Part 7: Adobo Republik

2.1K 72 1
                                    

AL POV

Kinagabihan, balisang balisa ako. Ikot sa kanan. Paling sa kaliwa. Dadapa. Para bang hindi ako mapakali. Ano ba ito? Isip ako ng isip sa nangyari samin ni Epal kahapon. Haytz.

Kinuha ko ang aking cellphone at sinalpak ang headset upang magpatugtog. Napangiti naman ako nang saktong tumugtog ang kantang medyo nakakarelate ako.

sorry na, kung nagalit ka

di naman sinasadya

kung may nasabi man ako,

init lang ng ulo

pipilitin kung magbago

pangako sa iyo

"sorry na" by parokya ni edgar pala yun Hahaha.

Anak naman ng tokwa. Di talaga ako makatulog. Kahit nung after breakup namin ng Ex-Girlfriend ko di ako nakaramdam ng ganito. nagDOTA lang ako ng isang oras then after nun wala na. move on na kaagad. Pero bakit parang iba ngayon? nagDOTA na ako at nagLOL, naglevel up na kakalaro naiisp ko pa rin ang nangyari kahapon.

Maya maya pa ay nakaramdam ako na parang bumubigat na ang talukap ng mata ko. Huli kong tingin sa relo mga bandang alas-dos na ng madaling araw nun. Hinayaan ko nalang at di na lumaban para bukas makapunta ako kaila at makapag usap kami. "sana umaga na" yan ang huli kong naisip bago ako napunta sa mundo ng mga panaginip.

DEN POV

"Den gising na! madami nang tao dito oh?" sigaw ni mama habang nakatok.

Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Di ko alam kung bakit late na nga ako natulog ay magigising pa ako ng maaga. Naisip ko na naman kasi yung nangyari kahapon sa gym. Natulala ako sandali bago bumangon. Ang tamlay ko ngayon araw. Nalulungkot ako di dahil sa di ako nakaganti ng sapak kay Kupal kung hindi dahil sa bigo ako. Bigo akong kaibiganin sya.

Agad akong nagtungo sa banyo upang mag hilamos. May naramdaman akong bahagyang kirot na nagmumula saking labi.

"ou nga pala pumutok ung labi ko dahil sa sapak niya" sabi ko sa sarili habang hawak ang aking labi. Pag katapos ay agad akong lumabas ng banyo upang magtungo sa aming karenderya para tumulong.

"oh anong nangyari sa nguso mo?" tanong ni papa habang nagsasandok ng kanin sa kumakaing customer namin.

"ah eh natamaan po ng bola ng soccer nung nagpraktis po kami, eto nga rin po nagasgasan din po ako sa tuhod oh? Hahaha" sagot ko nang may pekeng ngiti sa labi para di nila mahalata ang kalungkutan ko.

Ou nga pala. Derederetso ako kagabi sa aking kwarto pagkauwi sa bahay. Di ko na nga rin nakuhang kumain ng hapunan sa sobrang bigat ng nararamdaman ko na yun. Haytz nakakpagod nang magisip.

Kakaabot ko pa lang ng ulam sa suki namin ay may napansin akong pumaradang kotse sa tapat ng karenderya namin. Nagtaka ako. Pangmayaman ang sasakyan. Imposibleng kakain yan dito. Baka naman bibili ng ulam para lang ipakain sa aso nila. Mga mayayaman nga naman talaga. Di ko nalang pinansin kasi naiisip ko parin ang itsura ni epal habang nakangisi sya matapos nya akong suntukin.

Maya maya pa may isang lalaking bumaba na kotse. Naka jersey ito na kulay red. Nakalagay ang O1ES Dragons. Matangkad ito mga 5'11 maputi at bakas ang lapad ng balikat at laki ng muscle na tipong medyo malaki para sa edad nya. Nakashades sya kaya di ko maaninag ang itsura. yun ang unang beses na ganun nalang ako kung humanga sa isang lalaki. Ung paghanga na sobrang inggit. Dahil sa may kotse sya at maganda ang hubog ng kanyang katawan para sa edad niya.

Derederetso ung lalaki at nilagpasan ako. Ang bango nya. Amoy mamahaling pabango. Naamoy ko kahit isang dipa ang layo ko sa kanya nung dumaan sya. Tinignan ko sya habang na tingin sya ng ulam sa mga kalderong nakahalera sa tapat ni mama. Nakalagay sa likod ng jersey nya "DE HESUS 04". Sa isip isip ko, " aba magkaapelyido pa sila ng kupal na un ha?".

Maya maya umupo na sya at pumewesto. Tinawag na ako ni mama para ihatid sa lalaki ung order nyang isang kanin at isang order ng adobo. Agad naman akong lumapit upang kunin ung order nya at ihatid sa kanya.

"ahmmm sir eto na po ung order nyo" sabi ko habang inihahain isa isa ang kanin ulam at libreng sabaw na karne ng baka na pinakuluan ng ilang araw.

Akmang patalikod na ako nang biglang nagsalita ung lalaki. Parang pamilyar sakin un boses pero di ko matandaan kung san ko narinig ang boses na yun.

"pwede bang pasuyo?" tanong nya.

Agad naman akong humarap at tinanong sya.

"ano po sir? Tubig o tissue ba sir?" tanong ko

Tinanggal ng lalaki ang shades nya sabay sabing "pwede ka bang makausap?"

Nagulat ako sa aking nasilayan.

AL POV

Muntik na ako matawa sa panlalaki ng mata ni Epal. Mukha syang binuhusan ng malamig na tubig matapos kong sabihin yun at tanggalin ang shades ko. Magulat ata.

Di naman ako nahirapang hanapin ang bahay nila. Kilala pala sila sa lugar na yun. Sikat daw ang adobo ng mama nya na bukod sa mura na ay napakasarap at malinamnam pa daw.

"masubukan nga" bulong sakin sarili habang nagmamaneho ng kotse. Gutom na kasi ako eh. Nakalimutan kong magalmusal dahil sa pagmamadaling makapunta sa kanila upang humungi ng tawad.

Nang Makita ko ang karinderya nila, agad kong pinark ang kotse ko. Dapat nag motor nalang ako, masikip ang kalye nila para sa kotse ko. Hahaha.

Maya maya natanaw ko na sya. Si Epal. Namimigay sya ng kanin at ulam dun sa customer nila. Sipag pala nya. Natulong sya kapag wala kaming pasok. Nakasando lang sya at parang boxer short na medyo mahaba. Bakas na bakas ang hubog ng balikat nya at muscle dahil na rin sa kulay nya. Napahanga ako sa itsura nyang yun. Gwapings pala si Epal kahit simple lang ang suot nya. Teka? Ano to? Crush ko na ba sya? Ok lang paghanga lang naman eh Hahaha.

Bumaba na ako ng kotse at dinaanan sya.
Buti nalang at di nya ako nakilala kaagad. Pumunta ako sa isang babae na pakiramdam ko ay ang mama nya. Di ko na nagawang mamili sa hanay ng mga kaldero dahil alam ko naman ang best seller nila dito.

"isang kanin nga po at isang order ng adobo" sabi ko sa mama nya

"oh sige iho, iaabot nalang sayo. Hanap ka na ng pwesto" sagot nya sakin

Agad naman itong sumigaw ng "Den" hudyat na ito ang mag aabot ng mga inorder ko.

Nakahanap na ako ng pwesto at umupo. Maya maya ay lumapit na si Epal para ihatid ang inorder ko. Mukang di pa rin nya ako nakikilala o baka naman patay malisya lang sya. Bago pa man sya maglakad paalis ay agad ko syang tinawag. Kinausap at tinanggal ang shades ko na kinagulat nya.

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon