Part 13 : The End ???

1.8K 67 3
                                    

AL POV

I kiss him...

Wala na ako sa katinuan ko. Yun pala yung nararamdaman nya all of this time. Sobrang ang slow motion ng lahat. Nung una, hindi gumagalaw ang mga labi namin. Just a smack but later on gumalaw na. nagpapalitan na kami ng laway. Mapait at lasa ko ang alak pero napakaromantic. Dagdag pa ang init at lambot ng mga labi nya. I give in. eventhough confused, I think I love him.

Suddenly, I've heard a voice at my back.

"AL?" tawag nya.

Kilala ko ang boses at agad ko itong hinarap. Di nga ako nagkakamali. It was kim. She looks so confused and I'm so stunned.What the fuck. She saw me kissing another guy.

Tumalikod sya at tumakbo papalayo. Nahiya ako. What if sabihin nya sa iba. What if malaman ng ibang tao ito. gulong gulo ako. Natatakot sa maaring mangyari sa nasaksihan ni Kim.

I am about to go and after Kim nang pigilan ako ni Epal.

DEN POV

"Sandali AL..." pagpigil ko kay Al ngunit hinawi nya ang kamay ko.

"this is fuck up Den. I'm not a gay like you" sigaw nya sakin.

Natulala ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.ang tangi ko nalang nagawa ay makita syang papalayo. Tumatakbo paalis sa harap ko. Bumuhos na ang luha ko. Tuloy tuloy. Lahat ng suntok. Nawala ang sakit. Lahat napunta sa iisang lugar lang... sa puso ko.

Sinigaw ko ang lahat sa dagat. Minura ko sya. Nilabas ko lahat sa dagat. Pati ang salitang mahal na mahal ko sya.

Nung mapagod na ako. Nagpasya na akong bumalik. Nakikita ko na ang bukangliwayway.

"tol waz up?" tanong ni Mick nang makasalubong ko.

"eto buhay pa" sagot ko na may pekeng ngiti.

"nga pala nauna na si AL at Kim. May emergency daw kaila AL. Si Kim di ko lang alam. Nagmamadali eh. Di nga sumabay kay AL eh. Alam mo ba kung bakit?" tanong niya

"hindi eh. Sige prepare na rin ako para mamayang paguwi natin" paiwas kong sagot.

Umalis na kami sa resort. Sakay kami ng Hiace nila Kupal. Iniwan nya kasama ni mang kanor. Mukang may sumundo sa kanyang ibang driver. Di agad ako nakatulog. Tinignan ko ang phone ko. Wala na ang GC na ginawa ni Kupal. Di ko na sya tinext or tinawagan. Nablock ko na rin ang FB account nya. Ayoko na syang gambalain. Napakasakit ng sinabi nya sakin. Alam ko ginusto nya din ang halik na yun.

Lunes nang magkitakita kami nila Mae, Mick, Johan at Judith sa room. Wala si AL. Never pa syang nalalate sa klase sa history ng school namin. Nakita kong kausap ni Ate Flor ang adviser namin. Matapos nilang magusap ay agad nang umalis ito at agad na kinuha ng aming adviser ang aming atensyon.

"okay class I have an announcement" panimula niya.

"you're classmate mr. De Hesus will no longer be studying at our school" wika nya.

Natulala ako. Wala na akong ibang narinig na salita. Parang gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Paano na ako? Kaya ko ba ng wala sya? Nasanay na akong kasama sya. Paano na bukas? Sa makalawa? Sa susunod na linggo o buwan?

"pupunta syang US para samahan ang kanyang mother sa treatment neto. At mukhang dun na din sya magaaral." Paliwanag nya.

Napatayo ako. Di ko na kaya. Di ko na pinansin ang aming adviser. Dirediretso akong lumabas ng room at agad na tumungo sa CR. Di pa man ako nakakapasok ay bumuhos na ang luha ko. Iyak ako ng iyak.....

Lumipas ang mga taon. Almost 5 years. Graduate na ako ng Nursing at kakapasa lang ng board exam. Binuhos ko lahat sa pagaaral. Lahat ng hinanakit at galit ko kay Al. ginamit ko para maging malakas at matalino.

Pero mas bahagi pa rin ng sarili ko. Nagtatanong kung nasaan na sya. Kung kamusta na kaya sya. At di pa rin ako nawawalan ng pagasa na magkikita kami at ipagmamalaki ko kung nasaan na ako ngayon....

Miss ko na din sya.

Ang bestfriend kong kupal.....

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Guys sorry ngayon lang ulit. Next chapter na. Book 2 na tayo. Yahooooo....

Subaybayan natin ang tambalang #alden sapanibagong yugto ng kanilang buhay. Magkikita pa kaya sila gayong napakalayo nanila sa isat isa?

My Best Enemy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon