CHAPTER 6 "The Best Man Win"

55 4 0
                                    


Mabilis na lumipas ang ilang linggo. At dumadalas ang pag pansin sakin ni Marlo. Madalas ay sa canteen kami nag papanagpo. Minsan naman sa hallway. Madalas nyang kasama ang mga kaibigan nya. Pero iba ang araw na ito.

Nag lalakad ako papunta sa kabilang building para ihatid sa isang teacher ko ang mga records ng grupo namin nang nakita ko sa malayo si Marlo at di nya kasama ang mga kaibigan nya kundi isang babae. Mukang ka level nya ito. Maganda, maputi. Bigla akong naka ramdam ng kirot sa puso ko nang makita ko kung paano nya hawakan ang bewang ng babae habang nag lalakad sila at tumatawa.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Dahil ba alam kong sya si Marlo na boyfriend ko sa kasalukuyan. Yeah he cheated on me at the start of our relationship pero di ko nasaksihan yun. Iba pala yung harap-harapan. Ang sakit, sobra. Parang gusto ko silang sugudin at pag sasampalin lalo na yung babae dahil ang kati-kati nya. Pero at the end...ako ang walang karapatan. Hindi naman kami ni Marlo eh. He's not my boyfriend because my boyfriend is in the present and the man that I'm seeing right now is the Marlo in this fuckin past!

Sa di ko malamang dahilan ay tinahak ko ang dereksyon nila at sinalubong sila ng malawak na ngiti. Pero ramdam ko ang panginginig ng labi ko habang ngumingiti sa kanila.

"Hi Marlo." Bati ko sa kanya. Nakita kong nagulat sya. Agad syang bumitaw sa bewang ng babaeng kasama nya.

"Oh hi Maddie. San ka pupunta?"

"Sa kabilang building lang."Naka ngiti ko paring sagot.

"Ah ganun ba..."

Agad ko syang pinutol.

"Eh kayo? San kayo pupunta?" Saka ko sinuyod ng tingin ang kasama nyang babae. Tinaasan ako ng kilay ng babae kaya tinaasan ko din sya ng kilay pero hindi ko inaalis ang aking ngiti. I will kill you with my precious smile bitch!

Nag kakamot ng batok si Marlo ng balingan ko sya ng tingin.

"Ah dyan lang, bibili ng intermediate."

"Oh really? Okay. Sige mauna na ako ah. Bye." Saka ko sya kinawayan habang naka ngiti.

Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Agad na akong nag lakad papuntang kabilang building at agad ding napawi ang peke kong ngiti.

Gusto kong sumigaw sa inis. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Am I jelous? I should not. Pero ang hirap kasing isipin na meron syang iba. Kainis!

Dahil sa nakita ko ay badtrip ako buong mag hapon. Wala ako sa mood o maging active sa kahit anong activity. Napansin nila yun kaya tinanong nila ako kung may problema daw ba ako. Tanging sakit sa ulo lang ang palusot ko.

Hindi maganda 'to. I really need to go back to where I really belong. Kaylangan ko nang puntahan ang public library kung saan ko nakita ang mahiwagang libro na yun.

Kaya nang mag uwian ay di na ako sumabay kay Irish at nag madali na akong lumabas ng gate. Pero pag labas ko ng gate ay may naka abang sa dadaanan ko. Napa bagal ako sa pag lalakad.

"Hi Maddie." Bati nya sakin at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Oh hi Ch-chlarlem. Bakit?" Di ko mapigilang di maipakita na nagulat ako sa pag aabang nya sakin dito sa labas ng gate.

Tinanggal nya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa saka ako sinagot.

"Pwede ako sumabay sayo?" Tanong nya habang naka tingin sa mga mata ko.

"Sabay? Wala akong sasakyan." Biro ko.

Napa tawa sya ng bahagya. "Joker ka talaga." Saka nya pinatong ang kamay nya sa aking ulo.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon