MARK POV
ROOM 201 (Jon's Unit)
Tok tok tok
Kanina pa ako dito ha? Wala namang nasagot. Nakakaasar. Alam kong may tao kasi bukas ang ilaw at may naririnig ako sa loob. Di kaya pinagtitripan lang ako neto? Tadyakan ko na kaya tong pintuan para mapasok ko na at matapos na lahat to. Maya maya may narinig akong yabag hudyat na papalit na sya para buksan ang pintuan.
Tumambad sa aking ang isang lalaking nakatapis ng tuwalya. Alam kong matangkad na ako sa 5'11 pero poste na sya sa tangkad na 6'3. Basa ang buhok nito at pinupunasan nya ng tuwalya. Batak na batak ang katawan nya. Kitang kita ang biceps nyang namumukol. Perfect shape din ang kanyang chest halatang alaga sa gym.Malapandesal naman ang mga abs na nakakabit sa kanyang tiyan. 6 packs abs. pero ang nagagaw sakin ng pansin ay ang mga mata nyang singkit. Chinito, ang lakas dating. Sandal akong natulala. Pinagmamasdan ang isang perpektong taong nakatayo sa pintuan.
"hoy hanggang ilang oras kang tutunganga dyan? Pasok dali" padabog nyang utos sakin
Agad akong nakabalik sa aking katinuan.
"ahhh ehhhh sorry po" hingi ng paumanhin at agad na pumasok.
Maganda ang loob ng kwarto nya maaliwalas at maayos. Tadtad ng mga poster ng basketball. Marami rami din ang mga medalya at trophy na nakadisplay. Organized ang lahat. Di bagay sa taong nakatira na masama ang ugali at mainitin ang ulo.
"ano bang paguusapan natin?" tanong ko sa kanya
"sandali magbibihis lang ako" pagsusungit nya sabay muling pumasok sa banyo. Mukhang nasira ko ang umaga neto ha? Hahaha buti nga sa kanya.
Napaupo ako sa study table nya. Nagaantay. Badtrip naman oh. Imbis na makakapaglaba na ako eh. Afte 5 mins wala pa din. 10 mins, 15mins, 20 mins. Shit nalunod na kaya yun sa loob. Maya maya narinig kong bumukas ang pinto.
"pwede pong pagusapan na natin yung sinasabi mo. maglalaba pa kasi ako eh. Isang set lang tong uniform ko eh." Mahinahon pero naasar kong pagmamaktol ma kanya. Sayang na sayang ang oras ko sa taong to. Nakakainis.
"e di umalis ka para makarating sa dean yung kagaguhan mo" sarkastiko nyang pagbabanta.
"ahhhh ehhh gusto ko lang kasi maaga matapos napagod kasi ako dun sa practice kanina. Sorry sa tono ng pagsasalita ko" pagpapakumbaba ko sa kanya. Nakakatakot nanaman ang mukha nya parang may gagawing masama.
"hmmmm gusto kitang gawing utusan" straight to the point nyang pagsabi.
Nagulat ako. Utusan? Aalipinin ako? Naalala ko sya. Ang taong unang nang alipin sakin. May resemblance silang dalawa sa ugali at sa trip nila sa buhay. Nababadtrip ako pagnaalala ko sya. Pagnaalala ko ang sinabi nyang masasakit na salita.
"wala ako sa mood makipagbiruan sayo" pagalit kong asta sa kanya. Agad akong tumayo upang pumunta sa pinto upang makaalis na sa lugar na itong nagpapalala sakin sa lalaking unang minahal ko at unang taong dumurog ng puso ko. Mabilis nyang nahawakan ang kamay ko at pwersahan akong sinandal sa pader. Gamit ang kanyang braso, diniin nya ito sa aking dibdib dahilan upang di ako makatakas. Malakas sya. Masasabi kong hubog din ang katawan ko sa regular na pagggym pero di ko maitulak ang braso nya kahit gamit ko na ang dalawang kamay ko.
"bata wag kang padalos dalos ng pagsasalita. Magiging utusan kita sa ayaw mo o gusto." Kalmado pero alam mong nagngingitngit sa galit ang taong bumigkas ng mga salitang yun. Matutulis ang tingin nya. Bumilis ang tibok ng dibdib ko nang dahan dahan nyang nilapit ang bibig nya. papalapit ng papalapit sa tenga ko. Shit. Mukhang tinatraydor ako ng puso ko.
"gugustuhin mo naman kasi magiging masaya to" bulong nya. Ramdam ko ang init ng hininga nya sa bawat salitang binibitiwan nya.
Medyo lumuwag ang pagkadagan nya sa dibdib ko dahilan para mahawi ko sya.
" ahhhh ehhhh sige una na ako. Text mo nalang sakin yung detalye nung paguutos mo. manonood pa ako ng meteor garden eh." Pagmamadali kong sabi sa kanya. Pinagpawisan ako ng malapot dun.
"ang corny mo naman. Pangbading yun eh. Oh sya sige. Antayin mo text ko ha?" wika nya bago pa naman ako makalabas ng kanyang unit.
Pagkasarado ng pinto agad akong napasandal dito. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko. Shit baka namula ang mukha ko. Nakakahiya.
"ay shit meteor garden na" naalala ko pero bago pa man ako nakaalis ng pinto ay may narinig akong tugtog na pamilyar.
For you For you
gěi nǐ quánbù wēnróu
péizhe nǐ zǒu zài nǐ zuǒyòu
bùguǎn rènhé shíhòu huítóu
For you
gěi nǐ zhěnggè yǔzhòu
teka......
parang theme song yun ng meteor garden ha? Naririnig ko mula sa kwarto ni kumag. Tarantado yun? Pang bading pala ha? Kaya pala di na nya ako kinulit nung palabas na ako. Hayup na yun.
ROOM 202 (Mark's Unit)
"boss may nagtext"
Ang corny naman ng ringtone netong phone ko. Namamatay matay pa yung battery di makagamit ng matino. Mukhang matatagalan pa ang allowance ko na padala ni tita tapos sakto pa yun sa mga gastusin ko sa school. Ano ba yan? Nakakurat.
Oy text galing kay kumag.
"oi tukmol" hayup na yun. Kung makatukmol wagas. Sabagay tinatawag ko nga siyang kumag eh. It a tie hahahaha. Binigay nya ang mga kundisyon nya bilang alipin nya.
Rule#1 Call me "MASTER"
Rule#2 Master First
Rule#3 You are Master's property
Rule#4 Bawal saktan si Master, si master lang pwedeng manakit
Nabitawan ko ang phone ko. Alam ko tong mga rules na to. More than 10 years na pero tanda ko to. Natulala ako. Naisip ko sya. Ang bestfriend kong si.......
Hindi. Imposible. Matagal na syang wala. Nasa America na sya. Malamang may pamilya na yun dun at namumuhay ng tahimik. Di pwedeng sya. Baka nataon lang. uo nataon lang to. Pilit kong sinisiksik sa isip ko na hindi sila iisa. Wala sya matagal na at dapat magmove forward na rin ako.
"yun lang ba? Master?" reply ko sa kanya. Nagmaangas ako para malaman nyang di ko sya uurungan.
"Good. Will see tomorrow" reply back nya. Kinakabahan ako ha? Baka pahirapan ako ng kumag na yun ha?
Tapos na ako maglaba ng damit at malinis ng kwarto. Napagod ko. Maya maya nakaramdam ako ng antok. Oras na ng pagtulog.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...