Book II Part V: Ang Pambabakod ni Master

1.9K 73 10
                                    


MARK POV

Dalawang araw matapos naming maginum sa unit ni Jon ay medyo umayos na ang pakiramdam ko. Ang pangungulila ko Al ay unti unting humina ngunit hindi nawala. Ang pagkukumpara ko kay Jon bilang ang dati kong bestfriend ay naglaho. Uo nga't magkapareho sila sa maraming bagay pero ibang iba si Jon kay Al sa maraming aspeto. Two days ko nang di nakikita si master ha? Wala rin naman siyang text pero ayos lang basta hindi nya ako magiging utusan medyo matatahimik ang buhay ko Hahaha.

"hays Salamat walang bossy na nanguutos, sana ganito palagi" wika sa sarili sabay higa sa kama. Ang saya

Tok tok tok (katok sa pinto)

Boooset naman oh. Nagmumuni muni eh.

"teka..." sigaw ko sa kung sino mang hayup na nakatok.

Agad naman akong bumangon upang buksan ang pinto. Bigat na bigat man eh napilitan ako. Kung sino man tong tukmol na to pepektusan ko ng bente. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang isang lalaking nakatayo. Wala siyang pang itaas at nakaboxer lang. litaw na litaw ang ganda ng hulma ng kanyang dibdib. Halatang batak sa gym. Ang mga braso nyang animo'y bukol bukol sa pagkakahulma. Mga bicep na di pa man nagpeflex eh mababakas mo na at mga abs na animo'y mga burol na nakakabit sa kanyang tiyan.

Si Jon pala iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko. Ni sa panaginip di ko akalain maaattact ako sa kumag na to. Di ko alam kung paghanga ba o inggit ang nararamdaman ko. Nakatulala ako sa kanya. Napirmi sa aking kinatatayuan. Agad naman nagsalita ang lalaki sa aking harapan.

"Hoy alipin. Pakitapon nga tong basura. Nag 2 days off ka na. siguro naman okay na yun ha?" wika nya na medyo maangas.

Putang ina to ha? Agad akong bumalik sa ulirat. Mukha ba akong basurero at ako ang magtatapon ng basura nya? Kung may baril lang ako pinasabog ko na ang bungo nitong hayup na to. Gustuhin ko man eh wala akong magagawa. Hawak nya pa din ako sa leeg. Nandyan pa din ang pangbablackmail nya sa akin.

"ahhh ehhh sige master ako na bahala dyan" wika ko na nagaalangan sa aking gagawin. Ihampas ko kaya tong basura nya sa pagmumukha nya? Hahaha

"good boy" ani niya. Ano ako? Aso? Sumusobra na tong kumag na to ha?

Laking gulat ko nang hawakan nya ang ulo ko. Sa tangkad nya, kayang kaya nyang idantay ang siko nya sa ulo ko. Hawak na may kasamang paghimas ang ginawa nya. Nakaramdam ako ng pagkahiya feeling ko namumula ako. Shiiiitttt nababakla na ata ako. Bakit ganito ang reaksyon ko? Nakakahiya.

"oh sya its up to you to dispose that trash kita kits sa practice mamaya" paalam nya bago sya bumalik sa unit nya.

Ano pa nga ba? Eh di magtatapon ng basura.

================================================================================

SA CONVINIENT STORE

After kong magtapon ng basura sa baba ng condo at agad akong nagtungo sa convenient store para bumili ng aalmusalin. Medyo late na kasi ako kung dadaan pa ako sa cafeteria. Agad akong kumuha ng stuffed pandesal at dinala sa counter. Humanap na ako ng pwesto at umupo. Akad ko itong kinain sa sobrang gutom at shit ang init. Bagong init pala sa microwave at isa pang shit wala akong tubig o juice. Natataranta na ako kasabay ng pagkapaso ng bunganga ko. Nagsimula ang kamalasan ko dahil sa kumag na yun eh. Nagulat ako nang may dumampin malamig sa kanang leeg ko. Sheeeeet ano yun?

"oh padalos dalos ka kasi eh" sermon ng taong nakatayo sa kanan ko. nakaPolo shirt sya at maong pants. Simple pero ang linis nyang tignan at alam mong mayaman ang may suot nun. di nga ako nagkamali si james ng college of law. Agad kong kinuha at mukhang alam nya na ang paborito ko. Soya Milk J

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon