AT RESTAURANT
JAMES POV
Kahit naaasar ako dahil talkshit sya kagabi,di ko pa rin naresist ang cuteness nya. Hayts naku naman. Lakas ng tama ko dito kay Mark. Nagsorry sya na hindi sya nakababa dahil inantok na din sya ng mga oras na yun. Uo. Aaminin ko nagselos ako nung niyakap ni Jon si Mark. That bastard. Alam ko naman at ramdam ko na gustro nya din si Mark lalo pa matagal na pala silang magkakilala.
"So totoo yun?" tanong ko kay Mark habang makatabi kami at kumakain ng breakfast.
"ang alin sir?" Mark asked while chewing his food.
"na.... bestfriend kayo ni Jon" wika ko. Biglang nasamid si Mark. I immediately gave him a glass of water. Mukhang nabigla sya sa nasabi ko sa kanya. After nyang uminom ay huminto muna siya at di umimik.
"ahhhh ehhhh uo sir. Magbestfriend kami noong junior high hanggang senior highschool namin. Mga 6 years din kami nagsama at magkakilala. Kahapon ko lang nalaman na sya pala ang bestfriend ko. Almost 6 years na kasi since nung huli namin" paliwanag sakin ni Mark
"eh bakit parang nagkakailangan kayo kagabi? Di ba dapat excited kayo na makita ang isa't isa?" usisa ko sa kanya.
"ahhhhh eeehhhh mahabang kwento eh. Tara kain na tayo lumalamig na tong inorder natin oh." maikli niyang sagot.
Ayoko na syang tanungin ng mga oras na yun. Para kasing di sya komportable, parang naiilang syang pagusapan ang topic na yun between him and Jon. Ang pinagtataka ko lang ay ang kinikilos ni Jon. Di sya ganyan kahit kanino. Napakaclingy nya, actually parang sweet nga ang dating nya toward Mark eh. Kung makayakap sya kay Mark ay may something. Yung yakap na may laman. I don't know. Naguguluhgan na tuloy ako if Jon is still straight or what.
"so excited ka na ba sa pageant?" tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan.
"ahhhh ehhhhh di pa nga eh. Baka kabahan ako at makalimutan ko ang step ng opening production namin. Patay ako nyan. Magkakalat ako sa stage Hahaha" sagot nya. Medyo okay na ang mood nya buti nalang
"anu ka ba? Kaya mo yan ikaw pa ba? Sa totoo lang you stand out among all the candidate. Siguro 2nd runner up ka sa College of Law hahaha" biro ko sa kanya.
"Hahaha nasabi mo lang yan kasi College mo yun Hahaha. Loko ka talaga sir James" sagot nya sakin. He is cute especially when smiling. That sincere and innocent look of him. I want to maintain that smile and happiness. And I am hoping na sana sakin nya matagpuan yun
AT MEDICINE STUDENT'S ROOM
RUDOLF POV
Medyo nagtataka na ako dito kay Boss Jon. Alam ko kilabot ng mga chicks to. Astig sya pagkasama ang mga bebot nya. Sa loob ng isang taon naming magkaibigan, never ko sya nakitaan ng sobrang clingy at sweet sa isang tao. Ang matindi pa neto sa isang lalaki pa. kung tutuusin maton na maton tong si Boss. Parang di lang ako sanay na magiging ganun sya sa isang lalaki. Kilala kasi tong basag ulo lalo na pag may laro sila ng basketball at nanggugulang na ang mga kalaban. Nakow asahan mong may mapuputukan ng nguso.
matagal nya nang kinukwento sakin ang bestfriend nya kaya naiintriga ako pero who would have thought na makikita at makikilala ko sya with a twist. Iba talaga ang tadhana kapag nakipaglaro. Sa totoo lang, rinding rindi na ako sa kakakwento nya tungkol sa bestfriend. Minsan out of no where bigla bigla nyang mababanggit si Epal. but now na nagkita sila parang may iba? Di ba dapat excited sila at sobrang close since matagal silang di nagkita.
"boss may tanong ako? Wag kang magagalit ha?" panimula ko kay Boss Jon. Nakahiga at tila nagmumuni muni pa. tahimik si tanga. Nagsesenti mukhang inlababo nga hahaha
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Roman d'amourminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...