AL POV
Pumasok ako sa school ng maaga. Wala naman kasing tao sa bahay eh. Si mommy kasi nasa business trip sa Cebu. Si daddy naman maagang pumasok sa work nya sa Makati kaya ako lang din ang nag-almusal magisa. Si ate flor naman na kasambahay namin at kuya steve na driver ay ayaw nang sumabay sakin. One time kasi nakita kami ni daddy na kumakain ng sama sama kaya napagsabihan sila. hindi ko alam ang masama doon at sila'y napagalitan. Dahil din dun kaya nagalit ako kay daddy. Strikto kasi sya pareho ni mommy. Mga perfectionists.
6am palang nandun na ako. Napark ko na rin ng maayos ung Mio ko. Hay buhay? Di ko naman hinihingi lahat ng binibigay sakin nila daddy. Ang gusto ko lang ay makasama sila at makaramdam ng pamilya. pero nasanay na rin naman akong magisa kaya okey lang din naman
Maya maya pa may narinig akong tumatakbo. Di na ako nagulat kung sino ang dumating. Si epal na naman na akala nya mauunahan nya ako sa pagpasok. Agad syang ngumiti at bumati ng "good morning" sakin. Tinignan ko lang siya ng masama at muling tumingin sa bintana. Paepal kase feeling close. Lagi syang nakangiti at masaya. Wala naman dapat ikatuwa eh? Wala naman masaya sakin. Agad syang umupo. Natakot ata tong si epal. Aba dapat lang. ang killer eye ko ang nakakapagsindak sa mga lalaki at nakakapagpatili sa mga babae. Ang badboy ko daw tignan sabi ng mga Exes ko, take note ha? EXes at lahat ng mga girl na nagkakandarapa sakin. Buti nalang turn off ako sa lahat ng naghahabol kung hindi lahat sila may panganay na galing sakin hahaha
30mins kaming walang imik sa room. Ayaw ko syang makausap, wla ako sa mood at ayoko sa epal. Maya maya pa dumating isa isa ang aming mga classmate at kasunod neto si mam Vicky na always happy at alive. Gusto ko sya kasi maganda sya at mabait. After ilang lecture, biglang nagring ang bell. Lunch na pala, ang bilis ng oras.
Nauna ako naglakad papuntang sa harap upang dun dumaan ng biglang may tumama sa baba ko at umapak sa paa ko. Agad akong napapikit sa sakit at napasabi ang "aray". Agad kong hinawakan ang sumasakit kong baba at pagdila't ko, ,nakita ko ang nakakayamot na pagmumukha ni DEN.
"ui tol sorry" sabi nya ng may maamong muka
Akma nyang hahawakan ang baba ko nang hinawi ko sya na dahilan para mapa"aray" din sya.
"di kasi nag iingat eh!" pagalit kong sabi
"sorry na nga tol eh. Nagmamada-" di nya pa natatapos ang sinabi nya eh agad ko siyang binulyawan.
"wala akong pake" sigaw ko sabay aya kay Mik at Mae na medyo natulala pa sa inasal ko. Nakatalikod na ako ng biglang may sumigaw sakin.
"teka ano bang problema mo kahapon ka pa ha?" sigaw ni Den. Naalala nya pala ung kahihiyan nya kahapon. Epal kasi eh kaya napapahiya.
Agad akong lumingon sa kanya ng may matutulis na tingin.
"patanga tanga ka kasi eh!" sigaw ko sa kanya habang nakatingin ng masama
"Kung tanga ako, bobo ka naman" sabat nya na masama na rin ang tingin sakin.
Aba gusto ko to ha? Palaban din pala tong epal na to. Kala ko wala syang ibubuga eh. Kung pwede nga lang iumpog ko to sa abs ko para matauhan tong epal na to.
Napatingin na samin lahat ng aming kaklase dahil sa taas ng aming mga boses. Si mae ay humawak na sa braso ko gayun din ang ginawa ng kaibigan ni Den na si Judith.
"Eh gago ka pala eh" sigaw ko
"Ulol ka naman" sigaw nya
"Epal" sigaw ko
"Kupal" sigaw nya
Nakikita ko na parang tangang nakatingin samin ang aming mga classmate na nakatingin kung sino ang sisigaw. Para bang inaantay nila kung sino ang unang susugod. 2nd section kami kaya siguro naninibago sila sa ganitong away. Sa lower section lang kasi may ganitong eksena.
DEN POV
Pakiramdam ko namumula na ako sa galit dahil sa pinagsasabi ni AL na kupal. Nagsorry naman ako pero sinabihan pa akong tanga? Baka gusto nyang ihambalos ko lahat ng medal at awards kong natanggap. Valedictorian tong kausap nya, sinong tanga? Eh gago pala siya eh.
Di pa ako nagalit ng ganito sa school. Tulad nga ng sabi ko naawardan pa nga ako na "pinakamahusay makisama". Kaya lahat kasundo ko at kaibigan ko ang lahat. Ewan ko nga lang ngayon.
"nuno" sigaw nya
"kapre" sigaw ko
Napansin kong nakanganga na ang mga classmate namin sa sobrang pagkagulat. Ano to? DOTA? LOL? Palitan ng trashtalk? Di ko sya uurungan. Sabi nga ni mama, "kapag nasa tamang katwiran,ipaglaban mo". Aba teka palabas un sa TV ha?. Back to the ball game. Magsasalita na sana ako ng biglang may pumalakpak.
"magaling magaling magaling" sambit ni mam Vicky habang pumapalakpak.
"ang cute ng magbestfriend" sabay nakangiti samin.
Lalo tuloy napanganga ang aming mga kamag aral. Napaisip sila sa sinabi ni mam Vicky. Nagtinginan sila at nagtanungan
" magbestfriend pala sila eh" bulong bulungan ng mga nasa paligid naming. Nagkatitigan naman kami ng masama ung tipong ang kumurap patay? Agad namang nagsalita si mam
" okey children kain na kayo hayaan nyo na ang dalawang Valedictorian na magtalastasan"
Halatang nagulat ang lahat. Nanlaki ang mga mata nila. Di naman nagulat si Judith at Jonas dahil schoolmate ko sila dati. Tinignan ko si Mik at Mae na wala ring reaksyon. Mukang alam din nila.
"mam ano po?" sigaw ng isa naming kaklase
"aba maglinis ka nga ng tenga. Eto bente bumuli kang cottonbuds" biro ni mam Vicky
"hindi nyo ba alam na class valedictorian si DENMARK sa Olivarez 2 ES at ganun din sa ALJON sa Olivarez 1 ES. Di nyo ba sila friends sa FB? Kayo talaga mga taga bundok hahaha?" tawa ni mam Vicky habang nakanganga naman ang mga kaklase naming.
"may sapak ba yang si mam?" bulong ni Judith kay Jonas
"mukang malakas" bulong ni Jonas kay Judith
Agad namang kumalma ang lahat nang umalis si mam na patuloy sa pagtawa. Agad namang tumalikod si Aljon na may matulis na tingin. Malapit na sya sa pinto nang bigla syang lumingon at sinabing "Di pa tayo tapos Bestfriend" nang nakangisi. Para bang nangaasar.
Napangisi naman ako pagtalikod nya. Kupal to bestfriend? baka best enemy kamo?. Pero ang natutuwa ako. Mukang magiging interesting ang taon na to sakin. Magiging challenging ito ngayon pa at nalaman ko na pareho kaming Valedictorian ng aming respective school. At nasa history na ng aming bayan na mortal na magkaaway ang aming school. Nakaramdam ako ng resposibilidad at pride para sa dati kong school.
"mga tropa lalaban tayo. hindi pwedeng tapak tapakan nila tayo. go Olivarez 2 ES. go Tigers" sambit ko kay Judith at Jonas habang nakatingin sa kisame.
"malala na rin ang sapak neto" bulong ni Judith
"naku po" bulong ni Jonas habang hawak ang noo
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...