Thirteen

3.7K 58 1
                                    

ALEX POV

Habang busy kami nag ring phone ko. Tumatawag na pala pinsan ko.

"Hello Insan bakit?"

"Insan kasi ano ... si Brylle .."

"Ha? Ano? Sino?" gusto kong siguraduhin kung tama ba narinig ko.

"Si Brylle! Nandito siya sa may gate. Kanina pa siya dito, nagtataka na sina Mama. Hindi ko kasi alam kong anong sasabihin ko eh."

"Sige insan, uuwi na ako ngayon. Ikaw nang bahala magpaliwanag kina Tita."

Pagkababa ko ng tawag nagtanong agad sila sa akin kung may problema ba. Maaaring hindi ko maitago sa mukha ko ang inis na nararamdaman ko ngayon.

"Alex, may problema ba? Si Mia ba yun? Bakit daw?" sunod sunod na tanong ni Sophia.

"Si Brylle kasi, nasa labas ng gate namin. Ayaw umalis, nagtataka na sina Tita Betty."

"Ano ba naman yang Brylle na yan, ang kapal naman ng mukha niya na magpunta pa sa inyo!" galit na komento ni Beauty.

Maging ako hindi ko maintindihan kong bakit kailangan pa niyang pumunta sa bahay. Saan niya ba kinukuha ang lakas ng loob niya? Ganyan ba talaga kababa ang tingin niya sa akin, ni hindi manlang siya marunong mahiya.

"Mas mabuti pa siguro na umuwi ka na muna, baka kung ano pang isipin ng Tita Betty mo." suggestion sa akin ni Sophia.

AMINADO AKONG NAG AALALA AKO SA BAHAY. INIISIP KO KUNG ANO NALANG ANG SASABIHIN NINA TITA AT TITO SA AKIN.

Kaso hindi ko rin alam kung pwede ko bang iwanan sina Sophia. Kasalanan ko kung bakit nag back to zero kami, tapos ngayon aalis na naman ako. :[[[

"Wag mo na kaming isipin dito, konti nalang naman ang gagawin. Sige na Alex, mauna kana umuwi ayusin mo muna ang problema niyo sa bahay." mahinahon na sabi sa akin ni Daniel.

Naiiyak na ako, sobrang babait ng mga kaibigan ko.

Dahil pumayag naman sila nagmadali na akong umuwi. Sumakay ako ng trike para mas mabilis.

Bumaba ako sa trike medyo malayo layo pa sa bahay, naglakad na ako. Tanaw ko na may lalaking nakatayo sa labas ng gate namin.

Si Brylle nga tsk!

"Alex..." mahinang tawag niya sakin.

Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko lang siya. Ang kapal ng mukha niya!

"Alex wait! Please talk to me. Let me explain!"

Hinahawakan niya ako sa kamay. Gustuhin ko mang pumalag mas malakas pa din siya sa akin.

"ANO BANG GINAGAWA MO?! BITAWAN MO NGA AKO!"

"PLEASE ALEX. JUST A MINUTE! I WILL EXPLAIN EVERYTHING."

ANO PA BANG SASABIHIN NIYA? MALINAW NA SA AKIN LAHAT NA SINUNGALING SIYA.

"Alex, I'm sorry. Hindi ko talaga alam. I am not after the position, believe me. Hindi ko alam na ginawa nila akong Vice President. Maniwala ka sa akin. I can even withdraw the candidacy!"

Kung maloko ka sa unang beses, ang tawag dun pagkakamali. Pero kung magpaloko ka sa pangalawang beses, wala nang ibang tawag dun tanga ka lang talaga.

"Alex maniwala ka naman sa akin. Hindi kita niloko. Totoong sincere yung pakiki pagkaibigan ko sayo, lahat ng ginawa ko hindi yun pakitang tao lang!"

"TUMIGIL KA NA NGA BRYLLE! HINDI KA PA BA KONTENTO SA GINAWA MO SA AKIN? BAT KA PA PUMUNTA DITO? GANYAN BA KABABA ANG TINGIN MO SAKIN HA? KAHIT KATITING NA HIYA WALA KA MANLANG NARARAMDAMAN?! NAKUHA MO PA TALAGANG HUMARAP SA AKIN MATAPOS MOKONG LOKOHIN AT GAGUHIN NANG GANON?!" hindi na ako nakapagpigil. Gustong gusto ko ipamukha sa kanya na ang gago gago niya!

Umiiyak na ako habang sinasabi ko yung mga salitang yun. Ang sakit lang na pinagkatiwalaan ko siya pero all this time kasinungalingan lang pala lahat yon!

Natahimik siya sa mga sinabi ko. Nakatungo lang siya at hindi nagsasalita. Kahit ano pang sabihin niya hinding hindi ko siya paniniwalaan, kahit anong dahilan niya pa.

"Umalis ka na. Wag ka nang babalik dito." mahina kong sabi sa kanya bago pumasok ng gate.

Halos patakbo akong pumanhik ng bagay, hindi ko na nagawang batiin sina Tita na kasalukuyang nasa sala. Dumiretso na ako sa kwarto at doon iniyak ko lahat.

Sobrang bigat na kasi nang pakiramdam ko. Sobra na, hindi ko na alam kong kaya ko pa.


BRYLLE POV

Alam kong sobra kong nasaktan si Alex dahil sa kapalpakan ko. Alam kong mali ako. Gustuhin ko mang bumawi hindi ko alam kong paano.

Alam kong walang saysay kahit anong sabihin ko. Kamumuhian at kamumuhian niya ako.

End of Chapter

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon