CHAPTER 35 "First Day"

33 4 0
                                    

Hinatid ko sa room nya si Maddie dahil malapit ng mag bell.

I can't  stop myself from smiling habang pinag mamasdan syang nag lalakad. Pigil na pigil akong hawakan ang kamay nya dahil baka mahuli kami ng mga CAT. PDA ang magiging kaso  namin. At ayaw kong mapahiya si princess ng ganun.

"Cha tigilan mo nga yang pag ngiti mo dyan. Para kang timang." Saway  nya sakin nang nasa hagdan na kami ng building nila.

"I'm sorry I can't help it. Masyado akong masaya ngayon." Hindi ko talaga maitago ang saya ko.

Nagulat ako nang sunggaban nya ako sa dibdib. "May kasalanan ka pa sakin ah."

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. Anong kasalanan?

"Huh? Anong kasalanan ko sayo princess?"

"Nag nakaw ka ng halik sakin kanina. Bawal yun!" Mariin nyang bulong sa ilalim ng tenga ko.

"But that was just a swift kiss honey."

"Kahit na! Nasa loob tayo ng school. Paano kung may naka kita nun edi first day natin together nasa guidance tayo?" Panenermon nya saka nag patuloy na ulit mag lakad.

Bumalik ang ngiti sa labi kong sumunod sa kanya. First day namin together...ang sarap pakinggan pag nang galing sa kanya.

"Sige princess pag sa labas nalang tayo." Bulong ko sa kanya.

"Anong pag sa labas nalang?" Asik nya sakin. Naka taas ang kilay.

"Saka kita ikikiss." Sinadya kong mahina lang ang pag kakabulong ko sa tenga nya para maging iba ang dating nito sa kanya. Ang sarap nya palang asarin.

Pero malakas na palo sa braso ang natanggap ko. Pinanlakihan nya ako ng mata. Pilit kong tinatago ang pag ngiti ko. "Ikaw Charlem ah ayusin mo yang kapilyuhan mo. Hindi ka ganyan sakin noon."

Napa nguso ako. "Sorry na. Masaya lang ako princess." Gusto ko syang hapitin sa bewang at lambingin pero nandito na kami sa labas ng room nila. Naka tingin din sa amin ang iba nyang mga kaklase.

"Ewan ko sayo. Sige na bumalik ka na sa room mo baka ma late ka pa." Nalungkot ako sa pananaboy nya pero tama naman sya baka ma late ako.

"Okay. Susunduin kita dito mamaya."

"Mmmm." Umungol lang sya saka tumango habang naka sandal sa hamba ng pinto nila. Naka lagay sa bulsa ng palda ang kamay.

"I love you princess." Bulong ko sa kanya sabay kindat. Nakita ko pa kung paano namula ang pisngi nya bago ako tumalikod. Madali lang pala pakiligin ang prinsesa ko.

-----------

BUONG klase ay todo bigay ako sa pikikinig at pag rerecite. Nakaka gana mag aral ang pakiramdam kong ito. Umaapaw ang kasiyahan sa puso ko. Nakaka baliw.

Kaya naman todo bigay din sa pang aasar ang mga kaibigan ko lalo na si Cedrick.

"Nak nang pucha dre! Nagka girlfriend lang rumirecite ka na."
Imbis na maasar ay tinawanan ko lang sya. Panay lang din ang pag ngisi sakin nila Kenneth, Michael at Irish dahil alam nila kung bakit ako ganado ng ganito.

Nag mamadali akong lumabas ng klase para sunduin si Maddie sa kabilang building. Sinabihan ko sila na hintayin nalang kami sa quadrangle.

Mabilis akong naka rating sa labas ng room nya. Palabas palang ang last subject teacher nila. Sumandal ako sa railings habang pinapanood syang ilagay ang mga gamit sa kanyang bag. Napaka natural nyang kumilos. Walang kaarte-arte, isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

TURN BACK THE TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon