AT THE AUDITORIUM (Mr. and Ms. SJU 2019)
DEN POV
"and the winner for our MR. SJU 2019 is......"
Shit . kinakabahan ako.
Si Ruth na ang itinanghal na MS. SJU 2019. Mas lalo akong napressure. What if hindi ako ang manalo? What if wala akong title. Nakakahiya sa college ko na sana back to back namin masusungkit ang titulo. Dagdag pa sa pressure ang titulo ni Kupal na syang naging Mr. SJU 2018. Ang saklap naman nito. Sa kaba ko napatingin ako kay Kupal na nasa gilid lang ng stage upang antayin iannounce ang mananalo sa Mr. and Ms. SJU 2019. Matapos kasi neto ay ipapasa nya na ang korona sa mananalo at ibibigay ang sash sa mananalo. Nagkatitigan kaming dalawa. Nakita ko sa mata nya ang kaba at pagaalala nya sakin. Kapwa kaming nakatitig nang bigla siyang ngumiti at ibinuka ang kanyang bibig. Tila may gusto niyang basahin ko ang lumalabas sa kanyang bibig. Maganda ang pagbuka ng kanyang mga bibig at nababasa ko ang kanyang sinasabi. Syllables by syllables.
"MA-
TA-
LO-
KA-
SA-
NA....
E-
PAL!"
Pu#$@%^&*^ In@ neto. Kalokohan lang pala yung kaba at pagaalalang nakita ko sa kanyang mga mata hahaha
Bakit ba ako nagkaroon ng hayup na best friend tulad neto Hahaha. Naalala ko tuloy nung laro nila ng basketball. Finals na nun nung pinagdasal kong matalo sana sila sa laro at dahilan ng pagkakaalipin ko. Hahaha
Kunwari ay inayos ko ang buhok ko gamit ang aking kamay pero dahan dahan akong gumawa ng "FUCK YOU" sign. Tarantado talaga tong Kupal na to. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang kaba ko. Muling lumiwanag ang aking mukha at umangat ang aking ngiti at tiwala sa aking sarili. Salamat na din sa kagaguhan ng bestfriend ko lumakas ang loob ko. Di ako pwedeng matalo dito. Di ako pwedeng matalo sa bestfriend kong Kupal.
Huminto ang oras sa loob ng auditorium habang tumutugtog ang drum roll. Makapigil hininga ang lahat. Ang mga audience, contestants, organizers pati na din ang mga judges. Lahat ay tahimik na nagaabang sa anong babanggitin ng announcer.
Nakita kong nakatingin din sa kabilang gilid ng stage si Sir James. Iba ang timpla ng mukha nya. Badtrip na ewan. Nagkaganyan sya simula nung narinig nya ang pag aminin ni Kupal sakin ng pagmamahal. Ewan ko ba? napakapamapagpatol niya din kasi sa lahat ng sinasabi ni Kupal eh.
Dahan dahan nang binuksan ng announcer ang envelope.
"Congratulation to our new Mr. SJU 2019....
Mr........
Denmark Dela Cruz
of College of Medicine"
Tama ba ang narinig ko? Pangalan ko ba yun? Teka ako yun. Ako ang nanalo. Shit. Narinig kong dumagundong ang buong auditorium. Litaw na litaw na boses ni Sel at Andy sa lahat ng audience na nandoon. Napakaingay ng lahat....
"Bessy namin yan wwwwooooohhhhhh..... we love you baby Mark" sabay na sigaw ng dalawa na tila sinasaniban ng masamng espirito sa sobrang galawgaw.
Hahaha. Pinagtitinginan na sila pero sige pa din ang sigaw ng dalawa. Di pa ako nakakamove on sa wikang binitawan ng announcer nang biglang lumapit ang isang tao, ang pinakagwapo ng gabing iyon. suot nya ang isang ngiti. Ngiti na nagpalakas ng loob ko. Ngiti na kinasabikan ko sa loob ng anim na taon. At iyon ang ngiti ni Al. ngiti ng best friend ko.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romanceminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...