Bakit ayaw mo nalang sagutin. San ka galing kahapon?"

Nakita ko ang pag kawala ng ngiti sa labi nya nang makitang seryoso ako sa sinasabi ko. Hindi pa man sya nakaka hanap ng sagot ay nag salita na naman ako.

"Or you are busy with all your other girls?"

Pambihira. Ayaw kong mag tunog nag seselos pero di ko maiwasan lalo na at naalala ko nanaman nung nakita ko syang may kasamang ibang babae.

Napa kurap-kurap sya saka natawa ng peke.

"Gusto ko nang mag isip na nag seselos ka."

Tinaasan ko sya ng kilay saka humalukipkip.

"Sana nga nag seselos ako mister. But my point here is...wag mo kong ligawan kung hindi mo naman kayang mag seryoso. I'm not the kind of girl na basta-basta gaya ng mga ex's mo. I am serious when it comes to a relationship. And I deserve to be the only one. And since alam ko namang marami kaming nililigawan mo...you better back off and stop." Saka ko sya tinalikuran habang sya ay gulat at naka nganga lang.

Hindi pa ako nakaka ilang hakbang ay nilingon ko ulit sya.

"And by the way. Hanggang dito ka nalang. Thanks sa pag hatid." Saka tumalikod muli.

Ngiting tagumpay ako habang nag lalakad papalayo sa kanya. Although medyo nahirapan ako dun dahil parang si babe talaga yung binabasted ko. But I need to do this.

One down!

Si Charlem nalang. Pero after na ng United Nation ko yun aasikasuhin. Para hindi maapektohan ang magiging performance namin.

I need tofocus on going back to where I really belong.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon