Nine

4.4K 73 2
                                    

ALEX POV

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Iniisip ko yung picture na kinunan samin!

WORST BAKA MAMIS - INTERPRET NG LAHAT! ANG AWKWARD PA NAMAN NG POSITION!

( quick flashback )

Pagkauwi ko sa bahay hindi nagtagal dumating na rin ang pinsan ko.

"Insan! Ba't umuwi ka agad? Nagpunta ako sa meeting niyo wala ka na dun, sabi nina Sophia umuwi ka na daw."

"Oo. Nauna na ako, sumakit kasi tiyan ko." palusot ko sa kanya.

"Ha? Bakit? May nakain ka ba? Tara labas tayo bili tayo gamot, sakto gusto kong dumaan sa computer shop eh."

PATAY! PAG NAG COMPUTER SIYA TIYAK MAGBUBUKAS SIYA NG FACEBOOK! BAKA NA UPLOAD NA YUNG PICTURE NAMIN NUNG BRYLLE NA YUN!

"O' bat natahimik ka? Hindi mo ba ako sasamahan?"

"Uhm .. insan pwede bang wag na tayong lumabas?"

"Eh diba bibili nga tayo ng gamot mo?"

"Hindi na naman masakit tiyan ko eh."

"Okay ka na? Sge mag computer nalang tayo, kahit saglit lang."

"WAG!!!!!!!" medyo napalakas pa sigaw ko.

Tumingin na siya sa akin ng seryoso. Alam ko nagtataka na siya kung bakit nagkakaganito ako. Hays. Hindi ko kasi alam kong paano sasabihin sa kanya eh, I'm sure kung ano ano na naman iisipin neto.

"Oy Alexandra okay ka lang ba? May nangyari ba? Bat ka ba nagkakaganyan, ang weird mo."

"Ano ka ba, wala namang nangyari. Hahaha. Masakit kasi paa ko kaya wag na tayo lumabas ha? Dito nalang tayo." sabay hinatak ko na siya patungong kwarto.

( end of flashback )

Inumaga nalang pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Iba pakiramdam ko eh, feeling ko may di magandang mangyayari sa akin :[[[[

Nag suggest ako kay Mia na mas maaga pumasok para konti palang tao. Pero mali ang akala ko.

Nasa may gate palang kami nagtitinginan na mga tao. Mistula matutunaw na ako sa mga tingin nila!

"Insan, bat sila nakatingin sa atin? Ako ba tinitingnan nila? O ikaw?" nagtatakang tanong sa akin ni Mia.

Hindi ko alam kong paano ko siya sasagutin. Hindi ako komportable, nagkukumpulan na kasi yung mga tao at rinig kong nagbubulungan pa yung iba!

Kung pwede lang kainin ng lupa! Ginusto ko nang mawala nalang.

ISA LANG NAIISIP KO NGAYON ANG TUMAKBO PALAYO SA KANILA.

Bumwelo na ako upang kumaripas ng takbo, pero saktong may sumipol sa likod ko.

"Psssssssst!"

Napatigil tuloy ako. Paglingon ko, nasa likod ko na yung security guard ng school.

ALEXANDRA ANO BA TONG PINASOK MO :[[[[ BAT GANITO NA.

"Miss Santos?"

"Yes po?" kabado kong sagot.

"Pinapatawag ka sa guidance office ngayon."

NAPA FACE PALM NALANG AKO. HINDI MALINAW SA AKIN KUNG ANO YUNG NANGYAYARI PERO ALAM KONG MAY KINALAMAN TO SA BRYLLE NA YUN.

"Teka, bakit po siya pupunta dun? Sir, ano po bang problema?" nag aalala na sa akin pinsan ko.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon