MARK POV
ROOM 202 (Mark's Unit)
"8am tom same venue. Don't be late"
Yan ang text na narecieve ko ng umagang yun mula kay kumag. Ang agang mabulaho ampota. Hmmmm akala ko ba 10am? Haytz namoove na pala? oh sya wala naman akong magagawa. Kailangang pumunta. Agad akong tumayo at bumangon. Dumeretso ako sa banyo para maligo.
Dumating ako sa venue. Pero walang tao. Hmmmm malalate ba sila? Nagantay ako hanggang 9am. Pero ni isang anino ng mga pageant staff at estudyante wala akong maaninag. San na ba yung mga yun? Nagpasya na akong itext si ruth para matanong kung nasan sya.
Mark: Ruth saan ka? What time punta sa rehearsal?
Ruth: mga quarter to 10am. Bkit?
Mark: e di ba 8am ang rehearsal?
Ruth: 10am noh. Anu ka ba?
Mark: sabi kasi ni Sir Jon eh
Ruth: ang text nya sakin ay 10am
Mark: oh sige salamat
Hayup na yun. Pinagtitripan ako. Dalawang oras pa akong magaantay dito. Humanda yung adik na yun sakin. Makakaganti din ako. antayin nya.
SA CAFETERIA
After ng Rehearsal...
"pstt oi alipin halika dito" tawag sakin ni Jon. Mukhang magpapabida na naman sa mga tropa nya. Talagang alipin ang tawag sakin. Agad naman akong lumapit. Ngiting aso. Kunwari masaya pero deep inside gusto kong paputukin ang nguso ng hayup na to.
"yes master" ani ko sa kanya na napipilitan.
"oh di ba masunurin tong alipin ko?" wika nya sabay ngisi. Proud na proud ang gago. Teka nga kailangan kong maka ganti.
"master mamaya ko nalang po sa inyo kukwento yung nangyari sa meteor garden kahapon. Kayo kasi, di nyo pinanood sayang ang ganda na ng mga tagpo" masaya kong wika ng nakangisi. Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat.
"teka tol nanonood ka ng Meteor Garden? Di ba pangbading lang yun?" pangaasar ng isa nyang kasama
"iwwww baduyyyyy" asar pa ng isa
Yan sige tama yan. Asarin nyo pa Hahaha. Nakaganti din sa wakas. Hahaha.
"ha? Ako di ako naonood nun. pangbading yun gago" ganti nya ng bulyaw sa mga nangaasar sa kanya. Pinagpapawisan na sya ng malapot. Halata sa mukha nyang nagsisinungaling sya Hahaha. Buti nga.
"wait lang mga tols bili lang kami ng pagkain netong alipin ko. Wala akong taga bitbit eh" paalam nya sa kanila.
"ou sige mukhang maguupdate ka ng nangyari dun sa meteor garden Hahaha" asar ng isa.
"Hahaha tapos tol kwento mo samin yung nangyari ha? Hahaha" pangaasar pa ng isa.
"mga gago" irita nyang wika
Agad nya akong inakbayan. Ang tangkad nya. Hanggang balikat lang ang ulo ko. Nang makalayo layo na kami unti unting simisikipk ang akbay nya. Naiipit na ng braso nya ang leeg ko. Alam ko na to. Hahaha. Agad kong hinawakan ng dalawang kamay ng brasong pilit na sumasakal sakin. Pero shit nanghihina ako sa bango nya. Ramdam ko din ang tigas ng kanyang mga dibdib.
"you son of a bitch. Gumaganti ka huh. Anong pinagsasabi mo dyang meteor garden? What the hell was that? Pinapahiya mo ako sa mga tropa ko ha? Sawa ka na ba sa buhay mo?" kalmado pero alam kong naiinis na sya Hahaha.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...