DEN POV
Kahit anong gising at pasok ng maaga, lagi akong late pag dating kay kupal. Ewan ko ba? Dito na ata nakatira to eh. Mukang pinalitan na si manong guard. Minsan nagtataka ako kung hawak ba nya ang susi ng school namin.
Di ko sya binati at alam ko naman kasi ang magiging reaksyon nya. Kaya umupo ako ng tahimik. Pero talagang ginambala ako ng "friendly instinct" ko. At pilit na kinausap sya.
"sumali ka pala sa Basketball Team noh?" tanong ko
Di sya umimik at patuloy na nakatingin sa bintana
"ah eh so goodluck nalang sa game nyo" sinabi ko nalang para matapos na
pabalik na ako sa aking upuan nang bigla syang nagsalita
"luck?" tanong nya
"di namin kailangan yun. Magaling ang team namin. Magaling ako at hindi ko iaasa ang pagkapanalo namin sa LUCK mo. Baka ang team nyo, kailangan ng swerte para manalo mukha naman kasi kayong mahihina eh." Dugtong nya ng nakatingin pa rin sa bintana
"anong sabi mo" galit kong pagkakasabi.
Tumingin sya ng masama na lalong nagpainit ng dugo ko. Akmang tatayo na siya nang makarinig kami ng boses na aming kinabigla.
"Children behave" sabat ni mam Vicky na nasa gitna naming dalawa
Sa isip isip ko. May power ba si mam na teleportation at nagawa niyang lumitaw sa gitna naming dalawa?
"mamaya na kayo mag away malapit na ang klase natin okey?" bilin ni mam Vicky
Maya maya pa ay dumating na ang aming mga classmate. Napuno ang room. At tska nagsimulang magsalita si mam Vicky
"okey class I will be arranging you alphabetically" announce nya.
Hmmmm Dela cruz ako eh. Sino kayang makakatabi ko. Letter D? D? D?. habang tumatagal napapaisip ako. Dalawa lang naman ang may surname na letter "D" sa classroom. Ako at si......
AL POV
Badtrip katabi ko si epal. Mamaya kopyahan pa ako neto eh. Bakit ba kasi naging Dela Cruz sya at De Hesus naman ako. Anak ng Toknene naman oh. Sa lahat naman ng makakatabi siya pa? ang malas naman. Mukang ngayon ko kailangan nung LUCK na sinasabi nya ha?
"okey we will be having a research paper. Magiging partner nyo ang katabi nyo" ngiting announcement ni mam
"what????" sabay naming tanong ni Den
"yes sir yes sir" pangaasar na sabi ni mam Vicky
"ehhh mam ano kasi eh...." Bago pa man matapos ang sinabi ni Den eh inunahan ko na sya
"ayoko po" matigas kong sagot.
"ay sorry mga sir no choice tayo or gusto nyong ideclare kong hindi kayo nagkapagpasa ng research sa subject ko" ngiting explanation ni mam. Parang nang aasar pa. sabay kaming napasandal ni Den at walang nagawa.
" okey class I will be assigning you the chemical that you will presenting" wika ni mam
At napunta samin ang NEON. Ang dali naman. kayang kaya ko un magisa. Di ko naman kailangan ang tulong ni epal. Baka pumalpak pa ung research namin. Magugulpi ko pa sya.
DEN POV
Dela Cruz? De Hesus? Ang malas ko naman at ka partner ko si kupal. Pero no choice eh nandyan na yan. So ako na ang umapproach sa kanya para naman mapaghandaaan namin ung paggawa ng research.
"ku- este AL, kita tayo sa gym after ng praktis namin sa soccer ng 5pm para mapagusapan ung gagawin natin" yaya ko sa kanya
"okey" padabog nyang imik habang nakatingin sa notebook nya
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...