DEN POV
Nagulat ako sa aking nakita.
Si Kupal pala. Sabi na nga ba eh, pamilyar ang boses at tindig eh.
Gusto ko syang awayin, sigawan at suntukin sa ginawa nya sakin. Muling bumalik lahat ng ginawa nya sakin kahapon nung nakita ko ang pagmumukha nya. kaso, di ko magawa. Nandyan kasi sila mama at papa. Ayokong Makita nila ako na ganun ang asal. Pinalaki nila ako na may respeto at paggalang sa kapwa kaya ayokong madisappoint sila sa naiisip kong gawin. Nakita ko rin naman na di sya masama makatingin. Ung tingin na may maamong mukha. Kaya naninibago ako. May kakaiba sa kanya ngayong araw. Kaya agad ko siyang sinagot sa tanong nya.
"tungkol saan ba ang paguusapan natin?" tanong ko sa kanya na may kalmadong tono
"ahhhh ehhhh ano? Tungkol sa? Sa research natin" nabubulol nyang sagot.
Muntik na akong matawa sa sagot nya. Halatang natataranta na naguguluhan na ewan. Parang di sya sigurado sa salitang bibitawan nya. Parang nahihiya niyang sabihin. Kaya pinagtripan ko pa sya para makaganti. Alam ko namang nandito sya para humungi ng tawad sakin eh. Nakikita ko ung sa mukha at kilos nya.
"ahhhhh dun ba? Payag naman ako na ikaw na ang gumawa. Alam ko naman kasing makakaya mo yun ng wala ako. Baka kasi makasagabal pa ako sa gagawin mong diskarte sa paggawa" paliwanag mo
"hindi. Kailangan kita!" bigla nyang banat
Nagulat ako. Parang iba yun ha? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ko nararamdaman yun. Bakit ngayon pa? at bakit sa kanya?
"ano?" agad kong tanong sa kanya
"ahhhh ehhh ikaw. Kailangan kita sa paggawa nung ano. Ng research natin." Nabubulol nanaman nyang paliwanag.
Kupal talaga eh. Parang gago kausap Hahaha. Nakakatuwa kasi namumula na ung mga pisngi nya halatang nahihiya. Yan ang hirap sa mga mapuputi eh. Hahaha. Patuloy ako sa pantitrip sa kanya.
"di na kaya mo na yan. Sige ha? Marami pa akong gagawin" paalam ko sa kanya sabay talikod para pumuntang kusina.
Akmang aalis na ako ay bigla syang nagsalita.
"teka Epppp- este Den" pabulol nyang tawag
"bakit?" kalmado kong tanong
Napayuko sya na parang balisa. Parang di mapakali.
"so...so....soorry nga pala kahapon..." pabulol niyang sagot. Narinig ko naman pero kunwari hindi para naman lakasan niya Hahaha.
"ano?" muli kong sagot.
"sabi ko sorry" sagot nya na mahina at padabog habang umiiwas ng tingin sakin.
Loko tong kupal na to ha? Sya na nga may kasalanan eh padabog pang magsorry. Dun ko napagtanto na mataas ang pride nya. Kaya hirap na hirap syang banggtitin ang mga salitang yun.
"alam mo kung bubulong ka lang sa hangin eh aalis na ako marami pa akong gagawin eh. Enjoy nalang your meal sir" pasinghal kung sabi. Narinig ko naman pero gusto ko lakasan nya at humarap sya sakin. Harapin nya ako tulad ng ginawa nya sakin nung sinuntok nya ako.
"sabi nang sorry eh !" sigaw nya. Bigla syang napatayo at tumingin sakin. Tinitigan nya ako. Napatingin ang mga tao kasama sila mama at papa na bakas sa mukha ang pagkagulat. Sa tagpong yun, nagkatinginan kami mata sa mata. Parang huminto ang oras. Parang walang ibang tao sa paligid. Parang kami lang DALAWA.
AL POV
Sinigaw ko sa kanya ang paghingi ko ng tawad. Hirap na hirap ako. Tulad nga ng sabi ko wala akong dapat ihingi ng tawad dahil late sya tapos sinipa nya pa sakin ung bola. Wala din talaga sa bokabularyo ang salitang SORRY pero pinilit ko. Kinaya ko. Sa tagpong un parang huminto ang lahat. Wala akong ibang nakita kundi ang mata ni Epal at ang maamo nyang muka. Walang iba yun lang.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Storie d'amoreminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...