Part 9: Angelic Smile with Demonic Fist vs. Killer Smile with Iron Fist

2.4K 82 7
                                    


DEN POV

Kinaumagahan.....

Nagising ako bigla. Bumalikwas ako sa kama hindi dahil sa ingay ng tawag ni mama, dahil sa lakas ng busina ng isang sasakyan. " sino na naman yun? Ang aga aga eh." Sabi ko sa sarili. Agad namang may kumatok sa pinto at tumawag si mama.

"Den. Nanjan si Al yung bestfriend mo kanina ka pa inaantay. Gising na" sigaw ni mama

"opo sige po" sigaw ko din

Isa pa to si mama eh nakikibestfriend din eh.

Agad akong bumangon para sabihing antayin nya ako. Usually naka boxer lang ako at walang pantaas. Komportable ako dito total nasa bahay lang naman ako eh. Agad kong kinuha ang tuwalyang nakasampay sa hanger at isinabit sa aking balikat.

AL POV

Namangha ako sa lalaking lumabas sa isang kwarto. Kita ko ang kanyang kakisigan. Kitang kita ang hulma ng mga muscle nya sa braso at balikat. Bakas din ang dibdib nya at 4 na abs nya. Pansin din nya ang maamong mukha ni Den na animo isang anghel na topless. "Angelic Smile pala tong si Epal" bulong sa sarili. Biglang kumabog ang dibdib ko. Mas maganda kung tutuosin ang katawan ko sa kanya pero bakit ganun pa din ang pagkamangha ko? Maraming naglaro sa utak ko nun. humahanga ba ako o naakit na kay Epal? Nakakaroon na ba ako ng pagtingin sa isang lalake? May problema na ba sa pagkalalake ko?

At ang mabigat na tanong. Isa na ba akong bakla?

Agad kong winaksi sa isip ko ang lahat. "humahanga lang ako. Natural lang yun." Isip isip ko.

"oi wait lang ligo lang ako" banggit nya at muling pumasok sa loob.

Napako ako ng tingin sa pinto kahit wala na sya.

After 30 mins lumabas na sya.

Iba na naman ang tingin ko. Parang nagdidilim. Alam na alam nya naman na ayoko ng pinaghihintay eh. Buti nalang walang bola dito kung hindi hahalik sya sa bola ng basketball. Napansin ata ni Epal ang pagsalubong ng kilay ko. Kaya agad etong nagsalita.

"oh kalma lang may atraso ka sakin kaya di ka pwedeng magwala" biro nya sabay tawa

Ngumisi nalang ako at bumulong. "lagot ka sa bahay mamaya"

Agad naman sya nagpaalam sa mama niya ganun din naman ang ginawa ko. Sumakay na kami sa kotse. Agad ko naman sinabi kay mang kanor na babalik na kami sa bahay. Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat nang malaman nyang may driver kami.

"ang yaman nyo pala Kupal. May driver ka pa at ang ganda ng sasakyan nyo. E bakit mo naisipang magaral sa public school? Kung tutuusin kayang kaya mong magaral sa isang mamahaling paaralan?" tanong nya nang may paghanga

"eh si daddy lang eh. From elementary to college sa public school siya nagaral, kaya yun. Gusto nya raw maranasan ko kung paano magaral sa public school. Kasi sa public school may challenge, walang VIP kung ano ang nandyan eh yun lang yun. You can't demand kasi libre at walang bayad ang pagpapaaral" paliwanag ko sa kanya.


Muli kaming natahimik. Di ko maiwasang mapatingin kay Epal at sa maamo nyang mukha. Iba ang pakiramdam ko habang magkatabi kaming nakaupo sa passenger seat ng kotse. Ano kaya itong pakiramdam na ito? Naguguluhan ako.



After 30 mins na biyahe ay narating ng dalawa ng bahay ni AL.

Muli nanamang namangha si Den sa laki at ganda ng kanilang bahay. Tila ba mansion sa lawak . bumusina ang sasakyan sa gate na may kulay black na railings. Agad itong binuksan ng isang security guard na nakatoka sa kanila. Pagkabukas ng gate ay bumungad ang mansion na may koi pond. Tanaw din mula doon ang swimming pool. Agad silang pumasok sa loob upang magawa na kagad ang project na pinapagawa ni Mam Vicky. Tumungo sila sa 2nd floor ng bahay para tumungo sa kwarto ni AL. umikot ang mata ni Den sa kwarto ni AL. puno ito ng mga poster ng mga sikat na PBA at NBA players.

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon