AT THE COTTAGE
DENMARK POV
Sumenyas sakin si Rudolf para pumunta sa kanila. Agad naman akong tumayo at sinundan ni James. Nakita kong lasing na lasing na si Kupal.
"Mark hatid mo na tong si Boss Jon sa kwarto nyo. Ang kulit na eh ang daldal tapos sinasaktan na ako oh. Ginawa ba namang tubig ang alak. Kung di naman isa't kalahating tanga eh." Wika ni Rudolf. Matapang na sya magsalita kay Kupal. Lasing na kasi eh pero pag magkasama sila boss ang turing nya dito. Nakita kong di mapakali si kupal sa sobrang lasing. Paling sa kaliwa. Paling sa kanan. Parang natatae na ewan.
"tara mark hatid na natin para makapagpahinga na sya tapos balik nalang tayo dito sa cottage." Yaya din ni James sakin. Sasang ayon na sana ako kay James ng biglang tumayo si kupal at yumakap sa akin. Pota ang clingy nya habang yumayakap. Kinukuskos kuskos nya pa ang ulo nya sa leeg ko at humuhigpit ang yakap kaya di ako makahinga.
"bumitaw ka nga di ako makahinga" reklamo ko.
"aaaayaaaaww di....too... lang ako sha.... Beshhh... beshhhfriend ko..." pasigaw nyang sabi. lango na sya magsalita. Pota tinawag nya akong bestfriend. Anong sapak ng gagong to. Nakita ko ang pagkagulat ng mga tao sa paligid lalo na si James at Rudolf. Agad akong kumawala sa kanya at pinilit syang umupo.
"so ikaw pala yun? Si Epal na laging binabanggit sakin ni Jon? Ikaw yung bestfriend nya nung highschool kayo. " tanong ni Rudolf. Shit mukhang may naikwento na sya kay Rudolf. Kinabahan ako sa mga tagpong yon. Alam din kaya nya ang nagyari samin ni Al 5 years ago.
Wala akong imik. Di ko sya masagot. Para matapos lang ang mga eksena, agad na akong sumangayon kay James para ihatid si Kupal sa kwarto namin.
AT THE BEDROOM
Inalalayan namin si kupal upang maihiga ng maayos. Mukhang mahimbing naman ang tulog kaya agad akong niyaya ni James para bumalik sa cottage. Laking gulat ko ng bigla akong hawakan sa braso ni Al. napahiga kami pareho sa kama. Agad siyang yumakap sa likod ko.
"hhuuwaaagggg moo... akooong iwaaannn"
Lasing na talag tong hayup na to. Ang gulo na magsalita. Nakahiga kami ni Al nang napkatingin ako kay James.
"Sir James patulugin ko muna to susunod nalang ako sa baba kapag okay na to" paalam ko sa kanya.
"sige sunod ka ha? I'll be waiting for you at the cottage" wika ni James
"sige sir salamat" ani ko bago sya umalis pabalik sa cottage.
Nasa ganong posisyon lang kami. Rinig ang tunog nang Videoke sa taas. Malapit lang kasi ang room namin sa cottage na pinupkwestuhan ng mga event organizers. Nagulat ako ng marinig ko syang maya't maya ang singhot. Kala ko sinisipon lang sya. Pero nararamdaman kong may basa sa likod ko. Shit naiyak si Al. ano nanamang problema neto. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko upang harapin at makita sya pero ang higpit ng pagyapos nya para bang ayaw nyang makaalis ako upang makita syang umiiyak. Ramdam ko ang mga biceps nya nakayapos sa dibdib ko. Kahit kailan talaga bilib ako sa pride ng taong ito. Kahit kailan talaga ayaw nyang ipakita ang kahinaan nya. Mahina pero ramdam mo ang hikbi nya mula sa likod ko.
"Den sorry" narinig ko mula sa kanya.
Nagulat ako sa aking narinig. Yun pala ang iniiyak nya. Iyon ang guilt sa puso nya sa nakaraang nang yari samin.ramdam ko ang bigat na nararamdaman sa bigat ng hikbi at nababasang damit ko na galing sa kanya limang taon nang nakakaraan. Maya maya'y nawala ang higpit ng kayang pagkakayakap at kayang paghikbi. Mukhang nakatulog na sya. Gumalaw ako paharap sa kanya. Nakita ko ang maamong mukha nya at isang butil ng luhang tumulo mula sa mata nya. Nakita ko ang sinseridad nya. Di lang pala ako ang nagdala ng bigat na to sa loob ng mahabang taon. Pati din pala sya di rin pala ako nakakalimutan. Namuo ang konti ngiti sakin mga labi. Sana makapagusap kami paggising nya bukas para magkaroon na ng linaw ang nakaraan.
ALJON POV
Damn. Ang sakit ng ulo ko. Mukhang napasagad ang inum ha? Ano bang nangyari kagabi. Agad kong minulat ang mata ko. Walang tao sa kwarto. Saan kaya natulog si Den? Di kaya pumunta sya sa kwarto ni James. That bastard.
Suddenly biglang may kumatok sa pinto...
Agad kong binuksan ang pinto. Hoping na si Den yun. At tulad nga ng sabi ng iba. Never expect masasaktan ka lang. si Rudolf pala yun. Ngiting aso ang loko. Anong sapak neto?
"good morning master, how was your night?" sarcastic niyang tanong.
"I'm good" maikli kong sagot
"I'm good? Yun lang? oh come on spit it out" pagpupumilit nya. Anong problema neto?
"ano ba dapat ang isagot ko?" tanong ko sa kanya.
"wala. Kala ko kasi since nahanap mo na si bestfriend mong epal eh magiging optimistic ka na sa buhay Hahaha." Wika nya
Nagulat ako. Pano nya nalaman na nakita ko nang muli si Den? Kinabahan ako sa mga pinaggagagawa ko kagabi mukhang nadaldal ko ang lahat.
"bakit ano ba nangyari last night?" tanong ko. Damn nakakahiya ito pagnagkataon.
"well... you were drunk" maikli nyang sagot.
"then.....?" tanong ko.
"then you suddenly hug Mark and the best part was your so clingy, kung di kita kilalang chickboy, iisipin kong gusto mo si Mark Hahaha" sagot nya
"gago" sabay batok sa kanya. Sinabi ba nyang niyakap ko si Den? Damn nakakahiya.mukhang in public ko pa ata nagawa yun.
"nakita mo ba si Den?" I asked out of nowhere.
"uuuyyyy miss nya na kaagad buong gabi na nga kayo magkasama eh" pang aasar nya
"loko hinahanap ko lang. bakit di na sumunod sa inyo?" tanong ko.
"uo ihahatid ka lang dapat nung dalawa kaso ang bumalik nalang si James. Ang sabi susunod nalang daw sya pero di naman na bumalik. Bakit master? Naka first base ka na ba o second base? Hahaha" dagdag nyang pangaasar. Hayup na to gusto talaga laging nasasaktan eh. Di ko na sya sinagot. Masaya ako dahil pinili ni Den to be by my side despite na nandun si James.
Hopefully maging okay ang lahat sa amin....
______________________________________________________
Sorry sa matagal at maikling update. Dumating kasi sya kahapon at nakitulog sa bahay. Sino pa ba? E di ang bestfriend kong si Al. after 15 years, nagkita kami ulit. Parang walang gap na nangyari kasundo ko pa rin sa harutan at kakulitan Hahaha. Mas pumogi si tanga pero di naman ako papatalo Hahaha.
But don't worry pag umuwi tong kupal na to uupdate na ulit ako. Dito kasi muna sya tititra sa bahay kaya di rin ako makakapkagupdate.
Thanks sa pagsubaybay at abangan ang book III ng My Best Enemy: Kupal vs Epal
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...