CHAPTER 20 "My Fault"

32 6 0
                                    

Hindi ko alam kung naka ilang hakbang naba ako. Wala akong lakas para tignan kung nasan na ba ako.

Maging ang pag tawid ay hindi ko na binibigyan ng pansin.

Isang malakas na busina ang gumising sa diwa ko kasabay ng malakas na pag hatak sa braso ko. Napa salampak ako sa isang matigas na dibdib kasunod ng mahigpit na pag yakap nito sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa gulat nang mag angat ako ng tingin.

Isang galit na Charlem ang bumungad sakin.

"What the heck Maddie! Ano bang nang yayari sayo?!" Sigaw nya sakin pero bakas sa mukha nya ang pag aalala.

"Hoy! Mag papakamatay ka ba? Wag kang mang damay ng iba!" Rinig ko pang sigaw ng isang lalake sa likuran ko. Ang driver marahil ng sasakyan na muntik nang maka bunggo sakin.

"I'm sorry sir. She's just not feeling well." Sagot sa kanya ni Charlem na hindi parin ako pinapakawalan sa mahigpit nyang yakap kaya wala akong pag kakataon na lingunin ang galit na galit na driver.

Maya-maya pa ay umalis na ito saka nya ako muling niyuko.

"Are you okay?" Kitang-kita ang pag aalala sa mukha nya.

Kumalas ako sa yakap nya saka naigala ang paningin sa paligid. Patawid na pala ako sa freedom park at marami ang naka tingin sa amin ngayon marahil dahil sa muntik ng mangyari sakin. Pero wala akong paki alam sa kanila.

Masakit parin ang puso ko. Para na akong mababaliw sa nang yayari sa akin ngayon.

Tinalikuran ko si Charlem at akmang tatawid na nang hawakan nya muli ang braso ko.

"Honey..." Puno ng pag susumamo ang boses nya.

Kaya nilingon ko sya. Mag kasalubong ang makakapal nyang kilay na para na syang maiiyak.

"Gusto kong mag lakad-lakad." Yun nalang ang nasabi ko.

"Sasamahan kita." Mabilis nyang sagot.

Matagal ako bago naka sagot habang naka tingin sa kanya.

Paanong si Charlem ang boyfriend ko ngayon? Paano?

Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko ngayon.

"Please?" Sambit nya pa kaya napa tango nalang ako.

Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko na parang ayaw nya akong maka takas pa habang mag kasabay kaming tumatawid.

Wala na akong lakas para hilain ang kamay ko mula sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang. Kung sya na talaga ang boyfriend ko ngayon, hindi ko alam kung paano nangyari yun.

Tahimik lang ako sa buong pag lalakad namin habang pansin ko naman ang panay na pagsulyap nya sakin.

"Where do you wanna go?" Malambing nyang tanong.

"Kahit saan." Mahina kong sagot.

"Do you want drinks?"

Tumango nalang ako bilang sagot.

Ang inaakala kong drinks na alok nya ay alak pero di ko alam na ganun parin sya ka-wholesome gaya noong high school pa kami. Sa isang coffee shop nya ako dinala.

Naka tulala ako habang naka upo at naka tingin sa labas ng glass wall habang hinihintay si Charlem mula sa pag oorder sa counter.

Hindi parin nag sisync in sa akin ang mga nangyayari. Si Marlo at Jean. Ako at si Charlem. Paano?

"Princess."

Napa lingon ako sa kanya. Hanggang dito sa present dala nya ang endearment na yan. Nakaka tawang isipin pero paano?

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon