ALEX POV
Pagdating ko sa guidance office kinausap ko gad yung staff.
"Ma'am hindi na po ba matatanggal scholarship ko?" naiiyak ko pang tanong.
"Wala ka nang dapat isipin Miss Santos, mabuti nalang at nagawan ng paraan ng kaibigan mo. Okay na cleared na issue niyo."
"Kaibigan? Sino po?" nagtataka kasi ako kung sino tinutukoy niya.
"Sino pa ba, edi si Mr. Contee. Ngapunta siya dito may mga kasamang testigo pati CCTV footage meron din siya. Dahiil dun malinaw na lahat, na delete na rin sa facebook yung viral photo niyo pati mga comments wala na din."
Hindi ako makapaniwalang ginawa niya yun. Sobrang laking tulong ang ginawa niya para sa akin.
Paglabas ko ng guidance sinalubong ako ng pinsan ko at mga kaibigan ko.
"Insan! San ka ba nagpunta? Alalang - alala na ako sayo." sabay yakap sa akin ni Mia.
"Oo nga Alex kanina ka pa namin hinahanap. Hindi mo kasi sinasagot mga tawag namin." dagdag pa ni Sophia.
"Pasensya na kayo, nakaidlip kasi ako sa locker room tapos nalowbat pa phone ko."
"Bat kasi sa locker room ka pa mag eemote? Andito naman kami. Gusto ko tuloy magtampo, parang walang silbi kami sayo." malungkot na saad ni Beauty.
"Sorry talaga guys, hindi ko lang talaga alam gagawin ko kanina."
"Wag mo nang isipin yan Alex, naiintindihan namin. Siya nga pala, balita namin okay na issue niyo sa guidance inayos daw nung Brylle. Totoo ba?" tanong ni Myka sa akin.
"Uhm .. oo nagawan niya ng paraan." tipid kong sagot.
"Mukhang mali naman pala pagkakakilala natin sa Brylle na yun eh." opinyon ni Daniel.
Tahimik lang ako. Pero sa isip - isip ko, mukhang mabait nga siya at madami na siyang nagawa para sa akin. Hindi manlang ako nakapagpasalamat.
"Miss Alexandra Santos!" nilingon ko at si Brylle yun tinatawag ako.
Nagtataka tuloy mga kasama ko kung bakit parang close na kami. Naglakad siya palapit sa akin, sabay inabutan niya ako ng supot.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita, naglakad nalang siya palayo. Tinukso tuloy ako ng mga kaibigan ko.
"Ano yan ha? Bat may paganyan?!"
"Yung totoo Alexandra? Kayo ba ha? Kayo?"
"Kinikilig ako, haba ng hair mo bakla!"
Hindi ko nalang sila pinansin sabay naglakad palayo. Nahihiya ako bat kasi may paganyan yung Brylle na yun. :[
Pag uwi namin sa bahay, normal lang na nagtaka sina Tita kong bakit namamaga mga mata ko, sinabi nalang namin nag marathon kami ng kdrama. Hahaha!
Lusot naman. :]]]]
At yung supot na binigay ni Brylle, pagkain yung laman. Pero binigay ko nalang sa pinsan kong kambal pinasalubong ko. :)
( fast forward )
Kinabukasan, pagpasok namin sa school. Pinagtitinginan pa din kami ng mga tao. Hindi na talaga ako komportable, pero tong pinsan ko tuwang tuwa pa.
"Bat kaya nakatingin na naman sila sa akin?" tanong ko kay Mia.
Nakangisi lang siya ng malapad. Mukhang may alam tong pinsan ko.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...