MARK POV
Sa school audithorium
"good am mga classmate. Denmark Dela Cruz nga po pala pero tawagin nyo nalang po akong "mark". 20 years old po from laguna. Graduate po ako ng BS Nursing at isa pong registered nurse. 5'11 po ako mahilig po sa soccer at manood ng anime. Nice meeting you all" pagpkapakilala ko sa kanila.
Nagtilian ang mga classmate ko sa meds. Nahiya tuloy ako habang inaayos ang salamin ko. Lumabo kasi ito kakanood ko ng anime gabi gabi. tsk
"ampogi mo naman kuya pakiss" pangungulit ng mga bading kong classmate.
"hi kyyaaahhhhh" sabi naman ng mga babaeng nasa kanan ko.
Nasa auditorium kami ng university habang inoorient tungkol sa mga dapat gawin at iexpect namin sa med school. Tulad ng isang freshman, panibagong kakilala at panibagong experience nanaman ito sa akin. Magkasamang excitement at kaba. Almost 60 students lang kami na kumukuha ng Medicine sa batch na yun. Nang matapos nanag magpakilala ang lahat, nagsalita na ang advicer ng freshmen sa Medicine.
"okey guys. Wala munang mga curricular activities for 2 months. Para di naman kayo mapressure plus university month next month so in preparation sa mga activities wala munang lectures" pambungad na pagsasalita ni Dr. Mendoza
"woooooowwwhhhhh"
Umugong ang buong auditorium. Masaya ang lahat at for 2 months walang gagawin kung di mga extracurricular activities lang. tuwang tuwa ang mga kumag. Hahaha kaso boring naman kasi excited na akong magaral at nakakahiya sa tita ko na nagsponsor ng pagaaral ko.
"so mag sign up na kayo sa mga activities natin" panghihikayat nya.
"and one more thing, gaganapin din next month ang Mr. USJ. Kailangan natin ng representative sa College of Medicine so kailangan ninyong bomoto" pahabol ni Dr. Mendoza
Nabigla nalang ako ng makita kong isa isang nagtitinginan sakin ang mga classmate ko na nakapalibot. medyo kinabahan ako sa mga tingin nila. Patay tayo jan.
"hmmmmm mukhang alam ko na kung sino ang gusto nyo Hahaha" masayang sabi ni Dr. Mendoza
Patay talaga........
Sa School Cafeteria
"friend congratz ang bae mo kasi yan tuloy kaw ang na bet ng mga friendship natin sa Meds" banat ni Andy. Beki sya na payat mga 5'8 ang height at may salamin din. Nerdy looks. Jolly at mahilig magjoke. Naalala ko sa kanya si Mam Vicky Hahaha
"uo nga tol galingan mo kaw pa naman ang representative namin" wika ni JC
"Hahaha wag mo nang ipresurre tukmol to" sabat ni Zen
Pareho ding gwapings tong dalawang to. Si JC may lahing Irish kaya aninag mo ang European-look ng muka nya dagdag mo pa ang height nyang 6 flat na napakatangkad. Mid built ang katawan nya at maputi. Si Zen naman may lahing Taiwanese kaya singkit. Chinito sya kaya ang daming tumutili pagnakikita sya. 5'6 ang height nya at pareho sila ng built ng katawan ni JC. Kung tutuusin mas okey pa silang dalawa kesa sakin kaya bakit ako :( huhuhuhu
"kaya mo yan Mark" pagpapalakas ng loob sakin ni Ate Claire
"ou nga mark. Cute ka naman eh" hirit ni Sel
Silang dalawa ang babae sa grupo namin. Si Ate Claire ang pinakamatanda samin. Nakasalamin din sya kaya mukang strikto at mataray pero pag nakausap mo sya napakabait at maalagang kaibigan. Si Sel naman ay chubby na maputi. Kalog sya kaya tandem sila ni Andy.
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Romansaminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...