Twenty Six

3.2K 58 2
                                    

EMMA POV

Bakit ba sobrang mapanakit ng tadhana? 

Kung kailan masaya na ako.

Kung kailan okay na ako.

Bakit ngayon pa nag krus ang landas namin ni Brylle?

"Alex I'm sorry. Sorry kung hindi ko nasabi ang kondisyon ni Brylle. Simula noong mawalan siya ng malay, umalis na kami sa Pilipinas. I tried contacting you using Brylle's number ngunit hndi mo sinasagot. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Brylle was unconscious. He was half alive. Alalang alala kami lahat sa kanya, lalong lalo na si Ate."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ako mag re - react.

HINDI KO ALAM KONG PAANO TATANGGAPIN ANG MGA SINASABI NI TITO JACOB.

BAKIT NANGYAYARI SA AKIN TO.

"Matagal na panahong na comatose si Brylle, halos mawalan na kami ng pag asa. Noong magkamalay siya akala namin tuluyan na siyang gagaling, taliwas dun mas lalong lumala pa ang kondisyon niya. Simula noong magkamalay siya .... wala siyang ibang hinahanap kundi ikaw."

"Ano po ang ibig niyong sabihin? Hindi ko po maintindihan." halos umiiyak na akong nagtatanong kay Tito Jacob.

"Lahat ng makausap niya tinatawag niyang Alex. Wala akong alam kung anong nangyari sa inyo Brylle. Hindi ko magawang tanungin si Brylle tungkol sayo dahil kritikal ang lagay niya."

"Tito niloko po ako ni Brylle...hanggang ngayon Tito, ang sakit sakit parin. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa akin yun." tuloy lang ang bagsak ng mga luha ko. 

Tumahimik muna si Tito Jacob bago magsalita.

"Isang pabor lang ang hihilingin ko sa iyo Alex. Please wag mong sabihin lay Ate ang tungkol sa inyo ni Brylle. Ayokong lumaki ang gulo. Kung aalis ka, mas mainam na wala ka nalang sabihin, wag ka nalang magsalita." dagdag pa niya.

ANO? TAMA BA ANG NARIRINIG KO?

"Seryoso ba kayo sa sinasabi niyo Tito? Hahayaan ko na lang ulit? Hindi na lang ako magsasalita?! Noong niloko ako at winalanghiya ni Brylle wala po kayong narinig sa akin. Kinimkim ko lahat! Sinarili ko lahat kahit sobrang sakit!"

"Hindi mo naiintindihan Alex."

"Ano po bang hindi ko naiintindihan Tito?! Sabihin niyo sakin!"

"Galit sayo si Ate. Galit na galit!"

"What?!" 

"Ikaw ang sinisisi niya kung bakit nagkaganyan si Brylle."

"I don't understand. Kung galit siya sakin bakit pa niya ako pinilit na maging personal doctor ni Brylle?!"

"Hindi ka niya kilala sa mukha, ang alam lang niya ang pangalan mo. Nakiusap sa akin si Brylle noon na wag ko nang sabihin kay Ate ang tungkol sayo. At huli na ng nalaman ko na ang Doctor Emma na tinatawag nila ay ikaw Alexandra...."

I was left speechless. Paano ko haharapin ang isang malaking plot twist ng buhay ko.

I have decided.

Bukas na bukas aalis na ako dito. Babalik na ako sa Pilipinas.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga ako nagising dahil nag impake na ako ng mga gamit. Desidido na talaga ako. Babalik na ako sa Pilipinas. Wala ng rason na manatili ako dito.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon