BRYLLE POV
"Brylle gising! Ma la-late na kayo!" bulahaw ni Tito.
"It's too early!" reklamo ko.
"Brylle may pasok kayo! Bangon na!"
NAKAKAINIS PERO NO CHOICE NA AKO. ANG INGAY INGAY NI TITO AYAW AKO TIGILAN.
Pagpunta ko sa sala, ready na sila James at Ryan. Ako nalang inaantay. Hahaha.
Naligo na ako at nagbihis agad. Breakfast? I can't relate. Usually hindi talaga ako kumakain ng agahan.
( fast forward )
@Country Christian School
"Brylle, sa St. Jhon building tayo. Room 208. Yung papers sa envelope, iabot mo kay Ma'am Miranda, school requirements mo yan."
"Okay." tumango nalang ako kay James.
I'm not in the mood for long talks. Medyo may jetlag pa ako.
"Ang gwapo niya!"
"Bago yata siyang MS!"
"Anong name niya?! Omg!"
"Crush ko na siya!"The fuck.
Ayoko talaga sa mga babaeng gan'to. Mga easy to get, cheap girls. Akala ko sa States lang may ganto, well mas malala pa pala dito sa Pinas.
Alam ko namang gwapo ako, pero please girls, kumalma kayo.
"Welcome sa room natin Brylle!" lakas ng boses ni Ryan pota!
Biglang may mga babaeng sumalubong sa amin at kinausap sila.
"Sino siya? Bagong MS?"
Anong MS? Kanina ko pa yun naririnig.
"Pamangkin siya ni Tito Jacob. Si Brylle. Nga' pala Brylle sila ang mga kagrupo namin." turo niya sa mga lalaki sa gilid.
"Group?" kaswal kong tanong.
"Mystical Steps, dance group. Si Tito Jacob ang choreographer namin."
Okay. I get it. Kaya pala sila sikat kasi may dance group sila.
"EVERYBODY GO BACK TO YOUR SEATS!" bungad ng isang babae sa harap. Teacher yata.
"Brylle, ibigay mo na yung envelope." senyas sa akin ni Ryan.
Tumayo ako tsaka inabot ang envelope sa matabang babae.
"Yes? Ano to?" nakataas pa ang kilay niya nang tanungin ako.
"Do I supposed to know?" then I shook my head.
"Anong sabi mo? Sinasagot mo ba ako?!" nakapameywang pa niyang sigaw.
Sasagutin ko pa sana, pero sumingit na si James sa usapan.
BINABASA MO ANG
First Love
Fiksi RemajaMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...