Part 10: Pustahan

2.6K 94 14
                                    

AL POV

"last 2 mins nalang. For sure idodouble team ka ng kalaban. Kaya Mond back up kay Al ha? Wag nyong hayaang mabakudan yan.pagkakuha ng bola, fast break kagad at ibigay kay Al" Bilin ni coach.

"yes coach" sagot nang malakas ni Mond

It was November league. Finals. Mahigpit naming kalaban ang FCHNS Scorpions. Sa score na 101-100, lamang ang kalaban medyo pansin sa mukha ni coach at ni mond ang pag aalala. Ako naman ay chill lang kasi 1st year ko palang naman dito at 1st major league sa junior high kaya okey lang. marami pang taon ang dadaan. Kampante lang ako nang Makita ko ang isang pamilyar na tao na nakaupo sa audience. Si Epal pala nanonood ng laban namin. Natawa ako sa pagsigaw nya sakin.

"Kupal pag natalo kayo, okey lang yun bobo ka naman maglaro eh. Hahaha" pangaasar na sigaw nya.

Napatingin ng masama tuloy ang mga estudyante sa paligid na kaschoolmate namin. Siguro sa isip isip nila "taga DMHS yan ha? Kampi ba yan sa kalaban?". Nainis din ang cheering squad ko. Mga chicks na naghahabol sakin. Nagtaka din si coach kasi alam nya close kami ni Epal pero un ang sinigaw nya. Natawa nalang ako.

"ayos ang bestfriend mo ha? Very supportive. Hahaha" wika ni coach

"di ba tol sya ung sumipa ng soccer ball sa ulo mo?" tanong ni Mond

Nakita ko ang pagkabigla sa mga kateammate ko. Wala kasing nagtatangkang kumalaban o kumanti sakin. Isang "KILLER EYE" ko palang sa kanila, nanginginig na ang mga tuhod nila. Eh yung saktan pa kaya ako?

"uo sya yun. Gago yan eh" sabi ko nang nakangiti.

Agad din naman akong sumigaw. Di ako magpapatalo. Hinamon ko din sya.

"fuck you ka Epal!. Pagnanalo kami gagawin kita alipin ng isang linggo. Deal?" pasigaw kong sabi

"Deal. Pag natalo ka, ikaw ang magiging alipin ko" sigaw ni Epal pabalik

"Ge Deal. Ang di tumupad walang bayag at mababaog" sigaw ko.

"uo na Deal na. dami netong sinasabi magsisimula na ung game oh" sigaw nya.

Pumito ang referee. "back to the ball game" announce ng committee.

Kabado ang lahat. Tipong makapigil hininga ang mga audience. Di ako pwedeng matalo dito ayokong maging alipin ng Epal na yun. Sa totoo lang ginawa ko yun para maboost ako. The more na nachachallenge ako, the more na gumagaling ako. Di nga ko nagkamali. Feeling ko kakasimula pa lang ng laro kahit 4th quarter na.

Biglang bumilis ang pagtakbo ko at nakuha ko ang bola mula sa kalaban. Halos dumagundong ang buong gymnasium sa mabilis na pangyayaring yun. Narinig kong nagtilian ang mga chicks.

"Go ALJON We Love You ALJON" sigaw ng fans club at personal cheering squad ko.

Nag countdown na ang announcer. Nasa half court pa ako.

5

4

3

2

Nasa 3-point line ako nang binato ko na ang bola. Sana pumasok. Kabado ako, hindi sa matalo sa laro, kabado ako kasi ayokong matalo sa pustahan at maging alipin ng isang linggo.

1

Biglang umugong ng malakas ang buzzer........

DEN POV

"uo na Kupal. Taenang to oh. Bitbit bitbit na nga eh" inis kong sabi.

"wag ka ngang babagal bagal. Naiiwan na tayo ng team oh? Tsaka Master na ang itatawag mo sakin simula ngayon nagkakaintindihan ba tayo?" nakangisi nyang sabi habang nakakiller eyes.

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon