CHAPTER 31 "Forgiveness"

36 5 0
                                    

BUONG araw ay naging maganda ang araw ko dahil sa ngiti nyang yun. Di  ko alam kung para saan yun pero aaminin kong kinilig ako sa simpleng ngiti na yun.

Buong linggo ang lumipas na nginingitian nya ako tuwing nakaka salubong. Walang salitang namamagitan samin tanging tinginan at ngitian lang. Gusto ko man syang makausap ay mukhang lagi syang busy. Hanggang ngayon ay nahihiya parin akong itext sya kung wala naman akong matinding dahilan.

Kaya naman ay nagugulat ako ngayon habang pinag mamasdan syang nag lalakad papunta dito sa mesa namin habang bitbit ang kanyang pagkain.

"Maddie!" Masiglang bati ni Kenneth.

"Hi guys pwede maki table?" Naka ngiti nyang tanong.

"Oo naman." Si Cedrick ang sumagot saka kumuha ng monoblock chair at nilagay sa gitna namin.

Pero hindi sya agad umupo. Bumaling muna sya kay Irish na nagugulantang sa presensya nya.

"Irish okay lang ba?" Paalam nya dito.

"H-ha? B-bakit ako ang tinatanong mo? S-syempre okay lang." Nauutal na sagot nito.

"Thank you." Masayang pasasalamat ni Maddie saka kinuha ang monoblock sa gitna namin ni Cedrick at isiniksik ang sarili sa tabi ni Irish. "Dito ako sa bestfriend ko. Miss ko na 'to."

"Baka naman awayin ka ni Marlo pag nalaman na nakikipag lapit ka samin." Sarcastic na sabi ni Irish. Hindi parin maalis ang pagiging maldita.

"Wala na kami ng unggoy na yun."

Nag hagalpakan ang lahat ng nasa mesa namin maliban sakin na alam ang lahat ng nangyari.

"I wanna go back to where I am really belong." Naka ngiti nyang dagdag pero may bahid ng kaseryosohan.

That's  right my princess. Go back to your track and live normally.

"Teka si Charlem ba yan?" Nagulat ako sa biglang banat ni Michael.

"Ha?" Nag tataka akong binalingan ni Madie saka natawa. "Syempre sa inyong mga kaibigan ko."

"Outch pare busted ka ulit." Nang aasar na sabi ni Cedrick.

Binato ko sya ng nilamukos na tissue saka nilakihan ng mata. Pero tinawanan nya lang ako.

"I miss you bestfriend." Baling muli ni Maddie kay Irish saka yumakap dito na ikinagulat nito pero yumakap din pabalik.

"Namiss din kitang bruha ka." Saka sila nag tawanan.

"I'm sorry for choosing a guy over our friendship." Sinserong sabi ni Maddie.

"Oh ano may napala ka ba?"

Napa kamot sya sa ulo saka ngumisi. "Yun nga, wala eh."

"Sa susunod kasi itong tropa na namin ang piliin mo. Di ka dito iiyak. Picture perfect kaya 'to." Nagulat ako nang akbayan ako ni Cedrick saka ibinenta.

Kita ko ang pag lapat ng tingin ni Maddie sakin habang naka ngiti. Tinignan nya ako ng ilang segundo na parang pinag aaralan ang mukha ko saka naiiling na tumawa.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon