CHAPTER 38 "Compare"

36 4 0
                                    

WALA ako sa mood nang magising hanggang sa maka rating ako sa school. Wala akong ganang pansinin ang kahit sino. Hindi ako dumaan sa room nya kahit maaga ako dumating sa school. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin dahil sa totoo lang naiinis talaga ako sa kanya.

Naka yukyok lang ako sa desk para walang kumausap sakin. Maging sila Cedrick, Kenneth at Michael ay di nag tangka. Hanggang sa dumating na ang first subject teacher namin.

Naka tingin ako sa blackboard pero lumilipad sa kung saan ang isip ko.

Hindi ko namalayan ang pag dating ng break time. Para akong robot na nag lalakad papasunod sa mga kaibigan ko papunta sa canteen.

"Dre, okay ka lang ba?" Lumapit sakin si Kenneth at umakbay.

Tipid na tango lang ang sinagot ko.

"Hindi mo ba susunduin ang prinsesa mo?" Dagdag nya pa.

Umiwas lang ako ng tingin saka umiling.

Napa nganga sya habang tumatango pa na parang alam nya na ang nang yayari.

"Days palang kayo LQ agad? Mahirap yan." Tinapik nya ako ng dalawang beses sa balikat saka ako iniwan mag isang mag lakad at bumalik sa tabi ni Cedrick.

Pag dating sa canteen ay tumayo agad kaming mga boys para bumili ng pagkain. Tanging naiwan sa table si Irish at Kenneth na busy sa pag lalaro ng PSP nya.

Pag balik namin sa table ay nakaupo na sa tabi ni Irish ang taong dahilan bakit wala ako sa mood ngayon. May sinasabi sa kanya si Irish habang sya naman ay naka kunot ang noong nakikinig. Parang pinapagalitan sya ni Irish.

"Here's the food." Anunsyo ni Cedrick saka nilapag ang pagkain sa mesa at naupo.

Automatic naman na nag angat ng tingin ang katabi ni Irish sakin. Pinanuod nya akong umupo sa harap nya at ilapag sa harap nya ang pagkaing binili ko para sa kanya. Kahit bad trip ako, boyfriend nya parin ako. Hindi ako childish na bigla nalang syang hindi papansinin.

"Hi." Naka ngiti nyang bati sakin.
Hindi ko sya mangitian pabalik lalo pa't napaka natural ng ngiti nya na parang wala syang kasalanan sakin.

Kaya tumango nalang ako. Saka inusog sa kanya ang pinggan ng pagkain.

"Kumain ka na." Seryoso kong sabi.

Alam kong nag tataka sya sa pagiging seryoso ko.

Tahimik kaming kumain. Alam kong nakikiraramdam lang ang mga kaibigan namin. At alam ni Irish ang nangyari kagabi. Di ko alam kung nasabi nya na ba sa best friend nya o hindi pa.

Hanggang sa matapos kami kumain ay walang nag lakas ng loob na mag salita. Maging si Cedrick na di maubusan ng kalokohan ay tahimik lang din, nakikiramdam.

Pababa na kami at pabalik na sa classroom. Nauna silang mag lakad lahat, iniwan kami ni Maddie na dahan-dahan ang pag hakbang. Pansin ko ang pag lingon nya sakin maya't-maya. Pero di ko sya tinatapunan ng tingin. Pilit kong nilalabanan ang sariling tumingin sa maganda nyang mukha. Tiyak mawawala nalang bigla ang pagka inis ko.

Narating na namin ang quadrangle at kailangan na naming mag hiwalay ng daan dahil nga magka iba kami ng building.

Ako ang unang tumalikod. Kahit na hirap na hirap ay pinilit ko. Gusto kong malaman nya na may kasalanan sya sakin.

Nakaka tatlong hakbang palang ako nang bigla nya akong tawagin.

"Cha."

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon