Chapter 4 "Sya nga!"

79 6 0
                                    

            Madilim pa sa labas ay ginising na ako ni mama. Ayaw ko pa sanang bumangon kasi dalawang subject lang ang pasok namin ngayon nang lumapit sakin ang baby na Shasha at niyakap ako habang naka higa at saka ko lang narealize na nasa past nga pala ako.

               Naka ramdam nanaman ako ng lungkot.

               Naka tulala ako habang kumakain ng almusal kasama si Red na nasa grade three palang. Naka tulala sya sakin. Tinitigan ko din sya pabalik. Minimemorize ko yung muka nya. Ang layo na kasi ng muka nya pag binata na sya.

                "Parang gumanda at kuminis ka ate. Nag papaganda ka ba?" Out of the blue nyang tanong sakin.

                Nginitian ko lang sya. I still remember na lagi pa kaming nag aaway sa mga panahon na ito. Nagulat sya sa reaksyon ko. Siguro dahil sanay syang tinatarayan at sinisinghalan ko sya.

                  "Ma! Si ate!" Bigla nyang sigaw.

                  Agad namang dumating si mama galing kusina.

                  "Oh bakit? Nag aaway nanaman kayo?" Saway ni mama.

                   Naka tingin lang ako sa kanila habang nangungunot ang noo. Bakit naman ganito makapag react 'tong si Red? Wala naman akong ginawang masama ah?

                    "Si ate kasi ma nginitian ako. Hindi nya ako tinarayan. May lagnat ata si ate ma." Histeryang sabi nya kay mama at tinuturo-turo pa ako.

                  "Tumigil ka nga Red. Masama ang pakiramdam nyang ate mo kahapon pa. Kaya wag mong kulitin yan." Paliwanag ni mama habang kinukuha ang pinag kainan ni Red.

                     "Ah kaya pala." Ang tangi nya nalang naging sagot.

                    Napa iling-iling nalang ako sa naging reaksyon ni Red. Naninibago sya sakin.

                   Tumayo na ako at dinala sa kusina ng pinag kainan ko at hinugasan na rin ang mga hugasin sa lababo. Napansin yata ni mama kaya pinuna ako.

                   "Naku Maddie may pasok ka pa, iwan mo nalang yan dyan."

                   "Okay lang ma, onti lang naman po ito eh."

                    Nag kibit balikat lang sya. Maaga pa naman kasi kaya okay lang. I've learned a lot in terms of time management nung nag college ako. Kaya sisiw nalang sakin 'to ngayon. At wala din akong magagawa kundi ang ipag patuloy ang buhay kahit nasa past ako. Pero kaylangan kong gumawa ng paraan kung paano maka balik sa present. Baka hinahanap na nila ako doon.

                  Bigla akong natigilan. Teka, kung nandito ako sa past sino ang Maddie sa present?

                 Nawala ako sa pag iisip nang hawakan ni mama ang bewang ko.

                  "Naku anak tumatangkad at nag kakahubog ka na pala. Nag dadalaga na pala ang Maddie ko. Ang sisikip na pala ng mga damit mo. Pumuputok na oh." Sabay hila sa sando na suot ko na hanggang pusod ko lang. "Di bale mag uukay-ukay ako mamaya."

                   Napapangiti nalang ako sa pag lalambing nya.

                    "Okay lang yan ma. Ayaw mo nun look so sexy ako?" Biro ko sa kanya.

                  Tinignan nya ako ng masama. "Ayaw ko. Baka mamaya madaming mang ligaw sayo."

                  "Natural lang po yun ma. Maganda ang anak nyo." Natatawa kong sagot sa kanya.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon