Mam Vicky POV
During class discussion.......
Nakakalerkey naman tong dalawang to. Dapat sa 1st section sila mapunta eh. Sa galing nilang dalawa. Kung sabagay, puno na kasi dun na 20 students lang inaaccomodate. Mostly mga galing pa private school. Kaya alam nyo na. malakas ang mga yun sa senado. Charot hahaha
"what is chemical symbol of potassium?" tanong ko
Tumaas ang kamay ni Denmark at Aljon. Pero nagawa kong tawagin si Denmark upang sumagot.
"K which came from kalium po mam" sagot ni Denmark nang nakangiti
""may tama ka!" biro ko at nagtawanan ang lahat. Kalog ako at ayoko ng seryosong klase.
Aba teka bakit etong si Aljon ay hindi natawa? Corny ba ang jokes ko? End of career na ba itech? Anyways...
"what is the chemical name of W?" muli kong tanong
Again, tumaas ng kamay ung dalawa. Ung totoo? Dalawa lang ba silang magaaral ko. Nakakaloka. Tinawag ko naman si Aljon para fair.
"tungsten or rather wolfram" sarcastic nyang sagot.
Napabulong tuloy ako sa aking sarili."aba pati ung dating chemical name alam nila. Baka palitan ako ng dalawang to huhuhu?"
"haler baler ung iba naman baka gusto nyong makilahok sandok. Hahaha" joke ko.
Sabay nagtawanan ang lahat except na naman kay Mr. Chinito Aljon. Pogi sana kaso supladong ewan. But still mga estudyante ko sila at ako ang kanilang teacher at gagawin ko ang lahat para may matutunan sila lalo na sa hamon ng buhay. Charet. Drama no? hahaha
Actually pansin kong opposite na opposite silang dalawa. Im talking about Aljon and Denmark. Mr. Dark and Handsome ung isa, ung isa naman si Mr. Chinito. Both of them do attract many girls here and in other sections. Si Denmark na mala batang "Richard Gomez." palakaibigan at palangiti. Yun ang gusto sa kanya ng mga girls. Malambing sya at matulungin. No wonder he was given an award as "pinakamahusay makisama" plus factor pa ang valedictorian status nya in elementary days.
On the other hand, si Aljon naman ay may pagkamisteryoso. Tahimik pero matinik sa academics. Chinito na parang batang "Richard Yap" kaya lahat ng girls kulang nalang maglulupasay plus factor pa ung tangkad at build nang katawan nyang manly talaga. Player pa siya ng basketball kaya ang daming fans.
Both of them have the looks and the brain. I am looking forward sa career netong dalawa sa DMHS.
"guys announcement nga pala. Nag open na lahat ng clubs. So if you want to join just fill up their forms and submit it to them. Masayang sumali sa mga ganun plus dagdag grade pa yun as extracurricular activity. Kaya join na hahaha" ang saya saya no.
"October is our foundation day and we will be having our Mr. and Ms. DMHS 2018. So hopefully may sumali sa inyo Aljon at Denmark" sabay hiyawan ng buong klase na agad ko namang sinaway. Biglang nagliwanag ang brain ko. Imanage ko kaya tong dalawa para kumita ako hahaha. Sa Star Magic bet? Pero imagination ko lang yon hahaha
"ano? Excited excited?" tanong ko sa kanila. Nagtawanan ang lahat.
"Before that, acquaintance party will be on August so be ready" natuwa naman ang mga mokong.
After a few minute, biglang nagbell na hudyat ng uwian
"okey class don't forget your home work okey? Huli kong paalala.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...