DENMARK POV
"Guys after 10 mins aalis na tayo so lahat ng gamit idouble check na. yung mga magCCR magCR na" sigaw ng isang pageant coordinator. Shit naiihi na ako. Anak ng tipaklong naman oh ngayon pa di nakisama tong pantog ko. Nagmamadali akong nagtungo sa dulong cottage na may public CR. Bitbit ang backpack ko agad akong nagmadali. Pagdating sa pinto ay pilit ko itong binubuksan parang sira ata. aalis na ako nang pagpihit ko ay agad itong bumukas.
AT THE CR
"hayts thank you lord nakisama yung pinto." Sabi ko sa aking sarili. Agad akong pumasok nang laking gulat ko na may lumabas sa isang cubicle. Shit sa lahat naman ng pwedeng makita. Sya pa talaga.
"hey Den" bungad nya.
"hey" maikling wika ko.
"ammmmhhh ill wait for you here. Sabay na tayong bumalik sa bus. Okay lang ba?" tanong nya.
Anak ng putcha naman oh? Ginagawa akong babae ng impaktong ito eh. May antayan pa? kaya ko naman magisa. Anong gagawin nya? Taga pagpag? Hahaha.
"kaw bahala" sabi ko sa kanya sabay deretso sa cubicle para umihi. Hays Salamat nakaraos din sa wakas. Medyo natagalan ako gusto kong ilabas na lahat para wala na akong problema mamaya baka bigla nanaman akong maihi sa biyahe.
"ayos ha? Ang lakas ng agos. Parang gripo Hahaha" biro ni Kupal sakin.
"haha loko loko. Kanina pa akong ihing ihi eh." Bawi ko sa kanya. Impaktong to ang lakas mang asar.
Lumabas na ako sa cubicle matapos kung magflush. Nagtungo ako sa lababo para maghugas ng kamay nakita ko syang nakangisi at pangiti ngiti. Shit di ko alam kung nagpapacute sya o talagang cute lang talaga sya. Oppa ang datingan ni Kupal Hahaha.
"oh bakit ka natatawa dyan?" tanong ko.
"wala lang nakakamiss lang kasi mga asaran natin dati eh" sagot nya. Aba matindi nakuha pa nyang magthrowback. Kung sabagay nakakamiss naman talaga. yung mga dating asaran at pkambabara namin sa isa't isa.
"sus tama na yang pagmumuni muni mo. bumalik na tayo baka maiwan pa tayo ng bus" yaya ko sa kanya.
"yes boss" sagot nya. Hyperactive nanaman si kupal Hahaha.
Siya na ang nagbukas ng pinto.... Pero......
ALJON POV
God dammit. Ayaw bumukas ng pinto. Holy shit.
"Den ayaw bumukas ng pinto. Mukhang sira" wika ko sa kanya. Agad naman syang nataranta. Pinilit nya ding buksan ang doorknob. Ayaw nga. Makulit din tong isang ito eh.
"hala? 10mins nalang kanina aalis na ang bus" kinakabahan nyang wika. Natataranta na sya. Ang cute nya habang pinagpapawisan sya.
"eh kung tawagan mo sila" he commanded me. This asshole kung makautos kala mo sya talaga ang boss. Agad kong kinuha ang CP ko.
"damn. Lowbat" I stated to Epal. sumimangot sya sakin. Parang batang nagtatantrum Hahaha.
"paiphone iphone XS ka pa jan. lowbat naman wala ring silbi' pagdadabog nya.
"e di yung syo ang gamit natin?" I challenge him.
"ahhhh ehhh wala akong load eh." Pabebe nyang wika nakakairita na nakakatuwa hahaha
"napakadukha mo." pangaasar ko kay Epal
"yabang neto. E di ikaw na mayaman." Halatang naiirita na sya. Pikunin pa rin talaga wala pa ding pinagbago
BINABASA MO ANG
My Best Enemy (boyxboy)
Любовные романыminsan sa buhay natin makakakita tayo ng taong kakumpitensya, kaaway at katagisan ng lakas talino at galing. yin at yang. fire and ice. light and dark. sundan ang pakikipagsapalaran ni kupal at epal habang para silang aso at pusa na nakikipagaway...