Fifthteen

4.3K 87 3
                                    

ALEX POV

Election day na.

Bumoto na kami lahat at anytime soon malalaman na namin kung sino mga nanalo.

Nasa classroom lang ako, sina Sophia nasa bulletin board titingnan daw nila result. Hindi na ako sumama kasi medyo nahihiya pa ako sa nangyari kahapon. Pinagtitinginan kasi ako ng ibang estudyante, lalo na nung mga freshmen.

Eh hindi ako komportable sa ganyan. :[[[

Maya maya biglang nagsidatingan mga kaibigan ko. Kasama pa pinsan ko.


"Yeheey! Congratulations insan nanalo ka!"

"Congrats bakla! Ikaw na talaga!"

"Congratulations Alex you did it." nakangiting bati sa akin ni Sophia.


May mga nagsidatingan pang bang estudyante at binigyan ako ng congratulatory notes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nila.

NANALO DAW AKO AS VICE PRESIDENT NG SSG? SERYOSO BA TO?!

"Ayaw mo maniwala? Halika samahan ka namin sa bulletin board!" sabay hinatak ako ng pinsan ko papuntang bulletin board.

Dahil hinihili nila ako ni Beauty, hindi na ako nagreklamo sumama nalang ako sa kanila. At nakita ko mismo yung resulta ng botohan.

V. Press : Bautista, Alexandra Emma
1102 votes

V. Pres : Contee, Brylle Scout
908 votes

ANG WEIRD PERO HINDI AKO SIGURADO KUNG MATUTUWA BA AKO OR HINDI. MAY PART SA AKIN NA NA GUI - GUILTY DAHIL NASABIHAN KO PA NG MASAMA SI BRYLLE TAPOS TOTOONG WALA NAMAN TALAGA SIYANG ALAM.

INOSENTE NAMAN PALA TALAGA SIYA. :[[[

"Ms. Santos?" may tumawag sa akin sa likod.

"Yes Ma'am?" magalang kong tanong sa kanya.

"I am the SSG adviser, my name is Ms. Nebril. Congratulations, you won."

"Maraming salamat po ma'am!"

"Let's go to the office, others new elected officers are there too."

Ngumiti nalang ako at sumunod kay Ms. Nebril.

Pagpasok ko sa office nadoon din sina James, kasama yung ibang mystical steps. Lahat pala sila nanalo, maliban lang kay Brylle.

Ngumiti nalang ako sa kanila sabay upo sa bakanteng upuan sa harap.

"Congratulations everyone! Mataas ang expectations ko sa inyo lahat. I know you can do better. Applause!"

Nagpalakpakan kami matapos magsalita ni Ms. Nebril. Nakakatuwang mabait siya sa amin. :]]]

"Another thing, I'd like you all to know that you can stay in the office on your vacant hours. Pwede kayong mag meeting dito, tungkol sa upcoming projects niyo. The school will give you 10,000 pesos as your initial fund. Kayo nang bahala kung paano niyo e co - consume yun. And your tables here, may mga pangalan na yan. Are we clear?"

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon