Part 11: Halik by Aegis

2K 69 6
                                    

AL POV

Lumipas ang ilang araw, buwan at taon. Grade 10 na kami. At as usual, sanggang dikit parin kami netong si Epal. Lagi pa rin kaming magkasama, nagaasaran at nagkakabalyahan. Nagbago na rin ang aming mga pisikal na katawan. Ako ay umabot na sa 6 flat ang height mas lalong naging bulky ang katawan kasi nagggym na ako para naman lumakas ang resistensya ko sa basketball. Ganun din si Epal. Tumangkad na sya kahit mas matangkad ako. 5"10 sya at masasabing "TALL DARK AND HANDSOME" na sya. Maganda na rin ang katawan nya. Although di kasing laki ng sakin eh masasabi kong athletic body na sya na may 6 packs abs. halatang batak din sya sa gym dahil sa braso at balikat nyang malapad.

Sobrang close na kami to the point na sabay na rin kami umuuwi. Inaantay nya ako minsan after basketball games at ganun din ako after ng soccer game nila. Minsan tuloy pa din ang pustahan pero madalas ako ang nananalo. Nananalo lang sya kapag DOTA 2 ang laban. Magaling din sya sa PS4 kahit nakikilaro lang sya sa bahay. Madalas syang natambay samin at ako din sa kanila. Minsan dun na ako pinapatulog sa bahay nila ng mama nya.

Pansin din ng lahat ang pagiging close namin to the point na tinatawag nila kaming "MAGSYOTA". Sabagay, 3years since nung huling nagkaroon ako ng girlfriend. Medyo akward kasi ayokong ng ganun? Pero may kung anong side ko ang nagsasabing gusto ko na si Epal. I think I'm in a gender confusion stage pero ayokong maging bakla. Dahil diyan niligawan ko si Kimberly, Kim for short. Nanalo syang Ms. DMHS last year. Alam kong crush nya ako dahil netong mga nakaraang araw eh nagbibigay sya ng motibo. Lagi syang nagchachat ng goodmorning at nangangamusta kahit di ko sya kinakamusta so I decided maybe it's the right time para magkasyota ulit. Para na rin matuldukan na ang nararamdaman ko kay Epal.

Naglalakad kami pa labas ng gate nang pinaalam ko kay Epal ang tungkol samin ni Kim

"ahhhmm bestfriend kong Epal" panimulang salita ko sa kanya. Di ko alam ang kanyang magiging reaksyon.

"bakit bestfriend kong Kupal" wika nya ng nakangiti sakin and as usual the "ANGELIC SMILE".When will I ever learn not to attract to that picture of him again and again.

"you know Kimberly? Yung nasa kabilang section?" tanong ko

"yup, yung Ms. DMHS last year? Why?" tanong nya.

"niligawan ko sya" pag amin ko sa kanya

"ahhh okey" maikli nyang tugon. Tila ba nawalan ng kinang ang mata nya. Also, there was a sudden change in his aura. The angelic smile also faded with his emotion.

"kami na" wika ko ng nakangiti.

"nice" wika nya ng nakangiti pero pilit.

"yun lang?" tanong ko na medyo nangungulit.

"congrat" emotionless nyang sagot.

Mangungulit pa sana ako pero bigla syang nagpaalam na may gagawin pa sya. Sabi ko sa kanya samahan ko sya pero ayaw nya. Uuwi din naman daw sya kaagad dahil napapagod na daw sya. Sa pagkakataong ito bigla akong nalungkot. Nasaan na ung bestfriend kong maligalig? Yung tipong parang ginagawang tubig ang extra joss sa sobrang energetic.di ko tuloy alam kong may masama ba akong nasabi o nagawa.

May kirot sa puso ko. Punong puno ng tanong.

DEN POV

Nagulat ako sila na pala. all of this time, kala ko walang lihim between us tapos biglang ganyan. To be honest, gusto ko si Kupal. Di ko alam kung silahis ba ako o bakla o kung ano man pero gusto ko sya more than friend or more than bestfriend. Sa takbo ng aming pagsasama, kala ko gusto nya rin ako. Hahaha at ang tanga tanga ko naman at umasa ako.

Nagmadali akong umalis upang makaiwas. Ayokong makita nya ang lungkot sa aking muka and worst ang makita nya ang namumuong butil ng luha sa aking mata.

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon